4•

14 3 0
                                    

Third person_
Council's Office.

Sa loob ng malaki at madilim na kwarto at nasa napaka mahabang mesa kung saan naka upo ang lahat ng mga mas nasa Nakakataas o Elder's(Pure blood)- ay nagpupulong ang lahat para sa isang napaka importanting bagay.

"Kung talagang mapanganib ang batang 'yon, kailangan lang siguro nating bantayan sya ng mabuti." wika ni Harold sa lahat ng nando'n.

Sya ay isa ring bampira ngunit hindi sya kabilang sa mga Elder's katulad ng tatlo'ng magkakapatid roon.

"Ginagawa na namin ang bagay na 'yan, Harold, marami na sa mga kauri natin ang nagbabantay sa kanya pati na rin sa kasama nyang babae." sagot naman ni Tasha kay Harold, hindi rin ito kabilang sa mga Elder's kagaya nya.

"By the way, did you already contact Vicky?" tanong naman ni Erick- one of the Pure Blood.

"I already did, but she's not answering her phone." sagot naman ni Don- hindi rin ito kabilang sa mga Elder's, pero isa rin itong mangkukulam maliban sa paggiging bampira.

"May nakakaalam ba sa inyo tungkol sa kinaroroonan ni Vicky?" tanong iyon ni Vince sa lahat ng nandoon sa loob ng silid- hindi rin sya Elder's pati na 'yong iba pang naroon.

"Kailangan nating malaman ang sitwasyon nya, baka kung ano na ang nangyari sa kanya ng hindi natin nalalaman, pati na rin si Sarah." sabi rin ni Tasha sa nag aalalang boses.

"Wag kayong mag alala, ako ng bahala roon." paninigarado ni Harold.

Pagkatapos ng pagpupulong iyon ay isa isa ng nag silabasan ang ibang bampira roon, nasa iisang compound lang ang lahat ng mga bampira sa Angkan ng mga Evanstor kaya mabilis lang silang ma ipatawag.

Bago paman makalabas ng silid na iyon si Don ay tinawag muna ito ni Victor- ito ang pinakamantada sa anim na magkakapatid na pure blood, namatay naman dati dahil sa digmaan ang pangalawang kapatid ng mga ito. Ang dalawa naman ay syang naging kalaban ng angkan na ito dahil sa magkaiba ang mga paniniwala nila.

"Ano iyon?" tanong nya rito.

"Gusto kong sundan mo ang kasama ng batang iyon, alamin mo ang lahat ng tungkol sa kanya." utos nito sa kanya na agad naman nyang tinanguan.

Pagkatapos nyang magpaalam na rito ay agad na syang lumabas ng silid.

Hindi alam ni Don kung bakit pinapasundan ni Victor ang kasama ng batang iyon, ano bang meron dito na kahit ang iba nilang kauri at pati na ang ibang angkan ay nag tataka sa katauhan nito.

Ruan's Pov.

Napatingin kami ni Ate Reo dahil don sa isang sasakyan na bigla nalang bumusina ng malakas saka bigla ring huminto. Nakita rin namin 'yong galit na lalaking lumabas mula sa sasakyan at hinarap ang babaeng nakatayo sa harap mismo ng sasakyan.

Kung hindi lang siguro naihinto ng mabilis no'ng driver ang sasakyan ay baka tuluyan talagang nabangga 'yong babae, buti nalang talaga.

Hindi ba sya tumitingin sa dinadaanan nya?. Ano ba yan.

Kasalukuyan ngayong pinapagalitan no'ng lalaki ang babae ng bigla namang may lumabas ulit na babae mula do'n sa sasakyan, pero wait, parang magkamukha sila no'ng lalaki ah.

Di naman kaya, kambal sila. Posible rin naman, tapos pareho pa silang maputi. Hindi lang maputi, sobrang puti katulad no'ng receptionist sa hotel na tinutuluyan namin.

Pinipigilan ata ng bagong dating na babae yo'ng lalaki dahil bigla itong natahimik.

Napatingin naman ako kay Ate ng marahan nya kong hinawakan sa kamay.

SapphireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon