Reo's Pov.
"What?" gulat na tanong ko kay Darell sa malakas na boses.
Napaaway!?. Pa'no nangyaring mapapaaway si Ruan, eh kahit kailan di naman sya nasasangkot sa kahit anong gulo.
Walang sabing tinalikuran ko nalang si Darell at dali daling lumabas ng Canteen para puntahan si Ruan.
Kung totoo man 'yon, ano naman kaya ang pumasok sa kukuti nya at napaaway sya.
Kung ano-ano nalang ang pumapasok sa utak ko na di ko man lang namalayan na nandito na'ko sa harap ng classroom ni'na Ruan.
Buti nalang at di pa nag uumpisa ang klasi nila. Nakita ko agad sya na naka upo sa pinakadulong mesa malapit sa bintana. Hindi ko na sya kailangang tawagin dahil agad naman nya'kong napansin na nakatayo sa labas ng pintuan ng room nila.
Agad na s'yang tumayo at naglakad patungo sa dereksyon ko.
"What happened to you?" agad kong tanong sa kanya ng tuluyan na s'yang nakalapit sa'kin.
"Nothing's happened to me, ate." may balak pa ata s'yang mag sinungaling sa'kin.
"Don't you ever lie to me, Ruan." mariin kong sabi sa kanya.
Sumandal muna sya sa gilid ng pinto bago ako sinagot. Di rin sya makatingin ng deretso sa'kin.
"Ang bilis namang makarating sa'yo ng balita. Ano ba 'yan.." aniya na parang naiinis pa.
"What do you think?, di ko agad malalaman 'yon, ni halos lahat ng mga tao'ng naroon sa loob ng canteen ay 'yong nangyaring away ng transferred student at ng babaeng estudyante rito ay ang pinag uusapan nila. So maliban sa'kin ay ikaw lang naman ang transferred student dito." galit kong sabi sa kanya.
"So you think, it was my fault?" may halong lungkot ang boses na tanong nya sa'kin.
Geez, wala akong sinabing kasalanan nya.
"Hindi 'yan ang ibig kong sabihin, Ruan. I know it wasn't your fault. But, you almost kill her." yeah, at natatakot ako sa pwede nya pang gawin.
Kahit sabihin na bang sa aming dalawa sya ang maituturing na mabait, masiyahin at friendly sa kahit na sino. Pero nakakatakot din ito kapag kinalaban mo.
Minsan ko na syang nakitang magalit, elementary pa din sya noon at highschool ako. Papauwi na kami no'n galing ng school ng may isang batang estudyante rin na bumunggo sa kanya na s'yang naging dahilan para tumilapon ang laman ng hawak nitong cup ng juice sa damit nya.
Imbis na humingi ng sorry 'yong batang lalaki sa kanya ay tinawanan lang sya nong bata pati na rin ng mga kasama nito.
Lalapit na sana ako para pagalitan 'yong bata, but to my surprise, tinulak ni Ruan ng pagkalas 'yong batang lalaki at natumba ito. Pero ang mas lalong nagpagulat sa'kin ay ng may pinulot s'yang may kalakihang bato para sana ihagis ito sa batang lalaki kung hindi lang sya napigilan no'ng matandang babae.
"Ang OA naman ata ng nasagap mong balita, Ate e. Para lang sa dalawang beses kong inumpog ng malakas ang ulo nya sa mesa, almost kill her na agad." See, para sa kanya hindi pa 'yon malala?.
"Ok fine. But I don't want this to happened again. Habaan mo nalang ang pasensya mo para di na lumaki ang problema." I know it sounds so unfair para sa kanya. Pero kailangan talaga, mahirap na.
Tumango lang sya sa'kin. Tatalikod na sana ako pero humarap lang ulit sa kanya.
She was surprised when I hugged her. Maya maya lang naramdaman ko ring niyakap nya na'rin ako.
BINABASA MO ANG
Sapphire
VampireAno ba ang mas pipiliin niya. Ang kaligtasan ng kanyang kapatid o ang sariling kalayaan?