Alam mo bang si Him: [A]

373 27 9
                                    

Alam mo bang Si Him.

Hindi ‘yan perpekto. There’s no such thing as an Ideal and Perfect Guy. Everyone has each of their own flaws and imperfections and that’s what makes them human. Stop daydreaming. See and accept Him for what he is.

Kasi si Him, kahit hindi ‘yan katulad ng mga lalaking iniidolo mo. Kahit hindi ‘yan kasing puti katulad ng mga koreano na nasa teleserye na pinapanood mo, hindi kasing gwapo ni Daniel Padilla, hindi kasing ganda ang boses ng mga boy band na naririnig mo sa telebisyon, ay sasabihin ko sa’yo na gagawin niya ang lahat para lang mapasaya yung taong mahalaga sa buhay niya. Gagawin niya ang lahat para lang mapansin siya.

Para lang sa taong gusto niya. Gagawin niya ang lahat. Ipaglaban lang siya ng Princesa na naghahari ng kanyang puso.

Alam mo ba ang pinagkaiba ni Him noong hindi pa niya nakita ang babaeng nagpapatibok ng puso niya at ngayon? Noon, si Him ay basagulero siya, mahilig makapagaway, lahat ng karantaduhan. Pero dahil mahal niya talaga ang taong gusto niya ay napagdesiyonan niyang magbago. Ganyan naman talaga ‘di ba? Magbabago naman talaga tayo. We change and would become a better person because of our love for someone. 

Kaya ngayon si Him ay nagporsigido talaga siyang makapasa ng mga proyekto niya kahit alas dose na ng kabilugan ng buwan. Ngayon ay ginagawa na niya ang kanyang mga assignments kahit parang mababasag na ang kanyang ulo dahil sa mga equations sa Math. Nagporsigido siyang makapagaral para makapasok siya sa Top 10 ng kanyang klase na kahit noon ay nasa pinakamababang ranking lang siya. Ginawa niya ang lahat para mapansin lang siya ni ‘Her’. Nagsusumikap siya na may instrumento siyang pwede niyang itugtog sa kanya, para may ipapakita na talento naman siya kay ‘Her’. Nagsusumikap siyang  marunong sumayaw at kumanta para kahit papaano ay mapansin siya.

Hoping that ‘Him’ would be noticed.  But did you know that Him's just taken for granted?

Alam mo ‘din bang si Him, kahit ginawa niya lahat ng ‘yon ay hindi niya alam kung napansin ba talaga siya. 

Alam mo bang si HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon