Alam mo bang si Him: [M]

533 29 10
                                    

Alam mo bang si Him.          

Ay siya yung tipong lalaking akala mong kapag nakita mo siyang nakangiti ay parang wala ‘tong bahid na kalungkutan? Si Him, siya yung tipong taong ang lakas makapagtawa at magpatawa. Siya yung tipong lalaking ang kulit talaga, hindi talaga siya titigil sa’yo pag hindi niya makikitang masaya ka. Siya yung madalas mong makitang nakangiti, madalas mong makitang masaya, madalas mong makitang buhay na buhay talaga ang mga mata. 

 Aakalain mong si Him, siya ang pinakamasayahing tao sa buong mundo. Aakalain mong masaya talaga siya. Pero alam mo..akala mo lang ‘yun.

The sad thing is no one understands him, he thinks. He wonders if there is anyone that can understand what he is feeling. He doesn’t even know if someone cares or would someone be able to help him out with it.

Life is ironic.

The world is unfair.

People are complicated.

And love is sometimes heartless.

Pero alam mo na ba?

Ang galing niyang mag tago, ni Him noh? Ang galing niyang mag panggap na parang walang dalang problema. Ang galing niyang i-daan lang ang lahat sa ngiti at tawa.

Alam mong si Him na kahit ngumingiti siya sa harap mo ay sa kaloob-looban niya ay naiiyak na siya? Pinipigilan niya lamang ang mga luha kasi hindi niya gusto na sabihan siyang mahina. Si Him, kahit anong gawin niyang pagpapakasaya sa kanyang sarili ay hindi talaga niya kaya maging totoong masaya. Si Him, para sa kanya, madali naman talaga tumawa at ngumiti pero mahirap maging masaya.

Alam mo bang si Him din noong unang panahon na naranasan niya ang pag-ibig ay hindi niya alam na nakakabaliw pala. Hindi alam ni Him na pwede pala siyang makapagtiis para lang makita ang reply ng isang tao. Hindi niya alam na pwede pala siyang hindi matulog ng maaga at aabot ng alas singko ng umaga, magdamag lang makipag usap at makipagtext sa taong nagpapasaya ng kanya ng todo. Si Him, hindi niya alam noon na pwede pala niyang isakripisyo ang kanyang iniipon na pera para makpagload siya at makareply kaagad.

Si Him, napagtanto lang niya noon na pwede pala siyang makapagtiis at makapaghintay sa isang tao.

Pero..nahihirapan na talaga siya. 

Alam mo bang si HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon