Eclipse
Ang araw ay gabi, ang gabi ay araw.
Ang liwanag ay tila di na matanaw.
Katahimikan ng gabi ay parang pumanaw.
Ang pagsasama nila'y tila nakakauhaw.
Lumapit ang araw sa buwang malumbay
Pinarikit nito ang alindog na taglay.
Nayakag ang buwan sa sinag na mapupungay
Na tila sabik sa mabilisang pagdantay.
Ilang sandali, ang liwanag ay natangay
ng pag-ibig na tila binuhay ang patay.
Mabilis na nag-anib at tila di na mapaghiwalay
ang kanilang katawa'y, sa isa't isa'y inialay.
Ang mga matang sa kanila'y nakatingin
Halos mabulag sa nakitang tanawin.
Ngunit ang iba'y humanga pa rin
Sa Pag-ibig na tila segundo lang kung bibilangin.
Ang kapalaran ng dalawa'y tila nakatala
Sa kalendaryong ang tao ang gumawa.
Sandaang taon pa upang sila'y magkita
Sapagkat mauulit ang ganoong istorya.
BINABASA MO ANG
Tula-tulaang may S.P.G (Sweetness, Pain and Grudge)
PoesieMga tulang walang bahid ng pagkaberde