ITINIGIL ni Sandeul ang pagkain ng mapansing kanina pa pabalik-balik sa laundry si Jinyoung habang hawak ang isang itim na medyas.
"Sandeul," tawag nito. "Nakita mo ba iyong kapares ng medyas ko?"
Umiling siya. "Saan mo ba nilagay?" tanong niya sa kabila ng mga pagnguya.
"Dito sa laundry basket. Lalabhan ko na sana, pagtingin ko isa na lang."
Kumibit-balikat siya. "Tanong mo kay Shinwoo. Naglaba siya kahapon eh."
Napakamot ito sa batok. "Sana dinalawa na niya."
Pag-alis ni Jinyoung ay siya namang pagdating ni Baro. Bihis na bihis na naman ito at mukhang maganda ang gising. Napapakumpas pa kasi ng kamay habang naglalakad palapit sa kanya.
"Ang aga mo na naman umalis sa bahay niyo," bungad niya dito.
Magmula noong mag-asawa ito ay hindi na ito sa dorm nila tumutuloy. Pero kapag kailangan nilang mag-extend ng oras sa trabaho ay nagpapaalam pa ito kay Florie para makapag-overnight sa kanila.
Nakanguso itong bumaling sa kanya. "Saan kayo nagpunta ng 'CEO's unica hija' kagabi?"
Kamuntikan na niya maibuga ang orange juice na iniinom sa sinabi nito. Aabutin sana ni Baro ang likudan niya pero tinabig niya agad ang kamay nito. Ayaw na ayaw niyang tinatapik ang likod niya kapag kumakain. Nawawala kasi bigla ang apetite niya, sayang ang pagkain.
"Saan mo naman yan nalaman?" tanong niya nang makabawi na sa mga pag-ubo.
Iwinasiwas nito ang hintuturo sa harapan ng mukha niya. "I have my ways."
"Sakin niya nalaman," singit bigla ni Gongchan, nagpupungas pa itong naupo sa katabi niyang upuan at isinandal ang ulo sa balikat niya. "Sandeul-hyung..."
"Nananaginip pa ang bata," natatawang komento ni Baro. "Tigilan mo na nga kakatawag samin ng 'hyung', Channie. Wala ka na sa Korea. Kuya na lang dapat."
"Hayaan mo siya sa gusto niya," sabi ni Jinyoung, dala na nito ang isang kapares ng medyas na hinahanap. "Saan natulog si Shinwoo? Hindi ata siya umuwi kagabi."
Nakahinga ng maluwag si Sandeul, matatabunan na naman kasi ng usapang 'Shinwoo-Andy' ang topic na tungkol sa kanya.
"Baka doon natulog sa bahay ni Andy. Isusumbong ko siya kay Manager Abilar," si Gongchan.
Tumawa si Baro. "Sige, para pingutin ka ni Madam Andy."
Inirapan ito ni Gongchan. Si Jinyoung naman ay napailing, mayamaya ay napatingin ito sa kanya. Alam na niya ang iniisip nito.
Isinubo niya lahat ang bacon at egg sa bibig saka mabilis na tumayo, muntikan pang malaglag sa upuan si Gongchan sa biglang pag-alis niya. "Maaga akong pinapapunta ni Ate Agnes sa Flower Shop ngayon! Hindi pa kasi siya tapos mag-ayos," puno pa ang bibig na sabi niya at mabilis na naglakad papunta sa pinto.
---
HINATAK ni Rima ang straw na ipinantatali sa malaking styro box na nakalagay sa likod ng scooter na gagamitin niya para i-deliver ang mga bulaklak. Pero sa halip na humigpit iyon ay dumulas lamang sa styro, nawalan siya ng balanse at bumagsak sa kalsada.
"Ang lata mo kasing kumilos," sabi ng isang tinig sa likuran niya.
Nag-angat niya ng tingin at sumalubong sa kanya ang naiiling na kapatid ng boss niya---si Junghwan. Naka-white sweat shirt ito at itim na namang jogging shorts. Dahil nakatayo ito sa ulunan niya ay nakabalandra sa paningin niya ang mala-labanos nitong binti sa kinis. Nahiya tuloy ang balat niya sa kutis nito.

BINABASA MO ANG
BEAUTIFUL TARGET
FanfictionPOSTED: July 29, 2017 COMPLETED: August 14, 2017 Minsan na nga lang kung makalabas ng dorm si Sandeul ay minalas pa. Ang gusto niya lang naman sana ay makakain ng paboritong chicken inasal, pero dahil sa isang babae na parang bagyong dumaan sa gilid...