Chapter 1

1.5K 41 16
                                    

"OH, my beautiful target. You zoom, zoom..."

Isinuksok ni Rima ang dalawang hintuturo sa magkabilang tenga. "Kanina pa ko naiimbyerna diyan sa jum-jum na yan! Patayin mo nga 'yang cell phone mo! Ibabato ko 'yan sa kanal!"

Sinimangutan siya ng kaibigang si Gemie. "Ang arte lang?" pinindot nito ang 'pause' sa screen ng cell phone. "Bakit ba ang init na naman ng nguso mo, Rima?"

"Sampalin kaya kita? Ikaw may kasalanan kung bakit ako badtrip ngayon."

"Bakit ako? Ikaw 'tong natulog habang nagsasalita si Kap kahapon, hindi mo tuloy alam na mawawalan ng tubig ngayon."

"'Yon na nga eh! Hindi mo man lang ako sinabihan, tarantaders ka talaga."

Umabrisete si Gemie sa kanya. "Sa bahay ka na lang maligo. Maraming naipon na tubig si Mudang."

"'Di na uy! Baka sabihin na naman ng Nanay mo sumasama ka sa bastos at walang galang na katulad ko."

"Hindi ka na nasanay kay Eomma!" hinaltak na siya nito palabas ng bahay nila. "Tara na. Baka ma-late ka pa sa raket mo ngayon."

Si Rima Dulcera, ang raketera ng Pateros. Kilala din siyang labandera, kusinera, tubera, mekanika, karpintera, tindera, tsuper, barker, photographer, fixer at kung anu-ano pang raket na kaya niyang gawin nang hindi siya sasabit sa mga pulisya. Basta legal siyempre papatulan niya. Aarte pa ba siya? Pera na ang lumalapit sa kanya.

"Saan ba ang gala mo ngayon, Rima? Hapon na, ah. May raket pa ba ng ganitong oras?" tikwas ang isang kilay na tanong ng kaibigan na si Gemie, bff na niya ito noon pa mang umiihi pa sila sa salawal.

"Maglalako ako ng balut sa Quezon Ave. Kahit gabi kasi madaming tao doon," sagot niya at biglang may naalala. "Noong nakaraang linggo nga may artista ata na kumain doon sa Mang Inasal na kinainan ko. Paglabas ko biglang may nagtilian sa loob, dinumog iyong nasa gitnang lamesa."

Nanlaki ang mata ni Gemie. "Totoo? Sinong artista? Nakita mo?"

Ngumiwi siya. "Hindi nga, eh. Kasi nasa labas na ko. Babalik sana ako sa loob kaya lang hindi na ko makapasok sa dami ng tao. Nakaka-windang, parang tae na dinumog ng sandamakmak na langaw."

Binatukan siya nito. "Ang daming pagkukumparahan, bakit naman sa dumi pa? Bastos ka talaga, eh."

Tinawanan niya ito. "Iyon ang pumasok sa isip ko, eh. Pakialam mo ba?"

Inirapan siya ng kaibigan, muli na naman itong tumutok sa cell phone. "Ay! Shemay! May comeback ang The Wiggles ngayong November! Tapon pera na naman."

"The Wiggles? Anong kagaguhan ang pangalan na 'yan?" halos magdikit na ang kilay ni Rima sa pagkairita. Napakapangit kasi ng group name na 'yon.

"Hindi mo kilala ang The Wiggles? Kailan ka ba ipinanganak? Kahapon?"

"Letse! Pakialam ko diyan sa The Wiggles na 'yan? Magkakapera ba ko diyan?" isinukbit na niya ang bag. "Dalian mo na magbihis, ihatid mo ko sa LRT. Anong petsa na, puro na naman kalandian yang lumalabas sa bibig mo."

"Ikaw magpa-gas ha?" kandahaba pa ang ngusong sabi ni Gemie.

"Gasgasan ko kaya 'yang mukha mo? Sinong shunga gagamit ng gasolina sa bisikleta?" pagkasabi niyon ay nauna na siyang lumabas ng pinto. Puputi talaga ang buhok niya kapag itong si Gemie ang kausap niya!

-----

"WHERE do you think you're going?" seryoso ang tinig ni Manager Abilar nang tanungin iyon, mukhang hindi pa ito nakaka-move on sa nangyari noong nakaraang linggo.

BEAUTIFUL TARGETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon