Thank you for reading the Karmine’s Tale. This story is already transferred in GoodNovel. You may download the GoodNovel App for more awesome and beautiful stories.
Again, thank you for being with Karmine and Robert in this journey. Hope you will support it also in the GoodNovel App.
Love,
KarleenMedalle***
CHAPTER FOUR: THE TASK
Karmine’s Point of View
“Bye, cousins. I enjoyed it. Sobra! Ingat kayo pauwi.”Sinagot ko naman ng isang pagtango at simpleng ngiti ang pamamaalam ni Adele bago kami pumasok ng kapatid ko sa boarding house.
Naghanda ako ng chicken spread sandwich at juice para sa baon namin. Just in case na magutom kami. Matapos noon ay dumiretso na ako sa kwarto namin—tsk, mamaya pala ay may roommate na kami which I totally dislike the idea—para ilagay sa mesa ang dalawang paper bag na ang laman ay sandwich at orange juice na nasa loob ng tumbler. Nagbihis lang ako ng uniform ng Business Administration which is a black pencil cut skirt, white long sleeve blouse with a black tie and a pair of black three inch high heeled shoes.
“Ate, mauna na po ako at may report pa kasi akong gagawin.” Salubong niya sa akin pagkalabas ko ng kwarto.
“Hold on.” Pigil ko sa kaniya. “Here, baon mo for this week.” Ibinigay ko sa kaniya ang isang five hundred peso bill.
Pero umiling lang siya at sinabing, “Mayroon pa ako, e. Ingat ka po sa school mo, Ate ko. B-Bye.”
* * *
“Ms. Ruiz, can I have a word with you?” Nangunot ang noo ko sa sinabi ng isa sa terror kong prof.
Mabilis pa sa alas kwatro na nagsipulasan ang mga kaklase ko palabas ng silid dahil sa sinabi niya. She’s just about my age. Two or three years older maybe pero grabe iyong nginig ta takot ng mga kaklase ko sa kaniya.
“Of course, Ms. Katigbak. May maitutulong ba ako sa iyo?” Pinantayan ko ang kaseryusohan ng boses niya.
“Actually, yes, you can help me and the whole University,” panimula niya. Dahil sa panimulang ginamit niya ay mabilis na umusbong ang curiosity ko.
Ipinilig ko ang ulo ko pakanan, “Okay, I’m listening.”
“The board members decided to give you a task and that is to convince Mr. Mondragon of Mondragon Inc., to invest in our University. Kapag nagawa mo siyang mapapayag ay one hundred percent sure nang magiging full scholar ng University ang younger sister mo. You don’t have to worry about her tuition fee, books, uniforms, shoes, miscellaneous fees, and such. With allowance, of course. At para na rin sa pride at reputation ng University natin.” Hmm. Nice offer, huh.
Without having any second thought ay agad-agad na tumango ako sa kaniya.
Napangiti siya. “Aasahan kong gagawin mo ang lahat ng makakaya mo, Ms. Ruiz. May faculty meeting ang lahat ng professors so use the time to make your business proposal.”
Matapos noon ay dumiretso ako sa library para gawin ang research ko, gawin ang mga projects na due na next two weeks at para na rin makapag-advance study. Dahil sa dami ng ginagawa ko ay hindi ko namalayang gabi na pala at quarter to eight na. Ni hindi ko pa nga mamamalayan ang oras kung hindi lang ako tinawagan ni Karine at sinita kasi gabi na at hindi pa rin ako nakakauwi.
[Ate! Nasaan ka na ba? Alam mo bang nag-aalala na ako? Sa susunod nga sabihin mo sa akin kung hindi ka makauwi ng maaga nang hindi ako nag-aalala ng ganito!] Napangiti ako sa bulyaw niya. Ako lang yata siguro ang pinapagalitan ng nakababatang kapatid niya pero nakangiti pa ako at sobrang natutuwa.
BINABASA MO ANG
Karmine's Tale
Ficción GeneralNagsimula sa pagkukunwari na mauuwi sa totohanan. Malampasan kaya nilang dalawa ang mga pagsubok na kanilang kakaharapin? May happily-ever-after nga ba para sa babaeng mayroong madilim at masamang nakaraan? * * * Meet Karmine, the girl who yearns ha...