“Isa…” Pagsisimula ko sa aking kwentong malapit nang magtapos. Magsisimula tayo sa pinaka unang pahina ng aking istorya. Nung araw na kami ay pinagtagpo ng tadhana, nung araw na una ko siyang nakita. Pakinggan mo ako ha? Dinggin mo bawat salita ko. Hindi ko naman kasalanan kung bakit ‘yun ang nangyari. Wala naman akong ginawa. Minahal ko siya. Masisisi mo ba ako?
-x
‘Roses are red, violets are blue. Here’s a story, about me and you. I don’t know, why I’m writing this down. Maybe I’m hoping that you’re in town. If you happen to be around, please tell me so that you’ll be found. If I find you, there are two words I want to hear, I want to hear it from you, loud and clear. The first one is ‘I love you’; the second is ’I do’. I guess you already knew that, don’t you? Someday, somehow, I’ll prove to everybody that our love is true.’
Tiningnan ko ng maigi ang sinulat ko sa papel. Tiningnan ko ng mabuti. Tapos ay tinali ko ang papel sa balloon na hawak hawak ko. Hinawakan ko ng maayos ang balloon na sa isa kong kamay. Isusugal ko lahat ng pag-asa kong maranasan ang totoong pagibig dito sa gagawin ko. Sana makita ko na ang babaeng mamahalin ko habang buhay. Napatingin ako sa harapan ko at natanaw ko ang palubog na araw. Mapayapa ‘tong lumulubog sa dagat. Tiningnan ko ang nasa ilalim ko. Nakatayo ako ngayon sa seawall. Malinaw ang dagat at kitang kita ko ang kung ano ang nasa tubig. Bahagya kong itinaas ang ulo ko para makita ang napakagandang langit.
Everything seems perfect, the perfect weather and with the perfect setting. Bumuntong hininga ako at nagsimulang magbilang.
“One...” Pagsisimula ko saka ngumiti habang iniisip ang mga bagay bagay na mangyayari pagkatapos nito. Will this work? I hope so. I’m betting all my chances to experience love on this. Hindi ko alam kung ano ang naisip ko at ginagawa ko ‘to. Basta ang alam ko lang, nung umaga wala akong nagawa kundi nag muni muni sa aking kwarto habang nakatulalang tiningnan ang papel na blangko sa desk ko. The next thing I knew, nagsusulat ako ng ano ano then after that nasa isang balloon shop na ako tapos bumili ng mga balloons. Tapos ngayon, nasa sea side na ako.
“Two…” Alam kong weird ko tingnan ngayon kasi ang mga taong dumadaan sa likod ko ay nagbubulunggan.
“Ano bang ginagawa ni kuya? May hinihintay ba siya? Ako ba?”
“Feeler ka teh. Uwi na tayo! Uwe!”
“Che! Tara na nga. Minsan lang naman ako maging maharot.”
“Sure ka teh? Wachicha amma ma. Geh. Kwento mo sa baso.”
“Alam mo, may pagkaloka loka ka din eh, no?”
Natawa naman ako ‘dun sa sinabi nila. Seriously? Nagbulungan pa, dinig na dinig ko naman yung mga salitang sinasabi nila. Binaling ko nalang muli ang atensyon ko sa hawak hawak kong tali sa balloon. Napagpasyahan kong umupo para hindi ako mapansin ng mga tao na dumadaan sa likod ko. Napangiti ako sa kawalan.
Naalala ko ‘yung sinabi ng guro namin noon na ang buhay ay pwede mong maihahantulad sa mga gawa ng Diyos. Everything is made in God’s image and likeness. The vast sea and ocean, the serene sky, the magnificent moon, the uncountable stars, the flaming sun, the never ending galaxies – everything that’s made in God’s wonder. So that’s why people should look on the side that’s wonderful and that’s full of hope. Many people recognize it but only a few appreciates it.
Naramdaman ko ang pagihip ng preskong hangin na dumaloy sa balat ko. Bumuntong hininga ulit ako. Ito na talaga.
“Three…” Dahan dahan kong binitawan ang tali ng balloon na hawak hawak ko kaya lumipad na ‘to palayo. Tiningnan ko yung balloon puno ng pag-asa sa aking mga mata. Saka binulong ko sa aking sarili ang salitang, “Sana.” Napangiti na naman ako sa nakikita ko. Balang araw, mahanap ko din ang babaeng mamahalin ko habang buhay. Makikita ko siya sa lugar na hindi ko inaasahan. Nakatayo siya, nakangiti sa akin at hawak hawak niya ang balloon na nakatali dun ang mensahe ko para sa kanya.
Balang araw…
“Ha!” Nagulat ako nang may tumabi sa akin na babae tapos tumalon siya para kunin ang balloon na hindi pa kalayuang nakalipad. Nanlaki ang mata ko nang naabot niya yung tali tapos umupo sa tabi ko.
“Ano ‘to?” tanong niya saka tiningnan ang balloon saka binaling ang tingin niya sa akin tapos ngumiti.
Nagkatinginan kami.
Tanging titig lang talaga ang nagawa ko habang naka nga nga. Bakit ang ganda niya? Siguro girl next door or crush ng bayan siya. Ang ganda ng pilik mata niya. Maganda din yung ngipin niya, walang gap at hindi yellow. Syempre. Ang tangos ng ilong, walang bahid na blackheads at whiteheads. Saka ang puti niya. Is this love? Or is it dove? Ay ewan. Bakit ba ang waley ko? Ay ewan din. Ang ganda ng hugis ng mata niya. Parang kumikinang na mga bituin. Napatitig naman ako sa kanyang labi. Ang lambot tingnan. Wat?! Ano ba ‘tong iniisip ko. Baka mapagkamalan akong manyak nito. Binaling ko kaagad yung mata ko sa mukha niya maliban sa kanyang napakagandang labi.Hindi siya payat at lalong lalo niya hindi siya mataba. Sakto lang. Sexy. Pwede na siya mag apply as a model sa bench.
Nararamdaman ko ang pagbilig ng dibdib ko. Dahil ba ‘to sa kanya? Am I trapped in her love spell? Joke lang. Pero seryoso. Oh, ha? Ang gulo ko, no? Hindi ko nga alam pinaglalaban ko.
“Pipi ka ba?” tanong niya sa akin tapos bahagyang lumapit sa akin at inenspeksyon yung mukha ko. Sa paginspeksyon niya ay nahagilap ko yung pabango niya. Daig pa sa downy ang kanyang pabango. Grabe.
Lumayo siya pagkatapos pagkatapos niya akong inspeksyonin at tinali yung tali ng balloon sa kanyang kamay. Nabigla nalang ako nung naglanding yung dalawang kamay niya sa magkabila kong pisngi. Nakaramdam ako ng pagdaloy ng kuryente sa buong katawan ko. “Hey! Anyare ba sa’yo?” tanong niya ulit sa akin pero nakatitig lang ako sa kanya, hindi parin makapagmove on sa kanya. Ito ba yung tintawag nilang star-struck? Siguro nga.
Pakshet lang. Ano bang nangyayari? Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon.
“Bubuksan ko ha?” Ngumiti siya sa akin at wala akong nagawa kundi tumango sa kanya. Dahan dahan naman niyang kinuha yung papel na nakatali. Binuksan niya kaagad at sinimulan niyang binasa ang nakasulat.
“Roses are red, violets are blu-” Napahinto siya at tumawa ng mahina saka tumingin sa akin. “Ang makata mo naman!” Tumawa ulit siya tapos binaling muli ang atensyon sa papel at nagbasa ulit. Siya na ba ang nakalaan para sa akin? Sensya na. Seryoso ako kahit corny pakinggan. Corny ba? Bahala na.
Makalipas ang isang minuto ay tapos na siya sa pagbabasa. Humarap siya sa akin nan aka indian seat.
“Ang ganda ng sinulat mo. Para kay kanino ba ‘to?“ Pangapat niyang tanong sa akin. Binilang ko talaga kahit napakawalang kwenta at walang purpose kung bakit. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba yung tanong niya o manatiling tahimik lang ako. Bahala na.
“Ac-” Sasagutin ko na sana tanong niya pero biglang naputol dahil nagring yung phone niya. “Wait a sec.” sabi niya saka tumalikod sa akin. Makalipas na naman ang ilang minuto ay humarap siya ulit sa akin.
“Sorry pero pinapauwi na ako ng tatay ko. See you around!” sabi niya saka tumalon pababa. Hindi naman mataas yung seawall. Great. Another cliché moment. There’s always that someone who’ll distract the perfect moment.
Tiningnan ko siya habang naglalakas ng palayo. Bigla siyang tumalikod at saka kumaway sa akin. “Akin na ‘tong balloon mo ah? Tapos yung papel na ‘to!” sigaw niya at ngumiti ulit.
Ngumiti naman ako sa kanya at saka kumaway hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. “See you ‘til next time…” bulong ko sa aking sarili. Alam ko. Nararamdaman ko. Magkikita kami ulit. Sigurado ako ‘dun. It’s all part of destiny’s plan. Now, what will happen next? I wonder.
-x
A/N: Ngayon lang ulit nakapagupdate. Grabe. Haha. Sorry kung madaming typo and grammar errors. Tinatamad pa akong magproof read. So please bare with me. xD
BINABASA MO ANG
Alam mo bang si Him
Fiksi RemajaKilala mo ba si Him? Si Him na patuloy paring ngumingiti kahit sawang sawa na siya sa kanyang buhay? Gusto mo ba siya makilala? Gusto mo ba malaman ang kanyang istorya? Let's talk about 'Him.' Yes, that guy. The guy that you see that always smile bu...
