Finding the Lost Princess

158 6 4
                                        

Pinagkaisa ng panahon

Pinagkaitan ng oras

Pinaghiwalay ng tadhana. 

-x


“Dalawa…” Ang ikalawang pahina ng aking istorya. Bahagya ‘kong ibinaba ang aking ulo at tinanaw ang mapurok na daan patungo sa aking mahal na prinsesa. Ganitong-ganito ‘din ang aking mapait na buhay. Napakahirap. Siguro nga, tinadhana kaming dalawa na magkita. Siguro nga tinadhana ‘din kami na magkahiwalay. Siguro nga.

Dahan-dahan kong itinaas ang aking ulo para makita ang maambon na langit. Parang nakikiramay din ang langit sa akin ngayon. Patuloy pa rin sa pag-agos ang aking mga taksil na luha. Nangako ako sa kanya na magpapakatatag ako. Nangako akong maging malakas. Pero… ang hirap pigilan. Tang’na. Hindi ko talaga kayang mapanatili ang pangako ko.

Nagmamakaawa ako sa’yo.

Kahit ngayon lang.

Ngayong lang naman, pagbigyan mo na ‘ko.

Gusto kong maging mahina. Kahit ngayon lang. 

 

-x

“Ohh. Tanga!” inis na bulong ko.

Nakalimutan kong tanungin ‘yung pangalan niya! Langya! Napatingin ako sa relo ko. Hindi pa siya nakalayo dito. Kumaripas ako kaagad para hanapin siya. Tumakbo ako sa kung saan siya dumaan.

“Uh, excuse me.” mahinahong sabi ko pero hindi sila nakikinig.

“Tang’na tabi!” sigaw ko kaya napatingin silang lahat sa akin, natatakot. Tumabi naman sila kaagad. Salamat naman at hindi matigas ang mga uli nito. Lumagpas na ako sa kanila pero hindi nagtagal ay mas dumami pa ang mga tao kaya nahirapan akong umalis sa pwesto ko.                                                                     

Naman talaga oh! Ba’t ba ang daming tao? I bit my lip, trying to control my temper. Kalma lang Skyler. Mahahanap mo din siya. Magkikita ulit kayo. Remember, it’s all part of destiny’s plan. If it’s meant to be, it will be but.. wala akong pake! Kailangan ko siyang mahanap. Hindi muna ako mag-iisip ng mga kung ano-anong mga bagay na nakakapag distract sa akin. I must find her. I need to find her. Bakit ba kasi nakalimutan kong tanungin kung ano ang pangalan niya? Kainis naman.

Tumigil muna ako sa kakatakbo at tiningnan yung magkabila ko. It’s a sea of people. Paano ko siya mahanap kung maraming mga tao? At bakit ba maraming mga tao ngayon? I raised my head and looked up. Great. It’s a festival. Ba’t di ako nainform, ha? Argh.

Time’s ticking and there’s no trace of her anywhere.

-x

“Class dismissed,” pagdidissmiss ng guro namin sa English at inayos ang kanyang mga libro at ibang gamit saka umalis na sa classrom. Nagsimulang magsitayuan ang mga kaklase ko at inayos din ang kanilang mga gamit kaya napatingin nalang ako sa bintana at pinagmasdan ang palubog na araw.

“Athena, bilisan mo nga. May pupuntahan pa tayo.” Rinig ko na sinabi ng isa sa aking ka-klase.  Nabaling yung atensyon ko sa kanila kaya tiningnan ko sila. I’m not eaves dropping or anything. Walang magawa, e.

“Wait lang, Kenji. Ano ba. Saan ba tayo pupunta?” Hindi sumagot si Kenji at kinuha agad yung bag ni Athena at hinawakan ang kamay niya at umalis na sila. Saan kaya sila pupunta? Ewan. Pinagmasdan ko ang ibang mga kaklase ko tapos ibinalik muli yung atensyon ko sa labas.

“Sabay tayo uwi, Claire?” malambing na sabi ng isa ko pang kaklase. Iginala ko ang mata ko sa aking harapan habang nasa side parin yung ulo ko. Nasa harapan ko lang naman sila naglalandian. De joke. Bakit ang sama ko?

“Sige ba, Lewis. Malapit na din kasi gumabi. Magbibilang pa ako ng nine stars.” Mahinang sabi ni Claire sa huling linya.

“Ano ‘yung huling sinabi mo? ‘Di ko masyadong narinig, eh.” tanong ni Lewis kay Claire saka lumapit ng kaunti. Nakita kong namula kaagad si Claire.

“Ah-ah. W-wala. Tara na.” natatarantang aya ni Claire atsaka dali-daling lumagpas kay Lewis at umalis sa classroom.

“Uy, Claire! Nakalimutan mo ‘yung bag mo!” Kinuha ni Lewis ‘yung bag ni Claire tapos sumunod na palabas sa classroom. Ano kayang problema ng dalawang’ yun?

“Eris! Ano ba! Bitawan mo ‘ko!” inis na sigaw ni Eros, ang president ng klase namin.

“Eh, Eros naman e. Gusto lang kitang i-hug!” sabi naman ng aming V-pres na nagtatangkang I hug si Eros. Ito naman palagi ang scenario pag uwian, e. At ewan ko kung bakit kaya ‘wag mo akong tanungin.

Hindi ko na pinansin ang mga nangyayari sa paligid at binaling nalang yung atensyon ko sa labas. Pagkalipas ng ilang minuto, may naisip ako. Naisip ko na naman siya. Hay, puso at isip, malandi lang?!

Napagpasyahan ko nalang kunin ang notebook ko at ballpen para magsulat.

“Once upon a time, there was a boy,” panimulang sabi ko ng aking istorya at isinulat sa notebook na dala dala ko parati. Napahinto ako at napatingin sa itaas ng room namin para makapagisip kung ano ang sunod na kadugtong. Pero wala talaga akong maisip na kadugtong. Ano bang sunod na idudugtong ko? Hmm. Ano nga ba?

“Wait lang. Ano ba ang plot na gagawin ko? Ano ba ang istoryang isusulat ko?” nagtatakang tanong ko sa aking sarili at inikot-ikot ang pencil sa aking mga daliri.

“Ano nga ba?” pabulong kong sabi na naiinip. Isip Skyler. Mag-isip ka.  Teka lang. Bakit nga ba ako nagsusulat? Ano bang pumasok sa utak ko? Napabuntong hininga ako. Ano ba ‘tong ginagawa ko?!

“Ahhh!” inis na sigaw ko kaya malakas kong ibinaba ang hawak-hawak kong pencil.

“Hey,”

Then it felt like the world stopped revolving. Like, time slowed down and everything else just became silent after that. My body just froze in my seat, my mind in total black out. I slowly raised my head and saw her.

Bigla nalang natunaw ‘yong puso ko. Paano naman kasi, nagtama ‘yong mata namin at bigla nalang siyang ngumiti. Kainis. Bakit ba ganito?

I’ve felt this the same sensation before, I think.

-x

Love, well, comes at you… unexpectedly.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Alam mo bang si HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon