A Day without Him

19 3 0
                                        

Kathleen's Pov

Nagising nalang ako sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko. Naalala ko ung nagyari kagabi. Di ko maiwasang umiyak dahil ito ang araw na wala na si papa. Wala na ang papang iniidolo ko. Kailangan kong maging malakas para kay papa.

Pinunasan ko ang mga mata ko sa bawat pagpatak ng aking mga luha. Nag ayos ako ng sarili bago pumunta sa chapel kung saan naka burok si papa.

Naisip ko ung kagabi, may nakita akong isang lalaking nakatayo pagkatapos nawalan na ako ng malay. Di ko na alam kung sino ang nagdala saakin dito.

Kahit sino pa siya nagpapasalamat ako sakanya.
.
.
.
.
.
Pagpasok ko palang sa chapel naririnig ko na ang hikbi ni Mama Grace. Haggang sa makalapit na ako, kung nasaan si papa.

Di ko na naiwasang maiyak ng sobra. Dahil sa lahat ng tao si papa ang naging kapatid, kuya, at higit sa lahat siya ang bestfriend ko.

Ang hirap isipin na wala na siya sa tabi io tuwing kailangan ko ng masasandalan. Ang hirap isipin na wala ng magpapasaya saakin tuwing malungkot ako. Ang hirap isipin na wala na ang iniidolo ko. Ang hirap isipin na wala na si papa.

Patuloy parin ang pag-iyak ko hanggang sa niyakap na ako ni Mama. Hindi ko mapigilan na yakapin siya ng mahigpit na mahigpit dahil sa lahat ng tao siya lang makakaintindi saakin ng ganito. Siya lang ang masasandalan ko.

Humarap ulit ako kay papa na parang natutulog lang.

"Papa, binigla mo naman ako. Sana man lang nagpaalam ka sakin. *sniff*. Papa, alam kong masaya ka na dyan *sniff* Alam kong binabantayn mo po kami. Papa mahal na mahal ka namin ni mama. Ako pong bahala kay mama babantayan ko po siya *sniff*. Kayo din po ah bantayan mo po kami. Kayo po ang guardian angel namin. Mahal na mahal na mahal na mahal ko po kayo papa, forever. Miss na po kita kahit isang araw palang kitang hindi nakikita. Paano pa kaya kapag forever na kitang hindi makita?"

Sana papa naririnig mo ako. Sana nandito ka. Kasama sana kitang bubuo sa mga pangarap mo saakin.

Promise papa magiging isa akong doctor gaya ng sinabi mo saakin dati.

"Paalam na papa. Hanggang sa muli nating pagkikita."
.
.
.
.
.

One week later

Nandito ako ngayon sa harapan ng puntod ni papa.

"Hi Papa, miss na miss na miss na kita. Alam mo papa ang hirap pala mag fourth year noh?. Pero kahit ganon pa man kakayanin ko para sa mga pangarap mo saakin. Nag promise ako sayo diba papa? Sabi mo pa nga dati..."

Flashback

"Anak ano gusto mo paglaki mo?" tanong saakin ni papa.

"Gusto ko pong maging katulad mo papa."

"Gusto mong maging doctor?"

"Opo papa. Para po pag nagkasakit kayo ako po gagamot at mag-aalaga sainyo. Ako po maging nurse at doctor niyo." pagmamalaki kong sabi

"Kung ganon anak, mag promise ka kay papa na maging doctor ka someday"

"I Kathleen Salazar promise to be a successful doctor like Dr. Kean Salazar. And I promise to be a nurse and doctor of Kean Salazar until he is old."

Nagpinky swear kami ni papa tanda ng pagpromise ko sakanya.

"Sure ako anak na magiging isa ka sa pinakamayamang doctora sa buong mundo." nakangiting sabi ni papa sakin.

"Talaga papa?"

"Oo naman anak, mana ka kay Dr. Kean Salazar. At syempre ako yun." natatawag sabi niya

"Promise mo saakin papa na sabay nating tutuparin ang pangarap ko at pangarap mo para sakin ah? Wag mo akong iiwan papa."

"Andito lang ako palagi anak."

Niyakap ko si papa at ganon din siya. Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit.

End of flashback

"Nakakatawa papa noh? Parang kailan lang nung nag pinky swear tayo sa isa't isa. Pero ngayon nasa heaven kana kasama sina lolo at lola. Pinapanood mo siguro ako noh papa?" natatawa kong sabi habang naka tingin sa langit.

"Pa? Pwede bang magkaroon ka ng reincarnation?" para na akong baliw dito kausap ang langit.

"Pa?! Wag nalang pala, kasi walang sino man mag makakapantay sa Dr. Kean Salazar ng buhay ko. At nag iisa kalang dito sa puso ko papa. Mahal na mahal po kita papa. I miss you so much po." nakangiti kong sabi habang nakatingala sa langit.

Di ko namamalayan na nakatulog na pala ako.


Mariane's Pov

Hay, kawawa naman ang bestfriend ko.

Nandito ako ngayon sa cemetery sinamahan ko kasi si Katy na dalawin si tito Kean.

Mahal na mahal talaga niya ang papa niya. At saksi ako doon.

Nakakalungkot nga lang ngayon na wala na ang iniidolo niya ng mahabang panahon. Pakiramdam ko nga si Katy na ang pinakamaswerteng anak sa buong mundo. Dahil sa pagmamahal ng papa niya.

Di ko naman kasi maramdaman yan kay daddy eh. Dahil wala siyang time para makipag laro, usap at bonding saakin at saamin ni mommy. Pakiramdam ko nga wala na akong tatay eh.

Parang nakikita ko ang sarili sa sitwasyon ni Katy.
Para siyang baliw na nakikipag-usap sa langit. At alam ko namang naririnig siya ni tito Kean.

"Tito kung naririnig niyo man po ako at si Katy sana naman po palakasin niyo po siya lalo. Gabayan niyo po siya nila Tita Grace. Miss kana po namin Tito. Mahal na mahal po namin kayo at lalo na po si Katy." napa buntong hininga nalang ako at nilapitan si Katy.

Tulog na pala siya.

"Alam mo Katy kung alam mo lang talaga kung sino ung nagdala sayo sa bahay nung mawalan ka ng malay sa park matutuwa ka."  sabi ko habang nakaupo sa side niya.

Pag nalaman talaga niya kung sino iyon. Hahaha matinding flashback iyon!

At excited ako para sa kanilang dalawa. :)

Someone's Pov

Naglakad lakad muna ako sa park ng makita ko siyang umiiyak habang lumalakas ang ulan. Pinagmasdan ko lang muna siya. At kilala ko siya di ko siya mapipigilan sa lahat ng ginawa niya.

Nakita kong napatingin siya sa direksyon ko at tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Naisipan kong dalhin muna siya saamin at tawagan ang bestfriend niyang si Mariane.

Habang nakikita ko siyang umiiyak di ko maiwasang masaktan...

Masaktan dahil sa minahal ko siya at minamahal ko parin siya hanggang ngayon...

Sana naalala mo parin ako, mahal na mahal kita....

Kity...

To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon