2•

31 3 0
                                    

Ruan's Pov.

Seriously?, dito kami titira ng ate ko?. Pinaglalaruan ba talaga kami ni Papa o ng babaeng 'yon.

Kasalukuyan akong nakatanaw sa gusaling ito mula sa taas. Si Ate naman ay tinignan muna yong papel na para bang naninigurado na ito talaga ang lugar na 'yon.

Akalain mo ba namang dito kami titira sa isang lumang building na para bang kunting paggalaw lang ng lupa ay bibigay na ang gusaling ito, at ang rumi pa. Pakiramdam ko, maraming naninirahang ligaw na ispirito dito. Yeeeek, so creepy.

Sa tingin ko, hanggang 10th floor ata meron ang gusaling ito.

Nakita kong pumasok na si Ate sa salaming pintuang iyon papasok sa loob kaya agad nakong sumunod sa kanya, pagpasok namin sa loob ay agad namang dumiritso si Ate sa may reception desk doon sa reception area  kung saan may nakatayo roong babae. Receptionist ata.

Wow naman, uso pa pala sa lugar na kagaya nito ang receptionist?. Nice ha.

"Ahm, nakapag pabook na kami dito last week, Miss. Actually, ang papa talaga namin ang tumawag rito." rinig kong sabi ni Ate do'n sa magandang babae.

Oo, sobrang ganda nya, at ang balat nya?, suuuper puti, para tuloy'ng walang dugo ang babaeng 'to.

"Can I have your name, Ma'am?, your full name." tanong naman nito kay Ate.

"Reo Alastair and Ruan Alastair." Tumango naman 'yong babae saka bumaling sa screen ng computer. Parang may hinahanap ito.

Ng tuluyan na siguro nitong makita ang hinahanap ay muli itong bumaling kay Ate.

"Room 26, 3rd floor. Here's your key, Ma'am, and welcome to Dutch Hotel." magiliw na bati nong babae kay Ate sabay abot nong susi.

Susi ata para sa magiging kwarto namin.

"Thanks." maikling sagot naman ni Ate sabay kuha nong susi.

Kitams?, bilang na bilang talaga ang mga sinasabi nya. Haiist.

Sumunod na agad ako kay Ate ng tumungo na sya sa harap ng elevator. Naghintay pa kami sandali bago bumukas 'yon.

May mangilan ngilan ring nakasakay na bumaba na dito sa ground floor.

Nang pumasok na kami sa elevator ay do'n ko lang napansin na may kasama rin pala kaming sumakay. Isang matandang lalaki.

Nakita kong ngumiti sya sakin kaya ginantihan ko rin sya ng matamis na ngiti. Mukhang mabait naman kasi.

"Bago lang ba kayo rito, hija??." tanong no'ng matanda pero kay Ate sya nakatingin, at ang kapatid kong magaling, nando'n na naman sa dulo habang nakasandal ulit at nakapikit. May nakasaksak na namang earphone sa magkabilang tenga nito.

Ganun talaga sya ka inlove sa music, eh, kaya lagi rin itong napagsasabihan na suplada at mataray ay dahil mabibilang lang ang mga taong gusto nitong kausapin.

Lagi rin kaming na ipagkukumpara, ako daw kasi 'yong tipong masarap kasama, samantalang sya wala, sobra daw'ng boring. Pareho man kami sa lahat ng bagay lalo na sa mga paborito namin tulad ng artista, kulay, damit etc. Wag lang ang ugali.

Pero wala namang paki do'n si Ate. Ganun lang talaga sya, laging walang paki. Well, maliban nalang sakin, kahit hindi nya sinasabi, pinapakita at pinaparamdam naman nyang mahal nya'ko. Sweeeet.

Tela napaka awkward naman sa pagitan naming tatlo na hindi man lang pinansin ni Ate 'yong tanong ni tanda kaya ako na ang sumagot.

"Ah, oo po, ngayon nga lang kami dumating eh." sagot ko sa kanya.

SapphireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon