Sa gitna ng dilim, hinihintay namin ang liwanag,
Ang kalayaan ng iniibig ay di maaninag.
Binasbasan mo yaring kaluluwang naghahangad
Ng kagalingan at kapayapaang matingkad.Bayani, iisipin naming ika'y dakila at maluwag.
Pag-ibig mo sa baya'y di ka natatakot ihayag.;
Dumampi ang pluma mo sa puso ng sinumang maghangad
Na basahin ang sandatang nangaling sa iyong sulat.Hindi biro ang mamatay na walang kaba sa puso.
Ang sinumang nasa katayuan mo'y ligalig ang mamumuo.
Isang tula ang nahabi sa huli mong segundo,
Na ang laman ay mga pangarap na di maisip ng diwa ko.Pamana mo ang mga pangarap na ang kapara ay bituin,
Nalalasap ang kinang ngunit di kayang abutin:
Nakikita ang kislap ngunit di kayang hawakan
kunwaring naabot dala ng huwad na katotohanan.Inihain niyo ang inyong buhay para sa kalayaan
Na sana'y dala ng ibong sa pugad nananahan.
Ngunit sa paglasap nitong kalayaang pangarap
Pakpak nito'y nabali, sa baril ay di umilagSa paglaban sa palalo, dusa ang lumaganap
Dugo ang dumanak bago marating ang pangarap
Isinilang ang tagapagmana mo't bahagya kaming nasiyahan.
Inakalang ang buhay ay magiging magaanWala na kaming supil ngunit kadena pari'y nandiyan.
Habang kami'y gumagalaw, lalong hinihigpitan.
Umiiyak kami pagsapit ng dapithapon
Ngunit Liwanag ng araw ay mahirap nang mabago.Titiisin namin ang bawat hapding natipon,
Gaya ng pagtitiis ninyo sa manlulupig na patapon
Sa ikadalawampu't isang siglo na ako nabubuhay
Sa Modernong panahon, tula mo ay nilalakbayMalaya na nga't pangarap mo ay tumingkad
Ngunit ang itsura nito'y sa akin ay huwad.
Ang kalayaan ay nagbibigay ng di makitang saya
Ang kasama nito ay pagsasaya ng mga buwayaTagumpay ang ngiti ng taong nakakariwasa
Ngunit sa kuba't kalabaw, naghahari ay dusa.
-Isang requirement sa SS3-Rizal
BINABASA MO ANG
Tula-tulaang may S.P.G (Sweetness, Pain and Grudge)
PoetryMga tulang walang bahid ng pagkaberde