Year 2020
Sharlene's POV
Today's Sunday and I just got off from ABS-CBN. As always, ASAP was jam-packed earlier! You know what makes me happy? The smiles and cheers I'm seeing whenever I perform on the ASAP stage. Yung feeling na napapawi lahat ng pagod ko mula Monday hanggang Saturday. Ang sarap lang sa feeling! Seeing my fans, no, I call them family, seeing my family cheering for me and making an effort na makapunta lang tuwing Sunday sa ASAP just to see me perform, hay. Ang sarap lang talaga sa feeling! God is really good!
I booked a ride from Grab para hindi na ako ma-hassle pauwi ng condo though alam ko namang maha-hassle padin ako kasi traffic. I was busy checking my schedule for tomorrow when my phone rang.
Tito Frasco calling...
"Hello?"
"Shar! Mabuti naman at sinagot mo na ang tawag ko! I've been calling you kaninang umaga. Well I guess you're busy? I saw your performance kanina on ASAP! Ibang klase!"
I beamed before answering. "Nambola ka pa Tito Frasco! Pasensya na po hindi ko nasagot kanina. Bakit nga po pala kayo napatawag?"
"Alam mo naman kung anong buwan ngayon! Next month 15th anniversary na ng Goin' Bulilit. We want to make it special this year. Nagsasabi lang ako ng maaga since alam kong busy ka na ngayon dahil may mga upcoming projects ka. So ano? You're coming ah?"
"Syempre naman po Tito Frasco! Hinding hindi ko po tatanggihan ang gag show na nagpalaki at humubog sa kakayahan ko bilang isang artista! Sure na sure ako dyan! Present po ba lahat mula sa first batch?"
By lahat I meant...
"We're still working on getting your former co-stars. Alam mo namang tatlo yung nasa ibang bansa so... I'm not really sure. But we'll do our best!"
So hindi pala sure na makakapunta siya?
"Ah. Sige po Tito Frasco! Sure na po ako! Update niyo nalang po ako and I'll promise to answer na kaagad sa mga tawag at texts niyo."
"Alright! Thank you Sharlene! We'll see you soon! Ingat!"
"Thank you din po Tito! See you soon din po! Ingat!"
*call ended*
Whoa. 15 years na ang Goin' Bulilit this year? I can't believe it! Parang dati lang nag-audition pa ako dyan... tapos 15 years na sila this year? Grabe lang! Pero is that a surprise? Eh ako nga I'll be turning 21 this April. Ang bilis talaga ng panahon!
At ang bilis din niyang nakalimot.
~
Pag-uwi ko ng condo ay naabutan kong nagluluto ng pasta si beshie. Actually, share kami ng condo ni Miles. Pumili talaga kami ng malapit lang sa ABS-CBN para hindi hassle pag kinailangan naming pumunta dun.
"Beshie! Tinawagan ka din ni Tito Frasco?" Tanong ko kaagad sa kanya pagkababa ko ng bag ko sa couch.
Umiling si Miles. "Si Tito Badjie ang tumawag sa'kin! At syempre I said yes! Alam mo namang never akong hihindi when it comes to Goin' Bulilit!"
Napangiti ako. "Same beshie! Grabe noh? 15 years na pala ang GB this year! Parang dati lang naglalaro pa tayo sa set tapos ngayon... eto, pa-pasta pasta nalang tayo sa condo."
"Baliw ka talaga beshie!" Natatawang sagot ni Miles sakin. "Ano sa tingin mo? Makukumpleto kaya tayo? I mean kasi 'di ba sina Steven, Eliza and si..." Tinaasan ako ni Miles ng kilay as if nang-aasar.
BINABASA MO ANG
Lights, Camera & You
Teen FictionA former love team was reunited after two years. Will they continue to develop what was left from the past? Or will they remain as friends? Join Nash and Sharlene in this roller-coaster ride love story.