Chapter Two: Karine Ruiz

246 14 0
                                    

Thank you for reading the Karmine’s Tale. This story is already transferred in GoodNovel. You may download the GoodNovel App for more awesome and beautiful stories.

Again, thank you for being with Karmine and Robert in this journey. Hope you will support it also in the GoodNovel App.

Love,
KarleenMedalle

***

CHAPTER TWO: KARINE RUIZ
K

arine’s Point of View

Bata pa lang ako ay pinoprotektahan na ako ng Ate ko sa kahit na ano at kahit na sino’ng makakapanakit sa akin. Kaunting galos lang ay halos magwala na siya sa galit. Palagi niya ring ipinaparamdam sa akin kung gaano ako kahalaga sa kaniya, kung gaano niya ako kamahal. Sobrang suwerte ko nga sa kaniya kasi siya ang naging kapatid ko. Lahat ng pag-aalaga, atensiyon, oras at pagmamahal ni Ate ko ay nakalaan palagi sa akin hanggang sa nakasanayan ko na lang na halos lahat ng mga ginagawa niya ay para sa akin at sa kung ano’ng ikabubuti ko. Masayang magkaroon ng kapatid na kagaya niya kasi alam kong kapag nadapa ako ay nandiyan lang siya para tulungan akong bumangon. Na kahit na ano’ng mangyari ay hinding-hindi niya ako pababayaan.

Noong bata pa ako palagi ako’ng pinapagalitan at inuutusan ni Mama kapag wala si Ate pero kapag nandiyan naman si Ate ay ang bait-bait niya sa akin. Noong una ay iniisip kong wala lang talaga sa mood si Mama kapag nakikita niya ako o kaya ay mas mahal niya lang si Ate kaysa sa akin. Bata pa ako noon kaya iyon ang naiisip ko kapag pinapaboran ni Mama si Ate at sa tuwing naiisip ko iyon ay inggit na inggit ako sa kapatid ko at naiinis ako sa kaniya. Palagi ko nga siyang inaaway, e. Pero ngayon na malaki na ako at may sariling isip na ay sobrang nanliliit ako sa sarili ko sa tuwing naiisip ko ang mga bagay na iyon. Na para bang ang sama-sama kong kapatid kasi imbes na maging masaya ako sa magandang trato sa akin ng kapatid ko ay minsan sa buhay ko ay kinainggitan ko siya at lihim na kinainisan.

Pero ngayon ay naisip ko na kaya ganoon pala si Mama sa akin ay dahil alam niyang magagalit ng husto sa kaniya si Ate kapag nakita ng kapatid kong basta niya lang ako kung utos-utusan, basta niya na lang ako’ng pinapalo at pinapagalitan lalo na kapag ginagawa niya iyon sa akin ng wala namang kahit na ano’ng dahilan. At sa totoo lang ay sobrang nakakatakot ang Ate ko kung magalit. Para siyang dragon na bubuga ng apoy kapag galit.

Para siyang pandak at cute na dragon na bubuga ng apoy kapag nasasaktan ako. Lalo na kapag umuusok ang ilong at tainga niya sa galit at pagkapikon. Hehehe. Ang cute niya lang tingnan kapag ganoon.

Kinakain ako ng guilt ko kapag nakikita ko si Ate dahil alam kong para sa akin ang lahat ng mga ginagawa niya, para sa akin ang lahat ng mga sinasakripisyo niya pero minsan sa buhay ko ay napag-isipan ko pa siya ng masama. But it’s all in the past now. Ngayon ay isa lang ang alam ko at iyon ay mahal na mahal ko ang Ate ko. Mahal ko siya at tanggap ko siya kahit na anong mangyari at kahit na anong magawa niya. Hinding-hindi ko siya tatalikuran kagaya ng walang sawa niyang pagmamahal at pagsuporta sa akin at sa lahat ng mga ninanais kong gawin at maabot sa buhay.

Isang araw ay nagising na lang ako’ng wala na si Mama. Akala ko nga noon ay umalis lang siya ng maaga para sa trabaho niya. Pero inabot na nang mga araw, linggo, buwan at mga taon ay hindi pa rin bumabalik si Mama. Nasasaktan ako kasi ngayon ko lang napagtanto na tuluyan na nga kaming iniwan ni Mama. Na hindi na siya babalik pa. Hindi ko ito naisip noong nasa poder pa kami ni Tiya Delia kasi umaasa pa rin akong babalikan niya kami kasi alam niya kung nasaan kami nakatira pero hindi naman nangyari iyon,  e dahil hindi niya naman kami binalikan.

Hanggang ngayon ay wala pa rin siya at hindi pa rin siya bumabalik. At hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako’ng babalik siya, na babalikan niya kami ni Ate. Babalikan niya kami dahil mahal niya kami. Babalikan niya kami dahil mga anak niya kami. Babalik siya dahil gusto niya kaming makasama ulit. Babalikan niya kami dahil babawi siya sa lahat ng mga naging pagkukulang niya bilang ina namin. Na pupunan niya ang mga taong nagdaan na hindi namin nakasama ang isa’t isa.

Karmine's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon