Basketball Game

26 3 0
                                        

"Ma alis na po ako." pagpapaalam ko kay mama.

"Sige anak mag ingat ka."

Maaga akong papasok ngayon para mag abang ng taxi dito malapit saamin. Hindi katulad kapag nasa condo kami ni Mariane, walking distance lang kasi doon.

Habang naghihintay ako ng taxi may isang sasakyan na na napakabilis ng takbo dahilan para tumalsik ung putik sa sapatos ko!

"Hoy! Bumaba ka nga diyan!" sigaw ko habang nakastop ung sasakyan niya sa harapan ko. Nanadya ba toh?!

"Sabi ko bumababa ka dyan!" sigaw ko habang nilalamon na ng inis dito sa kinatatayuan ko.

"May problema ka ba miss?" sabi niya habang ako naman pinupunasan ang sapatos ko. At pag angat ng ulo ko. Aba! Nakangisi ang loko!

"Hoy! Mr. Lim! Tinatanong mo kung anong problema ko?!" inis kong sabi.

"Bingi ka ba?" nakangisi niyang sabi. Nagaasar ba toh?!

"Ikaw ang problema ko! Tignan mo ginawa mo sa sapatos ko!" kainis talaga kahit kelan tong lalaking toh!

"Ah? Yan ba? Wag kang magalala kaya kitang bilhan ng kahit ilang sapatos at kahit ano pang brand."

"Hindi ko kailangan ng pera mo!" anong akala niya saken walang pambili?.

"Arte!" at ako pang maarte? Siya kayang matalsikan ng putik dyan, tignan natin kung sinong maarte!

"Hoy Mr. Lim! Ano bang ginawa ko sayo at ako laging nakikita at pinagtitripan mo?!" naiinis at nagtataka kong sabi. Di naman ako kagandahan para mapansin niya! Iba din takbo ng utak nitong lalaking toh!

"Wala naman, gusto ko lang nakikita kang naasar! Hahhaha" Aba at!

"Hoy!" pumasok na siya sa sasakyan niga at pinaandar ng mabilis.

"Nakakainis! Hintayin mo ang ganti ko Jacob!" sigaw ko na parang mababaliw na ako sa inis dito.

Di talaga mawawala ang araw na lagi akong badtrip sa lokong yon!

Bwisit talaga sa buhay ko ung lalaking yon!!
.
.
.
.
.
"Katy!" sigaw ni Mariane habang tumatakbo papunta sakin na kakapasok palang sa gate ng university.

"Oh? Parang ang tagal mo na akong hindi nakita ah? May payakap yakap ka pa dyan?" pano ba naman kasi muntik na kaming matumba dahil sa pagkayakap sakin.

"Namiss lang kita!" sabi niya. Napangiti niya ako dun ah? Nawala badtrip ko.

"Namiss din kita bestfriend."

"Oo nga pala, may laro mamaya sa field ng basketball. Kalaban ng school natin ang kabilang university. Nood tayo Katy!" masigla niyang sabi.

"Alam mo naman na wala akong hilig doon diba?" wala naman talaga akong alam sa basketball ehh.

"Samahan mo nalang ako. Sige na... Please... Maglalaro din si Third eh. Gusto ko siyang i cheer. Sige na Kity..." pangungulit niya. Akala ko naman buong team i che cheer niya ngayon pala si Third lang.

"Sige na nga!" wala naman akong magawa dahil bestfriend ko siya. Hay nako Mary...

"Yun oh! Thank you bestfriend!" sabay yakap sakin.

"Teka? What time ba?" tanong ko.

"Mamayang 3:00 after ng last subject natin sa hapon." hindi parin mawala ung ngiti niya. Woah inlove talaga siya.

"Sige kita nalang tayo sa field."

"Sige bestfriend! See you mamaya! Thanks! Muah! Una na ako aa room gagawa pa akong banner!" sabay takbo papunta sa room namin. Baliw? Di pa ako hinintay

To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon