Cotton Candy Love
Tila mga ulap na bumaba nang dahan-dahan
Parang sa langit ay nagsawang manahan
Ninakaw ang lahat ng asukal sa tubuan
Ang malambot na katawan ay maiging kinulayan.
Ang hilaw na pagsinta, parang cotton candy ang katulad
makulay ang anyo’t itsura’y matingkad.
Magaan sa damdami’t para kang nililipad.
Masarap sa paningin ngunit ang loob ay hungkag.
Nawawala ang takam ‘pag sa bibig ay tinunaw
Kapalit nito ang masidhing pagkauhaw
Labis ang tamis na para kang nilalanggam
Mahapdi ang kagat, at kirot ang naiiwan.
Kaya naman ang cotton candy ay para lang sa bata
Na laging nagtataglay ng matamis na dila
At sabik sa kakaiba at nakakaakit na itsura
Pati sa lambot, siya ay tuwang-tuwa!
BINABASA MO ANG
Tula-tulaang may S.P.G (Sweetness, Pain and Grudge)
PoesíaMga tulang walang bahid ng pagkaberde