5•

26 3 0
                                    

Monday (West Wing University)

Ruan's Pov.

Pababa na ako ng hagdan ng tawagin ako ulit ni Ate.

"Ano ba Ruan, bukas mo pa balak bumaba dito!?" Sigaw nya sa'kin.

"Heto na nga po o, pababa na." Sagot ko sa kanya ng tuluyan na'kong nakababa.  Kasalukuyan ito ngayong nag aayos ng hapag kainan.

"Ba't ba ang bagal mong kumilos?" Tanong nito na nakatingin na sa'kin, nginitian ko na lamang sya saka umupo na. Sumunod naman itong umupo at saka kami nagdasal.

Pagkatapos magdasal ay agad na kaming kumain. Ang bait talaga ni Ate at talagang marami rami ang niluto nya ngayong agahan. Tatlong itlog na sunny side up, bacon, corn beef, etc.

"Mukhang napadami ata ang niluto mo ngayon, Ate ah. Tayo lang nama'ng dalawa." Tiningnan lang naman nya ako at bumalik ulit sa pagkain. Akala ko nga di na sya magsasalita.

"Para 'yan sa mga alaga mo sa tiyan. Mahirap na, baka gutumin sila sa kalagitnaan ng klase nyo." Aba't, ayos din kung sumagot to minsan si Ate ha. Napasimangot tuloy ako.

Ng matapos na kaming kumain ay agad na naming niligpit ang pinagkainan namin at hinugasan. Si Ate lang pala ang naghugas dahil mabait sya ngayon.

Nauna na akong lumabas sa kanya, ni-lock nya muna saglit ang pintuan ng apartment namin saka na kami dire- diretsung pumunta sa may elevator. Nakasabay pa namin 'yong babaeng mahilig mag lipstick ng kulay blue mula sa room 22. Meron na naman syang nginunguyang chewing gum.

Wala namang laman ang elevator kaya naging maluwag lang ang pagsakay namin at hanggang sa ground floor ay kasabay parin namin si Girl room 22.

"Sa tingin mo, malapit lang kaya ang University na papasukan na-..."

"Excuse me, kayo ba ang mga anak ni Mr. Alastair?" Ang bastos naman ng taong 'to at pinutol lang naman ang sanay sasabihin ni Ate- ay teka, si tanda 'to ah.

"Kami nga po." Ako nalang ang sumagot sa tanong ni tanda dahil nakita kong biglang nag iba ang timpla ng mukha ni Ate. Ang aga aga nag susungit na.

Ngumiti naman sa'kin si tanda.

"Kanina ko pa kayo hinihintay. Pumasok na kayo sa loob ng Van." Nakangiting sabi ni Tanda, do'n lang din namin na pansin ang isang may kalakihang kulay itim na Van. 'Bat naman kami sasakay e wala naman kaming alam tungkol sa pagsakay sa sasakyan na 'yan.

"Ba't naman kami sasakay dyan?" Mukhang nabasa ata ni Ate ang kung ano man ang nasa isipan ko.

"Ang lahat kasi ng mga estudyanting nakatira dito sa Dutch hotel ay pinangakuan na ng may ari na kami mismo ang maghahatid at susundo sa inyo sa eskwelahan dahil kasama iyon sa serbisyo namin na syang binabayaran ninyo o ng mga magulang ninyo." Mahabang paliwanag nito pero di pa rin nawawala ang ngiti sa labi.

Tumango nalang din si Ate saka na una ng pumasok sa loob ng Van kaya sumunod na rin ako. Nagulat pa ako ng pagpasok ko ay may na una na palang nakasakay roon, isang lalaki sa front set, dalawa babaeng sa may likuran namin at isa pang lalaki.

Obvious namang tumahimik agad sila pagpasok namin ni Ate, iba rin kung tumingin sila sa'min, at ito namang si Ate, nakasaksak na naman sa magkabilang tenga ang earphone nya. Nakaka OP tuloy.

Pero kakaiba ata kung tumingin ang mga 'to samin na para bang binabasa nila ang kung ano man ang nasa isip namin kaya sinandal ko nalang ang gilid ng ulo ko sa may bintana saka pumikit, nakakailang talaga kasi ang paraan ng pagtitig nila sa'min.

Maya maya lang ay minulat ko nalang ang mga mata ko saka tumingin tingin sa dinadaanan namin, nag uusap usap na rin 'yong tatlo sa likod namin ni Ate, 'yong lalaki naman sa harapan ay kausap si tanda.

SapphireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon