Alam mo bang si Him: [U]

800 33 24
                                    

Kilala mo ba si Him?

Siya yung lalaking nagmahal ng totoo at tapat sa isang tao. Ang lalaking naghintay ng ilang taon para lang sa babae gusto niya. Kilala mo na ba siya? Baka alam mo. Alam mo na ba? Kikilalain ko pa ba siya ng maayos? Tara't mag usap tayo kung sino ba talaga si "Him." 

Si Him, siya yung lalaking nandyan palagi sa tabi kung may mga problema ang mga kaibigan niya. Nandyan siya parati para i-comfort sila. Pinapatawa niya at pinapangiti ang mga mahalagang tao sa kanyang buhay. Hindi kasi niya gustong makitang malungkot ang mga kaibigan niya, at lalong lalo na ang hindi niya gusto makita ang babaeng mahal niya. Pero alam mo ba?

Alam mo bang si Him.

Was just an ordinary guy and didn’t know about true love? Nagulat nalang nga siya nung isang araw sa paggising niya ay nararamdaman niya ‘to. Tumibok ang puso niya sa isang babae. Kaya nung dumating ‘to sa kanya, hindi niya inaasahan ang mga mangyayari. When Him first knew the word ‘Love’, Him thought that it would be happy, joyous, and above all, Him thought the he was lucky to even experience it.

Si Him, siya yung taong walang alam sa kung ano talaga ang ibig sabihin ng pag-ibig noon. Siya yung tipong lalaking baguhan lang talaga siya sa mundo ng pag-ibig. At yun nga, bago pa lang siya sumubok nito ay nasaktan siya.

Him fell for a girl. A girl that’s so innocent that she didn’t know that Him was hurting so much deep inside because of what she is doing. Manhid kasi si “Her.” Wala siyang ka-alam alam na nasasaktan pala si Him sa mga ginagawa niya. Sasabihin ko sa’yo ang isa sa ginawa niya. Nagpaturo siya ng gitara kay “Him” para meron siyang ipakitang talento sa lalaking gusto niya. Si Him naman ay parang wala lang ‘to sa kanya, mas gusto niya maging martir.

Pagdating sa pag-ibig, lahat ng tao ay naiiyak. Natutuwa. Natatawa. Nagagalit. Natatanga. Nababaliw. Kinikilig. Kinakabahan. Nararamdaman ang pag lamig ng kamay at inaatake ng mga paru-paro sa t’yan pag nandyan ang taong mahal niya sa kanyang harap.. at lalong lalo na ay nasasaktan. Kaya kahit maging martir pa 'yan si Him, hindi talaga mawawala ang sakit at lalong lalo na ay hindi 'yan maiiwasan. 

But Him didn’t know that it would be the reason. Love would be the reason. Hindi alam ni him na pwede palang umiyak ‘dahil’ sa pag-ibig. Hindi alam ni him na pwede pala siyang matuwa ‘dahil’ sa pag-ibig. Ang akala kasi ni Him noon ay ang pagibig ang nagbibigay lamang ng kasiyahan.

Pero mali pala siya si Him ng hinala. Akala lang pala ni Him ‘yun.

Alam mo bang si HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon