Thank you for reading the Karmine's Tale. This story is already transferred in GoodNovel. You may download the GoodNovel App for more awesome and beautiful stories.
Again, thank you for being with Karmine and Robert in this journey. Hope you will support it also in the GoodNovel App.
Love,
KarleenMedalle***
CHAPTER THREE: SUNDAY FAMILY BONDING PART 2
Karmine's Point of View"Ang ganda naman po rito, Ate ko..." namamanghang saad ng kapatid ko habang nakatitig sa asul na karagatan.
True. Maliit na resort nga lang ito pero ang ganda ng karagatan at ng buong lugar. Napakapayapa pa kaya hindi ka magsisising ito ang napili mong resort na puntahan at pagpahingahan. Parang ang sarap tumira sa ganitong klaseng lugar. Hindi ka mas-stress. Mar-relax ka talagang tunay, "Sana lang ay ganito kagandang view ang nakikita ko sa araw-araw."
"Gosh, I can't wait to take a dip. Swimming na kaya tayo?" Nakangiting anyaya naman ni Adele sa amin ng kapatid ko.
"Sige, kung iyon ang gusto mo, 'Nak. Pero huwag naman sanang agaw-pansin ng mga lalaki ang suotin, ha?" Bahagyang natawa naman ito sa bilin ng ina.
"Ma, naman. Maganda ako kaya natural agaw-pansin talaga ako kahit na ano pa ang suotin ko."
"Ang yabang mo pa rin, Ate Adele," natatawang buska ni Karine sa nakakatandang pinsan.
"Adele, bantayan mo ang kapatid ko. Huwag mong hayaang may mga lalaking lalapit sa kaniya."
Odd. Kung noon ay sa tuwina'y nagkikita kaming dalawa ay palaging away ang kasunod pero ngayon naman ay nagagawa ko pa siyang utos-utusan.
We both grew up. Pareho kaming nag-mature in a good way. Hindi ko inakalang puwede pala kaming maging ganito. Not friends but not enemy's either. Nag-rent kami ng isang maliit at komportableng cottage na may dalawang kwarto para sa aming apat.
Tinulungan ko muna si Tiya na ayusin ang mga gamit nila at siya naman ay dumiretso sa kusina para ilagay ang mga dala nilang pagkain. Mostly, ay mga junk foods at softdrinks in can.
"Salamat dito, Anak, ha? Kailangan talaga namin 'to para makalimutan pansamantala ang mga problema kahit na isang araw lang lalong-lalo na si Adele." Tinapik ko lang ang balikat niya bilang acknowledgement sa pasasalamat niya.
"Naiintindihan ko naman po siya. Kung ako siguro ang nasa posisyon niya ay baka umalis na lang ako at hindi na bumalik pa. Tatagan mo na lang po ang loob niyo, Tiya. Sa nakikita ko naman ay kailangan lang niya ng oras at space para tanggapin ang lahat," payo ko pa sa kaniya.
Kadiri. Ang baduy ko talaga. Well, totoo naman ang ipinayo ko pero kinilabutan ako sarili ko. Parang gusto kong tanungin ang sarili ko ng 'Ako ba talaga 'to?'
Malaim na napabuntong-hininga ako. Mukhang malapit na ako'ng masiraan ng ulo dahil maging ang sarili ko ay kinakausap ko na.
"Sana nga dahil ayaw ko talagang masira ang pamilya ko. Baka kapag nangyari iyon ay ikabaliw ko na."
Hindi na lang ako nagkomento pa sa sinabi niya. Baka may iba pa ako'ng masabi tungkol sa asawa niya at masaktan ko pa ang damdamin niya. Kaya ayaw ko ng mga pag-ibig-pag-ibig na iyan, e dahil ayaw kong magaya ako sa kaniya. Nagpapakatanga sa ngalan ng lintik na 'pag-ibig'.
But who am I to complain? I haven't fallen in love yet. I don't know what will happen in the near future. Ayaw kong pangunahan ang mga mangyayari. Ayaw kong magsalita ng tapos. Ayaw kong dumating ang araw na kainin ko ang lahat ng mga sinabi ko. I just hope na matagal pa ang 'future' na iyon. I may not believe in happy ever after but I still believe in the power of love. Naniniwala ako sa pag-ibig dahil nagmamahal ako. I love my sister. So much that I can do everything for her, for her happiness and most especially, all for her safety.
BINABASA MO ANG
Karmine's Tale
Fiksi UmumNagsimula sa pagkukunwari na mauuwi sa totohanan. Malampasan kaya nilang dalawa ang mga pagsubok na kanilang kakaharapin? May happily-ever-after nga ba para sa babaeng mayroong madilim at masamang nakaraan? * * * Meet Karmine, the girl who yearns ha...