Thank you for reading the Karmine's Tale. This story is already transferred in GoodNovel. You may download the GoodNovel App for more awesome and beautiful stories.
Again, thank you for being with Karmine and Robert in this journey. Hope you will support it also in the GoodNovel App.
Love,
KarleenMedalle***
CHAPTER THREE: SUNDAY FAMILY BONDING
Karmine's Point of View
"Secret. Basta, you will like it."
Matapos kong sabihin iyon sa kaniya ay nagpaalam na kami kay Aling Tasing. I'm planning to surprise her. Para naman mas lalo siyang ma-inspire mag-aral dahil sa reward system na igagawad ko sa kaniya. Nag-top one kasi siya sa buong klase niya after the first grading and I couldn't be more proud of her than I am now.
Kitang-kita ko ang gulat na rumehistro sa mukha niya ng makitang pamilyar ang lugar na binabaan namin. Hindi niya inaasahang dito kami pupunta. Natawa ako ng bahagya at marahang pinisil ang baba niya. Ang cute niya talaga. Marahil ay nagtataka siya kung ano ang ginagawa namin dito. Sabagay, I can't blame her for thatdahil ang huling araw na nandito kami ay noong pinalayas nila kami ng kapatid ko sa bahay nila. Tatlong taong mahigit na rin ang nakakaraan nang pinalayas kami ng asawa ni Tiya Delia sa bahay nila dahil sa sulsol ni Adele, ng panganay nila kaya naman ay mahaba-habang panahon na rin kaming hindi nakakauwi rito sa bahay na itinuring naming pangalawang tahanan na.
"Ano pong ginagawa natin rito?" Ngumiti lang ako sa kapatid ko bilang sagot sa naging tanong niya.
"Alam kong miss mo na si Tiya Delia kaya naman ay nandito tayo dahil bonding natin ito ngayong Linggo at kasama si Tiya Delia roon."
"Talaga? Wow! Yieee! Ang bait talaga ng Ate ko! Thank you po pero paano naman po si Ate Adele? Baka naman po ay mainis iyon kapag nakita ka niya rito sa bahay niya. Ayaw ko naman po na mag-away kayo," nag-aalala niyang tanong.
I gently smiled at her. Inayos ko ang nagulong buhok niya sa likod ng tainga niya. Ang thoughtful talaga nitong kapatid ko kaya nga mahal na mahal ko siya, e, "Kinausap ko na si Adele regarding this matter at pumayag naman siya sa gusto kong mangyari. Kasama nga lang siya natin sa bonding natin pero ayos na rin iyon kaysa sa wala. Alalahanin mo, Mahal Ko na lahat ay gagawin at ibibigay sa iyo ni Ate as long as it makes you happy. Pipigilan ko ang sarili kong mainis sa kaniya para ma-enjoy natin ang araw na ito. Come on." Marahang hinila ko siya palapit sa bahay nila Tiya Delia at marahan ako'ng kumatok sa pinto.
Matapos kong kumatok ng dalawang beses ay pinagbuksan kami agad ni Adele na mukhang ready na sa pupuntahan namin. Matapos niya kaming papasukin sa bahay nila ay pinaghanda niya kami agad ng maiinom at mga biskwit.
"What drinks do you want? Juice, coffee, or softdrink?" Alok niya.
"Juice na lang."
Halos wala namang pinagbago ang bahay nila maliban na lang doon sa mga bagong kurtina at mga throw pillows dito sa sofa nilang gawa sa bamboo at siyempre ay ang ayos ng mga kasangkapan nila. Medyo weird nga lang ang atmosphere kasi may iba na silang kasama. What I mean is, nalaman nila Tiya Delia na may ibang anak ang asawa niya sa ibang babae. At dahil nga ay sobrang bait ni Tiya at talagang may pagka-martyr siya ay tinanggap niya pa rin ang asawa niya sa kabila ng kasalanang nagawa nito sa kaniya at kay Adele. Tinanggap niya rin sa pamilya niya ang anak sa labas nito, although wala naman ako'ng nakikitang masama sa ginawa niyang pagtanggap kay Paula dahil hindi naman kasalanan ni Paula ang kasalanan ng sariling mga magulang. Kung dati ay close si Adele sa ama ngayon naman ay bihira na lang sila kung mag-usap pa and I can't blame her for that, though. Nasira lang naman ang ilusyon at pantasya niya na mayroon siyang isang buo at masayang pamilya dahil sa kalokohang ginawa nito at dahil na rin sa mismong existence ni Paula sa buhay nila at maging sa loob ng bahay nila.
BINABASA MO ANG
Karmine's Tale
General FictionNagsimula sa pagkukunwari na mauuwi sa totohanan. Malampasan kaya nilang dalawa ang mga pagsubok na kanilang kakaharapin? May happily-ever-after nga ba para sa babaeng mayroong madilim at masamang nakaraan? * * * Meet Karmine, the girl who yearns ha...