CHAPTER 4: Supladong Bibe

600 18 0
                                    

"SAAN mo unang nakita ang kapatid ko?" nakangiting tanong ng magandang babae na sa tingin niya ay nasa early thirties ang edad.

Nag-alangan siya sa pagsagot nang marinig ang sinabi nitong 'kapatid'. Shucks, kapatid niya 'yong lalaki sa labas? Shit.

"It's okay. Hindi naman ako na-offend sa sinabi mo kanina. Natawa pa nga ako. Pero ewan ko lang kay Junghwan, baka na-offend mo siya," sabi nito na parang nabasa ang iniisip niya.

"J-Junghwan?"

Tumango ito. "His name is Junghwan."

"Ang weird din ng pangalan..." bulong niya na ikinatawa na naman ng babae. "S-sorry po."

"It's okay. So, saan mo siya unang naka-encounter?"

"Sa... Mother Ignacia po sa Quezon City. Naglalako po kasi ako ng balut tapos napadaan ako doon sa 7-eleven. Narinig ko po silang nag-uusap ng tungkol sa itlog, kaya ayun, inalok ko po ng balut."

Tumawa na naman ito. Napakunot-noo siya. Lahat na lang ata ng lalabas sa bibig niya ay tatawanan nito.

"I'm sorry. It's just that this is the first time that I met someone as outspoken as you in the past five years. Lalo na sa sinabi mo kanina, ikaw lang ang nakapagsabi niyon kay Junghwan," paliwanag nito at tumawa uli.

Awkward siyang tumawa. Ang wirdo din nito... ano bang napasok ko?

"By the way, my name is Agnes Lee. You can call me, Ma'am Agnes. I'm the owner of this little flower shop," inilahad nito ang palad sa kanya.

Nagtataka pa man ay tinanggap niya iyon.

"So, are you willing to start tomorrow?"

Napanganga si Rima. "B-bukas na po? I-ibig sabihin, tanggap na ko?"

Tumango ito. "Marunong ka naman mag-motorsiklo. Kumpleto naman requirements mo. Mukha ka naman mapagkakatiwalaan. There's no reason for me not to hire you."

Napasuntok siya sa ere. "Yes! Salamat po. Pwede na po ako magsimula bukas! Magiging masipag po ako."

Paglabas nila ng opisina ay nadatnan nilang nakikipag-usap sa cell phone ang kapatid ng bago niyang boss na may wirdong pangalan.

Humarap ito sa kanila at nang magtama ang paningin nila ay sumimangot ito. "Ako na talaga ang pinakamalas na tao ngayon," narinig niyang sabi pa nito habang masama ang titig sa kanya.

"Ayos 'to ha..." nakangusong bulong ni Rima.

“Junghwan, iabot mo nga iyang monobloc sa gilid mo para makaupo muna si Rima. Kukunin ko lang iyong uniform niya sa sasakyan,” utos dito ni Ma’am Agnes. “Sabihin mo diyan kay Channnie mamaya na siya mangulit.”

“This is Jinyoung, ate,” pagtatama naman na sabi ng lalaki.

Matapos magpaalam sa kausap ay ibinaba nito ang cell phone at isinuksok sa bulsa ng suot na gray jogging shorts. Naka-black hoodie ito at may suot na malaking round-rimmed glasses. Mukha itong batang nagbibinata sa paningin ni Rima, nakadagdag din sa younger looks nito ang brownish slightly messy hair… and plus the cheeky cheeks!

"Anong nginingiti mo diyan?" magkasalubong ang kilay na tanong ng lalaki sa kanya.

Napakurap si Rima, hindi niya namalayang nakalapit na pala ito---at napapangiti na pala siya. Kunot-noo nitong iniabot sa kanya ang monobloc na upuan.

"Thank you, sir," mahinang sabi niya pagtalikod nito.

Natigilan naman ito at pumihit paharap sa kanya. "Pakiulit nga?"

BEAUTIFUL TARGETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon