Nandito ako sa park kung saan lagi akong dinadala ni papa nung bata pa ako. Bumili akong ng saranggola gaya ng lagi naming ginagawa ni papa tuwing magkasama kami. Sayang nga lang wala siya dahil nasa work siya. Masipag si papa kaya iniidolo ko siya. Sayang wala na si mama bata palang ako ng iwan ako ni mama. Hayst tama na ang drama. Habang pinapalipad ko ang saranggola ko di ko namalayan na bumababa na ang lipad nito. At tuluyan ng bumagsak sa may fountain. Tumakbo ako papunta doon at laking gulat ko may natamaan na isang lalaki bilis na bilis akong tumakbo papunta doon."Sorry di ko sinasadya." habang tinatayo ko siya.
"Ayos lang di naman ako nasaktan." inayos niya ang sarili niya at humarap saakin.
Kung kanina nagulat ako ngayon gulat na gulat na gulat na ako at nahiya na ang salitang Gulat sa pagkagulat ko.
"Ikaw?!" sabay naming sigaw sa isa't isa
"Ay hindi ako!" sabay padin kami
"Ginagaya mo ba ako?!" sabay ulit kami! Hay nakakainis naman oh. Of all people siya pa nakita ko!
"Duh?! Di naman ako gagaya sayo noh? Never!" pagmamalaki ko
"Hay di ka pa din nagbabago Kity" laking gulat ko nung tinawag niya akong Kity iisa lang naman ang tumawag saakin non ehh. Hayst nevermind.
"Hoy, ayos ka lang ba?!" sigaw ko habang may konting pagaalala dahil natusok ng sarrangola ko ung malapit sa mata niya. Buti nalang di siya tumama sa mata kundi LAGOT AKO!
"Ganyan ka ba magalala sakin ha?" nakangisi niyang sabi habang papalapit saakin.
"Hoy w-wag kang l-lalapit! At hindi ako na-nagaalala s-sayo noh! NEVER."
"Never pa la huh?" patuloy pa din siya ng paglapit saakin.
"Kinuha ko lang tong ice cream ko" sabay pakita sakin ng ice cream na kinuha niya mula sa likod ko. Teka?! Mula sa likod ko? Pakatalikod ko may mamang nagtitinda ng ice cream sa likod ko.
"Wag kang assuming Ms. Salazar lumalapit ako sayo para makuha tong ice cream na binili ko. And lumalapit ako sayo dahil nasa likod mo ung nagtitinda ng ice cream. Ayaw mo kasing tumabi eh. Hahahah" patuloy parin siya sa pagtawa at pagsubo ng ice cream.
"Hoy di ako assuming noh! Malay ko bang may nagtitinda sa likod ko!" nakakinis na talaga tong lalaking toh.
"Hahahah" patuloy parin siya sa pag tawa.
"Hay makaalis na nga. Malas talaga araw ko kapag nakikita kita!" inis kong sabi habang pinupulot ung sarrangola ko.
"Hinay hinay lang sa pag sasabi ng mga salita na balang araw ako din ang magpapasaya sayo." sabi niya na may ngiti sa labi niya at di ko alam kung anong meaning non.
"Bye" at lumakad na siya palayo sakin.
Habang ako naman ay nakatulala at nakahawak sa dibdib ko na para bang ang bilis ng tibok ng puso ko. Daig pa ang tumakbo ako sa bahay mula sa ibang bansa sa sobrang bilis ng tibok nito.
Makauwi na nga lang.
Pagkauwi ko sa bahay nadatnan ko sina Mary kasama sina tita at tito pati narin si mama. Since wala kaming pasok ngayon dahil may meeting ang mga teacher namin para sa mga event napag isipan namin ni Mary na dumito muna hanggang mamaya.
"Anak" agad naman akong niyakap ni mama.
"Ano pong meron mama?" nagtataka kong tanong.
"Anak" kinakabahan ako sa sasabihin ni mama dahil prang naiiyak na siya "Wala na ang papa mo" parang tumigil bigla ung mundo ko sa narinig ko.
"Ma? Joke ba yan?!" naiiyak na ako dahil sa sobrang pagkagulat at lungkot pero hindi parin ako naniniwala kay mama. "Kung joke pu iyan sabihin niyo naman po sakin na "Anak joke lang, ikaw naman di ka mabiro" di ba po mahilig kayong mag joke sakin minsan nga napapaniwala niyo ako eh. Atsaka bakit naman po mamatay si papa? Eh malakas po siya ehh. Magpapalipad pa po kami ng sarrangola sa park heto nga po oh may dala ako. Galing po ako aa park na pinupuntahan namin ni papa." imbis na magsalita si mama niyakap niya akong nang mahigpit na mahigpit.
"Anak wala na siya. Na Heart Attack siya kanina aa office dahil sa sobrang pagod." patuloy parin si mama sa pag iyak at ako naman tumakbo palabas ng bahay namin. Di ko alam kung saan ako pupunta.
"Papa ang daya mo namam ehh" patuloy parin ako sa pag iyak pati araw nakisama narin para damayan ako. "Bakit siya?! Masyado siyang mabait para kunin niyo! Aaaahhhhh!" nagsisigaw na ako sa sobrang lungkot at galit. "Alam kong nagyari to dahil may rason, bigyan niyo naman po ako ng rason bakit niyo po siya kuniha agad sakin oh!" halos di na ako makahiga dahil sa sobrang iyak at bigat sa dibdib ko.
"Papa bat mo ko iniwan?! Bakit mo kami iniwan?! Sabi mo dito kalang sa tabi ko?! Papa ang dami ko pang gusto sabihin at itanong sainyo ehh! Bat ang bilis mong nawala?! Bakit hindi mo nilabanan?" hinahabol ko nalang ang hininga ko dahil gusto kong maging malakas para kay papa.
"Mahal na mahal kita papa. Sana hindi nalang ikaw. Sana masaya ka na diyan sa heaven. Lagi mo kaming babantayan ni Mama Grace ha? Lagi kang nandito sa puso namin. Sana papa matuklasan mo ung pagiging mabuti kong doctor. Sana ako nalang ung gumamot sayo para mabuhay kapa. Pero papa wala kana pano pa kita gagamutin?! Nandito ka lagi sa puso namin papa, hinding hindi ka mawawala. Wag kang mag alala papa, babantayan ko si mama Grace lagi!" walang tigil ang buhos nag ulan kasabay ng mga luha ko
"Mahal na mahal na mahal na mahal kita papa" sa di kalayuan may nakita akong isang lalaki na parang familyar saakin.
Hanggang sa mawalan ako ng malay.
BINABASA MO ANG
To Reach You
Teen FictionBata palang ako mahilig na akong magpalipad ng sarrangola dahil narin sa tinuruan ako ni papa. Hanggang sa kinuha na siya ni God. Simula noon hindi ko na naisipan magpalipad ulit nito dahil sa bawat hangin sa bawat taas ng nalilipad ng sarrangola ko...