Chapter One: Karmine Ruiz

327 14 1
                                    

Thank you for reading the Karmine's Tale. This story is already transferred in GoodNovel. You may download the GoodNovel App for more awesome and beautiful stories.

Again, thank you for being with Karmine and Robert in this journey. Hope you will support it also in the GoodNovel App.

Love,
KarleenMedalle

***

CHAPTER ONE: KARMINE RUIZ

Karmine's Point of View

Napatigil ako ng humarang sa harap ko si John. Isa sa Senior Engineering Student na napapabalitang may gusto raw sa akin. "Puwede ba kitang mayayang mag-early lunch ngayon? My treat." He smiled showing me his set of pear white teeth.

Gwapo si John, matalino at mayaman. At higit sa lahat gusto niya ako, gustong-gusto. Ang pagkagusto niya sa akin ay umabot na sa puntong ibibigay niya ang lahat ng gusto ko at lahat ng mga hihilingin ko sa buhay. Kung tutuusin ay puwede ko siyang gamiting tulay para umangat at hindi na ako maghirap pa pero hindi ko ginawa, hindi ko magagawa at hinding-hindi ko magagawang gawin dahil wala akong gusto sa kaniya. Hindi ko kayang gawin dahil hindi ako ang tipo ng babaeng gagamit ng isang lalaki para lamang umangat sa buhay.

"I'm sorry, John pero may trabaho pa kasi ako mamaya. Excuse me." Pasintabi ko bago lumihis ng daan. Nagmadali akong umalis pero mabilus niya akong naharangan. Naiiritang nagbuntong-hininga ako at hinarap siya.

"Wait, puwede bang ihatid na lang kita sa trabaho mo? At puwede ko namang hintayin na lang na matapos ang shift mo para maihatid kita sa inyo. Please?" Pagbabakasakali niya. Napatingin ako sa inosente at itim niyang mga mata, puno iyon ng pagsusumamo na pumayag ako sa offer niya, na huwag ko na siyang tanggihan pa at pagbigyan na lang siya sa gusto niya. Pero hindi maaari.

"May gusto ka ba sa akin?" Kunot ang noong tanong ko sa kaniya kahit na alam ko naman ang sagot. Kalat na sa buong University ang nararamdaman niya para sa akin. Alam na ng lahat ng estudyante, staff at maging ng faculty. At naiirita ako sa pagsulpot-sulpot niya kung saan-saan. Bahagyang namula ang pisngi at tainga niya.

"Masama bang gustuhin kita, Karmine? Kasi wala namang batas na nagsasabing bawal kang gustuhin at... mahalin." Bahagyang humina ang boses niya sa huling sinabi.

"Kung may gusto ka man sa akin, I'm sorry pero hindi ko masusuklian ang feelings mo. Kaya please lang, John habang kaya mo pang umahon gawin mo. Kasi hindi kita sasaluhin. At wala akong balak na saluhin ka." Napayuko siya sa talim ng sinabi ko.

"Pero mahal kita, Karmine. Isang pagkakataon lang naman ang hinihingi ko. Isang pagkakataong mapatunayan ang sarili ko sa 'yo. Mahal kita. Totoong mahal kita. Just give me a chance- just one chance to prove myself to you." Umiling lang ako sa sinabi niya at tumalikod na.

Mas mabuting masaktan ko siya ngayon kesa ang paasahin siya sa wala. Hindi ko siya gusto. Wala akong ibang nararamdaman sa kaniya. Umuwi muna ako sa boarding house para makapagpalit ng damit. Dalawang palapag ang boarding house na inuupahan ko para sa silid naming dalawa ni Karine. Sa ibaba ay mga lalaki ang umuukupa roon at sa itaas naman ay mga kababaihan. Palabas na ako nang makitang parang tangang nagtatawanan ang mga tatlong lalaki sa salas. Wala naman talaga akong balak pansinin sila pero nagbago iyon ng marinig ko ang pangalan ng kapatid ko.

"HINDI AKO makapaniwalang ganito ka-sexy si Rine." Manghang saad ni Jojo. Ang usap-usapan rito ay may pagka-manyak siya kaya nga hindi ko masyadong pinapalabas ang kapatid ko. Kahit pa dito sa loob ng boarding house kung hindi niya ako kasama. It's better safe than sorry.

Karmine's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon