First Day of our RelationSHIT.

22 3 0
                                    

Kathleen's Pov

Nagising ako dahil may narinig akong maingay sa kusina.

"You're all I ever need
Baby, you're amazing
You're my angel come and save me"

May kasama ba akong singer dito? Hindi naman maganda ung boses ni Mary ah? Atsaka hindi naman babae ung boses na un.

Teka?! May magnanakaw ba dito sa condo namen?!

Tinignan ko si Mary sa kabilang kwarto.

"Mary?" bulong ko habang kumakatok ng mahina para hindi marinig nung magnanakaw.

Pinikot ko ung doorknob at himala hindi nakalock ubg kwarto niya.

"Mary?" imbis na makita kong natutulog si Mary sa kama niya, may nakita akong isang sulat.

"Hoy Katy?! Mauna na akong pumasok ah?! Late ka nanaman gumising loka ka! Maghanda kana maysusundo sayo! Whahahah! Goodluck!"

Parang baliw toh. May service na ba kami ngayon?!

Ayy teka! May magnanakaw pala sa kusina! Kailangan ko siyang mapalo sa ulo ng malakas para mahimatay siya tapos tatawag ako ng pulis. Tapos pagkagising niya nasa kulungan na siya.

"Tama! Ayun nga!"

Agad akong kumuha ng walis at naglakad ng dahan dahan papunta sa kusina.

"Ahhhh!!!" pinato ko ng malakas sa ulo ung lalaking nakatalikod at may suot ng apron.

"Ano ba yan?! Mamamalo na nga lang baliktad pa ung walis na hawak mo. Imbis na ung kahoy ipampukpok mo sakin ung mismong walis pa?" sabi niya. Aghh kainis epic fail ako dun ah!

"Hoy! Bakit nandito ka?! Sinong nagsabing pwede kang pumasok sa condo ko?! May permit ka ba?! Hah?!" galit kong sabi.

"Kailangan pa ba ng permit Ms.Salazar?" nakangisi niyang sabi.

"Oo naman! Hindi mo naman property toh para pumasok nalang basta basta!"

"Hindi property? Eh diba girlfriend na kita? So it means PROPERTY na kita." sabay kindat saakin at nagpatuloy na magluto ng hotdogs.

"Property?! Eh hindi naman totoo na girlfriend mo ko hah?!" ano bang pinagsasasabi nito.

"Simula ngayon girlfriend na kita. Ayaw mo ba non walang magugulo sayo, By."

"By? What's with the "By"?" nakadrugs ata tong lalaking toh.

"By, short for Baby." sabay hawak sa pisngi ko.

"Hoy Jacob! Bakit ka nga nandito?!"

"Simple lang. Ngayon na mags-start na girlfriend kita at boyfriend mo ako." sabi niya habang papunta sa lamesa at hinanda ung mga pagkain niluto niya. At ako naman naiwan niya nakatulala sa at kinakabahan sa sinabi niya.

"Maligo kana ang baho mo eh!" sigaw niya na parang natatawa.

"Pwede ba umalis kana!" sabi ko habang naglalakad ng mabilis papunta sa kwarto ko.

Pero hinawakan niya ang kamay ko at hiniharap sa kanya.

"Pagkatapos mong maligo kumain kana. Nandon lang ako sa sala." sabi niya at dumiretso sa sala.

Natigilan ako nung sinabi niya yon dahil kita ko sa mata niya na seryoso siya.

Pumunta nalang ako sa kwarto para mag-ayos. Wala naman akong magagawa. Kaya pinabayahan ko nalang siya.

After 30 years. De joke 30minutes lang. Heheheh. Kumain na ako agad at pumunta sa sala para puntahan si Jacob.

"Oh tapos ka na pala!" sabi niya habang pinapatay ung t.v.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon