Ang Kemeroo ng Isang Paminta

217 6 4
                                    

Ang Kemerloo ng Paminta

Laging kuda ni pader na otoko akiz,

Wit daw niya keri ang juding na jugets

Kaya ang lola niyo ay super brokotchi

Na pag naknowsung ni pader, ako ay teging-tegi!

Pag waley si pader, rampa ang lola mo,

Sa kwarto, ang kumot ay long gown na feel ko.

Ang lipstick ni mudra'y sa leps ko kumemeroo

Pag nakaharap sa salamin, kay ganda ng lola mo.

Playground ko ang kwarto, ang  sala'y akembang selda.

Bakla sa kwarto, sa sala'y paminta.

Sa kwarto'y gandara, chopopo sa sala.

Truelaloo sa kwarto, Sa sala'y plastikada.

Portugal ang kineri sa burden na itey.

Di mailabas ng heartlaloo ang aking pagkabeki.

Kahit knowsung ni mader, wala siyang ma-say

Dahil jombag  ako kay pader pag naknowsung niya itey.

Dalaga na akey ngunit pilit nagbibinata.

Ang heartlaloo ko'y shumibok sa otokong mala-bathala.

Pag nasightsung si crush, kabog ko ang mga palaka.

Keber ko ang mga chipipay na waley pagmumukha.

Ngunit ang hanap ni fafa ay girlalung truelaley.

Kahit medyo awtsung pero keribels ko itey.

Better luck next time ang motto ng beki.

Pasaaan pa't ang heart ko'y magiging happy.

Ngunit kahit ang lola niyo ay isang magandang beki

Masipag at nagsususmikap naman akey.

Aral doontok, aral ditey, linis doontok, linis ditey

May Famass awar pang kasama noong akembang graduation day.

Nang si pader ay nagdecide na ipasok akey sa military,

Di knows ng lola mo kung ako'y magiging happy.

Panibagong pagpapaminta nanaman ba ang event sa lifesung ko?

O baka mag-eenjoy akembangchi sa mga borlaks ng mga otoko?

Pero bago ang pagpasok sa kampo ng mga otoko,

May nanligaw na bagets sa lola mo.

Pak na pak ang fez, at tanggap kung sinek  ako,

Crayola khomeini ang peg sa sobrang tuwa ko.

Kuda ng iba, pag shumibok ang heartlalu mo,

Wit mo keber ang nakapaligid sa iyo.

Smiley face ang lola niyo pag si pag-ibig ay katabi ko.

Naku-krung-krung akey pag ngimingiti ang lolo mo.

Di nagtagal, naknows  na ni pader.

Na ang junakis niya ay kalahi ng mujer.

Nawarla siyang lalaki ang aking jowa.

Hayun, jinombag akey nang walang sawa.

Kahit pasa na ang meron all over my body.

Taas noo pa rin akong umaming ako ay isang beki.

"Oo tatay, kahit bakla man ako,

Alam kong ako'y mas lalaki pa sa inyo."

Nagfly akey sa baler para magbeauty rest

Ang mga event ay di keri ng aking feelings

Pangako pader, you'll be proud of me.

Kahit juding ang junakis mo, labs naman kitey.

Tula-tulaang may S.P.G (Sweetness, Pain and Grudge)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon