Sharlene POV
"OA ka na beshie ah! Nag sorry na nga ako eh! Pansinin mo na ako huy!" Pangungulit nanaman ni Miles habang papunta kami ng The Peninsula.
It's been two weeks simula nung 'ilaglag' niya ako kay Nash. To be honest, I wasn't planning to tell him about what happened to me and Donny when he left. Para saan pa? Nothing special happened between me and Donny. Pakiramdam ko nga eh naging 'playtime' lang din namin ang isa't isa. Five months lang ang itinagal ng 'something' na 'yun between me and Donny at matapos ang five months na 'yun ay hindi na siya nagparamdam. As in parang wala lang. Nagkakasalubong kami sa ABS-CBN building na parang walang nangyari sa'min.
"Wag ka na kasing magtampo! Ngayon na ang 15th anniversary ng GB tapos ganyan ka pa sa'kin!" Kanina pa nakakapit si Miles sa braso ko at panay ang paghingi ng sorry at pagpapaliwanag. "Karapatan namang malaman ni Nash."
I sighed. "Some things are better left unsaid."
"Sus! Hindi ako naniniwala dyan beshie! Ah basta! Sorry na nga kasi! Hindi naman kayo nag-away ni Nash 'di ba? Wag ka na maarte dyan at patawarin mo na ako!"
"Ikaw na nga 'yung may kasalanan, ikaw pa 'tong demanding! Aba beshie ah! Masyado ko naman atang kinakarir ang pagiging masunurin mong best friend?" Sarkastikong balik ko sa kanya.
Sa inaakala kong titigil si Miles sa pangungulit sa'kin... hindi ito nangyari. Hanggang sa makarating kami ng The Peninsula eh walang katapusang pangungulit ang ginawa niya. Para tuloy akong may kasamang five years old na bata.
The cast from the very first batch of Goin' Bulilit down to the last are all gathered here at The Peninsula Manila to celebrate the show's 15 years in the business. Sobrang pinaghandaan talaga nina Direk Bobot ang anniversary na 'to. Kinuha pa nga nilang emcee sina Ate Alex Gonzaga at Kuya Robi Domingo.
"O, nandito na pala ang mag-beshie!" Pambungad na bati ni Ate Kiray sa'min. Nakipagbeso-beso naman kami ni Miles sa kanya at pati narin kina Ate Eliza, Ate Jane at Ate Trina na kasama niya sa table.
"Dalagang-dalaga ka na talaga, Shar!" Malambing na sabi ni Ate Eliza sa'kin. "Ang ganda ganda mo lalo habang lumalaki ka!"
"Grabe ka naman Ate Eli! Hindi ako birhen para purihin mo ng ganyan!" Pabiro ko namang sagot sa kanya. "Kayo nga dyan eh! Well, pag galing bulilit, gandang bulilit 'di ba?"
"Tama 'yan! Tama 'yan!" Nakatawang sambit ni Ate Kiray at lahat sila ay sumang-ayon.
The anniversary started at 7pm. Sinimulang ipalabas sa malaking screen ang kauna-unahang episode ng Goin' Bulilit way back 2005. Panay ang tawa namin habang pinapanood ang mga younger version namin. Grabe, ang bilis talaga ng panahon! Akalain mo 'tong batang Korina K. Kanchez eh turning 21 na this year.
Nagtinginan ang ilan sa'kin nang ipalabas ang first episode ng Rated KKK. Naalala ko pa nung pinapractice ko 'yung mga lines ko dyan. Hirap na hirap ako sa pag-aaral makuha lang ang tamang pagsasalita at facial expressions.
"Alam ba ni Alexa 'yung sa inyo ni Nash?"
Medyo nagulat ako nang biglang bumulong sa'kin si Mika. Katabi ko siya sa table at nasa kaliwa ko naman si Miles. Kasama din namin sina Igiboy, CJ, Ate Kristel, Ate Mikylla, Kuya Alfred at si Steven.
"Bakit mo naman natanong?" Humarap ako ng bahagya kay Mika.
"Eh kasi..." Pasimpleng ngumuso si Mika sa table nina Nash doon sa kabilang side. Magkatabi sila ni Alexa at naka-angkla pa ang braso nito kay Nash.
Automatic na tumaas ang kilay ko.
Bahagyang natawa si Mika na nakita pala ang reaksyon ko. "So I'll take that as a no." Muli nitong sabi. "Muntik maging sila 'di ba?"
BINABASA MO ANG
Lights, Camera & You
Teen FictionA former love team was reunited after two years. Will they continue to develop what was left from the past? Or will they remain as friends? Join Nash and Sharlene in this roller-coaster ride love story.