Chapter 2

487 41 11
                                    

Sharlene POV

I received a call from my Mom telling me I have an upcoming project with Jack Reid.

Yup, you read that one right.

Jack Reid as in younger brother ni James Reid!

OH. MY. GOSH.

"Huy!"

Ginulat ako ni Jairus pero walang epekto yung panggugulat niya. Mas gulat parin ako sa katotohanang may upcoming project ako with Jack. Kasi bakit? Paano? Paano nangyari 'yun?

"Ba't ang tahimik mo nanaman? Nag stalk ka nanaman tapos nasaktan ka noh?" Pang-aasar ni Jai.

"Tsk. Hindi." Tipid kong sagot.

"Eh ano? Dapat nga happy ka kasi last taping na natin today. Excited na nga akong magbakasyon!"

Buti pa 'tong si Jairus ang saya-saya. Anyway, love team parin kami ni Jairus ngayon. We're friends and isa siya sa mga taong pinagkakatiwalaan ko talaga dito sa showbiz.

"Jai may bago kasi akong project."

"Talaga?? Naks! Ibang klase ka talaga, Shar! Oh ayaw mo ba nun? After nitong teleserye natin may naka-lineup ka na pala agad! At least hindi ka mababakante!" Tuwang-tuwang sabi ni Jairus.

"Ehhh." Nag-aalinlangan talaga ako sa upcoming project na 'to eh. Hindi magaan ang pakiramdam ko. Kasalanan ko din naman kung bakit. Tsk! "Kilala mo ba kung sinong makakasama ko this time?"

"Sino?"

I sighed. "Si Jack Reid."

Nanlaki ang mata ni Jai sabay nga-nga. "What?? Seryoso? Jack Reid as in kapatid ni kuya James?"

"Wow? Maka-kuya ka naman! Close ba kayo? Chosero 'to!"

"Nakasama ko kaya si kuya James sa isang event ng Uniqlo! Pero wait, going back to the topic... you're going to work with Jack? Eh 'di ba last year—"

"Yun na nga Jai! Yun na nga! Kaya nga namomroblema ako!"

Tinawanan lang ako ni Jairus. Alam niyo 'yung tipong halos maluha-luha pa siya sa pagtawa. Nakakainis lang!

"Good luck nalang, Shar! Kaya mo 'yan. Isipin mo nalang para sa ekonomiya."

Batukan ko nga! "Kainis ka! Lakas mong mang-asar!"

At tinawanan parin niya ako ng tinawanan hanggang sa makarating kami sa set.

~

Fulfilled nanaman ako dahil nakatapos kami ni Jairus ng pang limang teleserye namin together! Ang saya-saya dahil ang dami narin naming nakatrabahong mga bigating artista. May wrap up party kami bukas sa Makati Shangri La. Excited na ako kahit bukas pa 'yun.

"Uy Jai, hatid mo naman ako sa ABS. Nandun kasi si Mama eh."

"Sure. Teka, baka..."

I rolled my eyes at him. "Tumigil ka dyan! Wag kang mag-isip ng kung ano-ano!"

Walang tigil parin si Jairus sa mga 'what ifs' niya ngayong nalaman niyang magkakaroon kami ng project ni Jack. Hindi naman ako magkakaganito kung wala akong ginawa last year. Kasi naman Sharlene! Napaka-clumsy mo rin talaga eh! Tsk!

"May taping kayo bukas for GB's 15th anniversary 'di ba?"

"Actually hindi siya taping. Photoshoot talaga siya. Parang gagayahin namin ulit yung mga pictures namin before para magkaroon ng comparison like parang then and now ang dating."

"Ay wow! Kumpleto na ba kayo? Umuwi na 'yung mga nasa States? Ehem."

Sinuntok ko ng mahina si Jairus sa braso at napa-aray ito. "Si ate Eliza lang ang nabalitaan kong umuwi. Enough information na 'yun since sila namang mga girls ang kasama ko bukas."

Lights, Camera & YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon