Ruan's Pov.
Habang naglalakad patungo sa canteen ay narinig kong nag ring ang cellphone ko. Agad ko namang kinuha 'yon sa bulsa ng palda ko at agad na sinagot.
"Yow." sabi ko sa kabilang linya.
"Im sorry Ru, 'di na muna ako makakasabay sa'yo ngayo'ng recess. May research kasi ako'ng gagawin." rinig kong sabi ni Ate sa'kin mula sa kabilang linya.
"Its ok. Take you're time." sabi ko nalang saka tinapos na ang tawag.
Nasa loob nako ngayon ng canteen at naghahanap na ng bakanteng mesa ng may matanawan akong pamilyar na lalaki na prenting naka upo sa dulo malapit sa gilid ng bintana.
Napangiti naman ako ng tuluyan ko itong nakilala.
Dali dali nakong naglakad patungo sa dereksyon nito at walang sabi sabing umupo sa upuang kaharap nito.
He was shock when he saw me pero saglit lang 'yon at sumeryoso na ulit ang mukha nya.
"Hi." bati ko sa kanya.
Di man lang nag hi o hello sa'kin at walang ganang tinignan lang ako na para bang bored na bored ito ng makita ako.
"Remember me?" tanong ko rito.
Akala ko nga hindi nya sasagutin ang tanong ko dahil tinignan nya lang ako and sip his coffee.
"No." nabigla ako sa sagot nya.
Ang bilis siguro makalimot ng lalaki'ng 'to. Dalawang araw palang naman ang nakalipas since no'ng unang araw ng encounter namin.
"Ayy, grabi ka naman. Ang bilis mo namang makalimot ata." sabi ko sa kanya na tinaasan nya lang ng kilay.
"O heto, bayad ko. Baka dahil dyan maalala muna ako at baka nagtatampo ka lang dahil hindi kita na bayaran." inabot ko rito ang 50 pesos na hiniram ko sa kanya no'n.
Pano, naiwan ko kasi ang wallet ko sa bag sa classroom namin no'n. Mag si-Cr lang naman kasi sana ako, never ko naman inexpect na gugutomin na naman ako. Traydor talaga kasi 'tong mga bulati sa tyan ko.
Wala rin naman akong ibang choice kundi mang hiram dito dahil kapag bumalik ako sa room namin para lang kumuha ng pera ay baka di nako makalabas ulit. Kaya talagang kinapalan ko na ang mukha ko.
Abah, hinanap ko rin naman ang lalaking 'to noh. Sadyang ang hirap lang talaga nyang hagilapin. Nagtaka nga ako kung bakit 50 pesos ang binigay nya sa'kin e bente pesos lang naman ang hinihiram ko.
Nagtaka pa ako ng hindi man lang nya kinuha ang pera sa kamay ko kaya inilapit ko pa 'yon sa kanya lalo.
"No need. And will you please keep your mouth shut?. Your so noisy." anito sa malamig na boses.
Aba't ang lalaking 'to. Im just tryng to be friendly lang naman tapos ang kulukoy na'to nag susuplado.
Ngumuso nalang ako at saka ibinulsa ulit ang pera. Pinili ko nalang ding tumingin tingin sa paligid.
Napansin kong panaka nakang napapatingin ang ilang mga estudyanti sa dereksyon namin. At dahil nasanay na rin naman ako sa hindi ko malamang dahilan ng mga titig nila ay pinabayaan ko nalang.
Alam ko namang maganda ako kaya no need na para ipahalata nila na talaga nagagandahan sila sa'kin. Chaaar, gano'n lang talaga ako ka confident sa beauty ko.
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtingin sa'kin no'ng lalaki na hanggang ngayon di ko pa rin alam kung ano ang pangalan nya.
Tumingin din ako sa kanya na parang nagtatanong. Anong problema nito. He just tsk and turn his head again outside of the window.
BINABASA MO ANG
Sapphire
VampireAno ba ang mas pipiliin niya. Ang kaligtasan ng kanyang kapatid o ang sariling kalayaan?