Takas

86 4 0
                                    

(malayang taludturang tula)

 

Ang dilim ang naghatid sa ating dalawa

                na mamulat sa hubad

na katotohanang kapwa tayo uhaw

sa pagmamahal.

At kung kapwa tayo sabik

sa atensiyong sa ati’y ipinagkait

samahan natin ang isa’t isa

sa biyaheng palangit

Kapwa natin yakapin

ang paghuhusgang sa ati’y ibinato

pagkat mas masalimuot

ang pagtatanggol sa sarili

sa husgadong sa puti lang

nakapako.

Hubaran natin ang isa’t isa

habang nagpupuyos an gating mga labi

sa paglalakbay sa ating

mga katawang nilatayan

ng kawalang puri.

Hawakan natin ang isa’t isa

pareho nating lakbayin

nang walang alinlangan

ang daanan tungo sa kawalan.

Saka natin kilalanin

ang lalim ng isa’t isa,

magpapahulog sa katauhang

labis nating inaasam.

Gagalaw, sasayaw, iindak

sa ritmong tayo lang

ang nakakaalam

Sisigaw, bubulong, aawit

sa musikang likha

ng sarili nating sining

at pagsapit ng umaga’y

muli tayong magbabalik

sa seldang inobra

ng mapanghusgang tingin

hanggang sumapit ulit ang dilim.

Tula-tulaang may S.P.G (Sweetness, Pain and Grudge)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon