Jacob's Pov
Salamat naman at lumabas na siya nang bahay nila. Kanina ko pa siya inaabangan dito sa tapat ng bahay nila.
At ayun siya naghihintay ng taxi. Maasar nga! Whahaha!
Pinaandar ko ang sasakyan ko at sinadyang matalsikan ang sapatos niya. Hindi naman ako ganon ka sama para gawin yon, gusto ko lang makita siyang naasar.
"Hoy! Bumaba ka nga diyan!" sigaw niya saakin. Whahahah ung mukha niya talaga.
"Sabi ko bumababa ka dyan!"
"May problema ka ba miss?" nakangisi kong sabi. Wala lang para maasar lang siya.
"Hoy! Mr. Lim! Tinatanong mo kung anong problema ko?!" paguuliy niya.
"Bingi ka ba?" pfftt. Nagpipigil nalang ako ng tawa kasi asar na asar na siya hahahahha.
"Ikaw ang problema ko! Tignan mo ginawa mo sa sapatos ko!" sabi niya habang pinunasan ulit ng tissue ung sapatos niya.
"Ah? Yan ba? Wag kang magalala kaya kitang bilhan ng kahit ilang sapatos at kahit ano pang brand."
"Hindi ko kailangan ng pera mo!"
"Arte!" bulong ko pero sinadyang marinig niya yon.
"Hoy Mr. Lim! Ano bang ginawa ko sayo at ako laging nakikita at pinagtitripan mo?!"
"Wala naman, gusto ko lang nakikita kang naasar! Hahhaha" pumasok na ako sa sasakyan ko at pinaandar ang sasakyan
"Hoy!" habang nakikita ko siyang naiinis sa side mirror ng sasakyan ko, di ko maiwasang mapatawa at mapangiti.
.
.
."Hi , new student ka dito diba?" napatingin ako sa harapan ng makita ko si Kathleen na may kausap na lalaki.
"Hi? Ahh.. Oo.."
"Ako nga pala si Richard Yu." may paabot abot pa ng kamay ang loko.
"Kathleen Salazar" kung makahawak kala mo naman wala ng bukas. Suntukin ko kaya toh?!
"Pwede ba tayong maging kaibigan?" tsk! Di yan papayag!
"Sure! Sige" Wait?! Pumayag siya?! Ano bang naisipan niya at makikioag kaibigan siya sa lokong iyon?! Eh kakakilala palang nila eh!
"Yes!" Suntukan nalang oh?! "Sorry ang saya ko lang na may kaibigan na ako." May kaibigan na siya?! Eh nung isang araw lang may kasama siyang babae tapos ang sweet sweet pa nila!
"Sa gwapo mong yan? Wala kang kaibigan?" gwapo daw? Eh mas gwapo naman ako dyan!
"Di naman porket gwapo madami ng kaibigan, basta kaibigan mo na ako ah? Walang bawian!"
"Sige ba!" ang saya-saya la ng babaeng toh!
"Btw. Saan ka pupunta pagkatapos ng class mamaya?"
"Ah. Sa may field may laro daw ng basketball mamaya eh. Inaya akong manood ng bestfriend kong si Mariane. Ayun oh gumagawa na nga siya ng banner para sa Crush niyang si Third. Pero shh kalang." napatingin naman ako sa Bestfriend Kunno niya. Nakita kong nagsusulat sa may cartolina na may nakalagay na "Go Poging Third!" tsk ano bang meron dun sa lalaking yon?
"Hahaha mukang inlove bestfriend mo ah?" halata naman dba?! Bobo!
"Pwede ba akong sumama sainyo ng bestfriend mo?"
"Oo naman, sabay nalang tayo mamaya papunta sa field." at sabay pa talaga sila ha?!
"Sure." wagas nan kung makangiti tong babaeng toh!
BINABASA MO ANG
To Reach You
Novela JuvenilBata palang ako mahilig na akong magpalipad ng sarrangola dahil narin sa tinuruan ako ni papa. Hanggang sa kinuha na siya ni God. Simula noon hindi ko na naisipan magpalipad ulit nito dahil sa bawat hangin sa bawat taas ng nalilipad ng sarrangola ko...