CHAPTER 2: Itlog ng Bibe

716 19 0
                                    

"ITLOG? Balut, sir? Penoy?" alok ni Rima sa dalawang lalaking naulinigan niyang naghahanap ng itlog.

Gulat na humarap ang mga ito sa kanya, ang mga mukha ay para bang hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"Itlog naman 'to, sir. Itlog ng bibe," komento niya nang titigan lang siya ng mga ito.

"Alam naman namin na itlog 'yan," seryosong sabi ng lalaking mas maliit ang mata kesa sa isang lalaki. Tumikhim ito at bumaling sa kasamang nanlalaki ang mga matang nakatitig sa kanya. "Gusto mo bang balut? O penoy?"

Hindi sumagot ang lalaki, hindi rin maalis ang tingin nito sa kanya. Matino naman siya manamit, makinis, guwa---cute naman siya, pero bakit ang wirdo? Sabi ni Rima sa isip nang pasimpleng pasadahan ng tingin ang lalaki. "Mainit pa 'to, sir," aniya na ang tinutukoy ay ang itlog na itinitinda. Inilapag niya ang basket at yumukod, kumuha siya ng isang penoy at iniabot sa lalaking tulala sa kanya. "Salatin mo, sir. Mainit pa."

Umatras ang lalaki nang abutan niya ng itlog, para itong natakot sa ginawa niya. Nagtataka namang binalingan ito ng kasamang lalaki.

"Okay ka lang, San---"

"P-penoy!" bulalas nito at itnuro ang itlog na iniaabot niya. "G-gusto ko niyan."

Eksaherado... komento niya sa isip. "Ilang penoy?" tanong niya sa lalaking unang beses pa lang ata makakakain ng penoy sa buong buhay nito.

"T-tatlo," sagot nito at nag-iwas ng tingin sa kanya.

Ang lalaking singkit ang nagbayad at kumuha ng itlog sa kanya, habang ang isang lalaki ay tila hindi mapakali sa likudan nito.

"Parang tanga..." bulong niya nang umalis na ang mga ito, sinundan niya ng tingin ang dalawang lalaki hanggang sa pumasok ang mga ito sa malaking building sa kabilang kalsada. "Mag-dyowa ba 'yon? Tsk. Ruler na lang ba talaga ang straight ngayon?"

Naiiling siyang naglakad pabalik sa pinanggalingan kanina. Wala naman kasing masyadong tao sa kantong iyon kumpara sa mga nadaanan niya kanina magmula sa Quezon Ave., malayo-layo na din pala ang narating niya sa paglalako ng balut at penoy.

Sinilip ni Rima ang loob ng basket, may tatlo na lang pala siyang balut at isang penoy na natitira. "Kay Mama, kay Papa, kay Mark at sakin. Sakto pala, iuuwi ko na lang 'to."

----

"KILALA mo 'yon, no?"

Gulat siyang napatingin kay Jinyoung. "Sino?"

"Iyong babaeng nagtitinda ng balut."

"H-hindi no," sagot niya. Hindi ka nagkakamali... kamuntikan na niya idagdag.

"'Wag ako, Sandeul. Kabisado ko na ang bawat ekspresyon sa mukhang mong 'yan," sabi nito na inabot pa ang pisngi niya at pinisil. "Kilala mo 'yon. Maybe not personally, but I'm sure that you've encountered her somewhere."

"Sa South Triangle," pag-amin na niya.

"Is she one of those fan girls that attacked you---"

"'Attack' isn't the right term, Channie," saway agad ni Jinyoung sa maknae o bunso ng grupo nila. "Our fans are our precious supporters. Kung wala sila, wala tayo dito ngayon."

"At hindi makalabas," natatawang dugtong ni Gongchan. "Come on, hyung. I'm just kidding."

"Always kidding like a kid," he teased, but Gongchan just stick his tongue to him then returned his attention to the cell phone screen. Abala na naman siguro ito sa online games.

"So, ibig mong sabihin nandoon siya sa restaurant noong may nakakilala sa'yong fans?" tanong uli ni Jinyoung.

Tumango siya. "Siya ang may kasalanan kaya nalaglag iyong hood ko at nakilala ako ng mga tao doon."

Nangunot-noo si Jinyoung, si Gongchan naman ay napailing lang.

"Paano? Eh, mukhang hindi naman tayo kilala no'ng babae kanina."

"She's not a Wigglets," si Gongchan, Wigglets ang pangalan ng fandom nila. "Maybe she's too old---"

"Channie..." saway na naman ni Jinyoung. "Nakakapagtaka nga na hindi niya tayo namukhaan. Halos lahat ng millenials ngayon ay kilala ang The Wiggles."

"Baka wala silang T.V," sabat na naman ng maknae.

"Nakakainis 'yong babae na 'yon sa totoo lang. Bakit ko pa ba siya nakita uli? Hay!" inis niyang binitiwan ang penoy sa lamesa. "I have a feeling that she brings danger---always."

******
Thank you for reading Banadeuls!

BEAUTIFUL TARGETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon