Thank you for reading the Karmine’s Tale. This story is already transferred in GoodNovel. You may download the GoodNovel App for more awesome and beautiful stories.
Again, thank you for being with Karmine and Robert in this journey. Hope you will support it also in the GoodNovel App.
Love,
KarleenMedalle***
PROLOGUE
“Mama, please huwag mo po kaming iwan ng kapatid ko. Hindi po namin kayang mawala ka. Please po dito ka na lang. Huwag mo na lang po kaming iwan. Maawa ka po sa amin. Sige na po. Pangako ko po magpapakabait ako ng sobra at hinding-hindi mo pagsisisihan na kami ang pinili mo. Hindi ko pasasakitin ang ulo mo. Hindi kita bibigyan ng problema. Gagawin ko ang lahat-lahat para sa'yo, para sa pamilya natin. Please, manatili ka na lang po dito. I love you. Huwag mo na kaming iwan. Hindi namin kakayanin. Masasaktan ako pati na rin si Karine. Diba po mahal mo kami? Dito ka na lang. Huwag ka na lang sumama sa kaniya. Anak mo naman kami kaya po pakiusap huwag mo kaming iwan. Maawa ka. Kailangan ka namin.”
Ito ako, o nakaluhod, umiiyak at nagmamakaawang huwag niya kaming iwan at abandunahin. Kasi hindi namin kakayaning wala siya. Kasi kailangan namin siya. Kasi kailangan namin ng isang inang mag-aalaga at gagabay sa amin.
Akala ko ba walang magulang na gustong makitang nasasaktan ang kaniyang mga anak pero bakit siya kaya niya? Pero bakit siya kaya niyang iwan ang mga anak niya para lang sa iisang lalaki? Bakit kaya niyang ipagpalit kaming mga anak niya para lang sa ibang tao? Sa isang lalaki? Wala ba kaming halaga para sa kaniya? Hindi ba niya kami mahal? Hindi ba kami mahalaga?
“Balang-araw, maiintindihan mo rin ako. Nagmamahal lang ako. Hindi ko kayang mawala siya sa akin. Mahal na mahal ko siya. Pinapili niya ako, Karmine kung kayo daw ba o siya. I’m sorry, anak pero siya ang pinili ko. Siya ang pinipili kong makasama habang buhay. Isang araw maiintindihan mo ako at ang mga desisyon ko. Kaya naman ay alagaan mo ang sarili mo at ang kapatid mo. Mahal na mahal ko kayo.” Tinanggal niya ang mga braso kong nakapulupot sa mga binti niya. Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at hinarap sila ng lalaki niya. Matalim ang mga tingin ko sa kanila. Nakakatusok. Nakakapaso. Pero parang hindi nila alintana iyon. O sadyang wala lang silang pakialam?
“Bakit ka umiiyak?! Nasasaktan ka ba?! Kasi kung oo, hindi mo kami iiwan para sumama sa lalaking iyan! Mahal mo kami!? Sinungaling! Kasi kung totoong mahal mo talaga kami hindi mo kami magagawang ipagpalit kanino man! Hindi mo kami magagawang iwan! Hindi mo kami tatalikuran para sa ibang tao! At kahit kailan at kahit na anong mangyari hinding-hindi kita maiintindihan! Kaya kung aalis ka umalis ka na! At kapag umalis ka at sumama sa lalaking iyan wala ka ng babalikan pa! Wala ka ng babalikang mga anak pa!” Banta ko. I’m hoping against hope na sana kami naman ang piliin niya. Kahit ngayon lang. Kahit ngayon lang niya kami piliin. Ikatutuwa ko. Namin ng kapatid ko. Bata pa ang kapatid ko. Kailangan niya ng inang gagabay sa kaniya. Kailangan namin ang Mama namin. Kailangan namin siya.
"I'm sorry, anak ko pero ito ang pakatatandaan mo mahal na mahal ko kayo ng kapatid mo. Sobra. Hindi nga lang kayo ang makakapagpasaya sa akin. Pero alam ko namang darating ang araw na maiintindihan mo ako. Palagi kayong mag-iingat na dalawa, ha? Paalam. Mahal na mahal kayo ni Mama."
Sinungaling!
Manloloko!
Masamang ina!
Walang kuwentang magulang!
"Sinungaling! Kung talagang mahal mo kami hindi mo kami sasaktan ng ganito! At kung tunay na mahalaga kami sa'yo ay kami ang pipiliin mo! Pero hindi, e mas pinipili mo siya kaysa sa amin! Mas pinipili mo ang lalaki mo kaysa sa aming mga anak mo! Mas pinipili mo ang lalaki mo kaysa sa aming dalawang inire at iniluwal mo! Pero kung iyan ang nais mo ay umalis ka na! Hindi na kita pipigilan pa. Pero huwag ka nang babalik pa at hindi ka na namin kailangan!"
BINABASA MO ANG
Karmine's Tale
General FictionNagsimula sa pagkukunwari na mauuwi sa totohanan. Malampasan kaya nilang dalawa ang mga pagsubok na kanilang kakaharapin? May happily-ever-after nga ba para sa babaeng mayroong madilim at masamang nakaraan? * * * Meet Karmine, the girl who yearns ha...