A Thousand Times Goodbye [Prologue]

270 10 13
                                        

Prologue

-x

“Isa…” pagsisimula ko sa aking kwentong malapit nang magtapos. Ilang linggo, minuto at segundo na ba ang nakaraan nung tumibok ‘tong puso ko para sa babaeng pinakamamahal ko? Ilang taon na ba ang nasayang, sa walang saysay na pag-ibig ko sa kanya? Kirot at sakit nalang ba ang aking madarama kung gugustuhin ko siyang makasama? Iyak at lungkot nalang ang tanging nararamdaman ko na ngayon sa aking puso nung hindi ko na siya nadarama.

Isang hakbang na ang ginawa ko palapit sa kanya. Napakahirap at napakasakit para sa akin ang bagay na ginagawa ko ngayon. Sisimulan ko na ba ang kwento kong malapit nang magtapos? May makikinig ba? Meron bang makakapagunawa sa akin? Papakinggan ba nila ang istorya ko?

Magsisimula tayo sa pinaka-una, noong mga panahon na hindi ko pa nasabi ang salitang, ‘Tama na.’ Wala naman kasing nakaalaman kung kelan ko pinanghahawakan ang salitang, ‘Kaya ko pa,’ nung bago ko pa binitiwan ang salitang akala ko hindi ko talaga sasabihin kahit kelan, ang salitang ayaw na ayaw ko noon pero hahantong pala ako doon… ‘Hindi ko na kaya.’

Nararamdaman ko na may namumuong luha, hindi nagtagal ay dumaloy na ‘to sa gilid ng mga mata ko na simula pa lang ay pinipigilan  ko para hindi makatakas. Taksil talaga. Sinabayan pa ‘to ng pagpatak at pagagos ng malakas na ulan. Hinawakan ko ng maigi ang dala kong payong. Nababasa na sa ulan ang pinakamamahal kong babae. Nararamdaman kong giniginaw siya. Kailangan na kailangan niya talaga ako ngayon. Pero paano ba ‘to… bakit parang may pwersang tinataboy ako palayo sa kanya? Bakit parang hindi ako makagalaw ngayon sa kinatatayuan ko? Napapikit ako at napaisip bigla.

Ang hina ko talaga.Di ko talaga kaya.

Umiling ako at tiningnan muli ang aking mahal na prinsesa. Mag isa lang siya ngayong umiiyak, kailangan niya ng kaibigan, kailangan niya ako, hindi dapat ako magiging makasarili sa ganitong oras. Marami pang hakbang ang gagawin ko para makalapit ako sa kanya.

Ike-kwento ko na kaya making ka. Pakinggan mo ang bawat salita na bibitawan ko hanggang sa huli. Unawain mo ako hanggang sa makakaya ko. Wag mo akong iwanan mag-isa sa laban kong alam ko namang hindi ko kaya. Ang laban na alam ko noon pa ay talo na. Hawakan mo ang nanginginig kong kamay, sabay tayong maglalakbay sa buhay kong malapit ko nang ikamamatay. 

-x

A/N: Hello! Yow! This is an on-going story, hopefully. Sana hindi ako tamaan ng procrastination. Ito pala yung sequel ng story "Alam mo bang si Him." Noon, I thought I should entitle it 'Alam mo bang ang istorya ni Him?' I have debated and made my decision. A Thousand Times Goodbye na yung title ng book two. HAHA. (Hindi naman talaga yun story yung Alam mo bang si Him. xD) So yeah, hope you guys support it. Lablab. :D xD 

P.S: Baka matagalan yung next update. (Lol. Kung meron man akong readers nito. XD) Alam niyo naman na tamad ako. I'll try my best as soon as possible na makagawa ng update. :) 

Alam mo bang si HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon