Chapter 4

448 34 8
                                    

Sharlene POV

Sobrang naging busy ko nitong nagdaang mga linggo at hindi ko na namalayan na February na pala ngayon. Kahapon ay natapos na namin ang huling shooting namin para sa 15th anniversary ng Goin' Bulilit. Sa katunayan ay may reunion party mamayang gabi sa bahay nina Nash. Nagprisinta si Nash na doon nalang sa bahay nila i-celebrate ang reunion party para naman daw hindi na kailangan pang mag-rent ng place.

A las dos y media na ng hapon pero hindi parin tapos ang shooting ko. Kanina pa kami naghihintay ni Jack dito sa loob ng tent. Nagkaroon kasi ng technical problem sa labas kaya pinagpapahinga muna kami dito sa loob ng tent.

"Pambihira naman." Pumasok sa loob ng tent si Kuya Marlo (Mortel) na may dalang payong. "Umuulan."

"Sucks. I brought my car today." Sabi naman ni Jack na nagising bigla dahil pumasok at nagsalita si Kuya Marlo.

Bwisit naman yung ulan! Mag-Grab na nga lang ulit ako para mas mabilis akong makapunta sa reunion party namin. Pero ang hassle padin kasi umuulan! Huhu!

"Last scene ko na yung ish-shoot. Kayo ba? Ilan pa sa inyo?" Tanong naman ni Kuya Marlo samin.

"Tatlo pa." Sabay naming sagot ni Jack. "Gusto ko na ngang matapos kasi may pupuntahan pa ako after ng taping natin."

"Ako din eh." Pagsang-ayon ni Kuya Marlo. "Why don't you guys get ready nalang din just in case ipatawag na ulit kayo sa labas? Sa tingin ko eh malapit na nilang maayos 'yung nasirang lightning kit."

Sumunod naman kami ni Jack sa sinabing iyon ni Kuya Marlo. Actually, naging close narin kami ni Jack dahil halos araw-araw din kaming magkasama dahil nga sa shooting. Parang si Jairus narin ang tingin ko sa kanya.

"Where are you going after taping?" Tanong niya sa'kin habang nagre-ready na kami.

"May reunion party kami mamaya. Bwisit nga eh kasi umuulan. Ang hirap pa namang sumakay at maghintay ng Grab pag umuulan."

"You want me to take you there? I mean to your reunion party."

Nagningning ang mga mata ko sa alok na 'yun ni Jack. Pero nagdalawang isip ako dahil baka pagselosan pa siya ni Nash. Nung huli kasi silang magkita may pa 'remember the name' pa 'tong si Aguas eh. Tsk! Pero wala naman sigurong masama kung papayag ako sa alok ni Jack? Free ride narin 'to noh! At Jack Reid pa ang driver! Tatanggi pa ba ako?

"Okay lang sa'yo? Hindi ba hassle sa part mo o baka naman may lakad din after ng taping?"

"No I don't have lakad after taping." Napangiti siya at napakamot nalang sa batok niya. "To be honest I've wanted to give you a ride home and I think this is my chance."

"H-ha?" Medyo nagulat naman ako sa sinabi niya! "Gusto mo akong ihatid pauwi?"

"Well you know... kasi you're always riding the taxi tuwing uuwi ka. I just... I just want to make sure you're safe since mag-isa ka lang lagi pag umuuwi ka."

Natawa nalang ako. "Ikaw ah! Concern ka ba? Wag kang mag-alala safe naman ako tuwing umuuwi ako! Takot nalang nilang may gawing masama sa'kin eh mala-armalite 'tong bibig ko! Sigaw ko palang dinig na hanggang Visayas."

Natawa din si Jack sa sinabi ko. Ipinatawag narin kami ni Direk Tonette para sa huling tatlong scenes namin sa araw na 'to. Next week ay kasama ko na ulit sina Kuya James at Ate Nadine sa taping.

~

Kasalukuyan naming binabagtas ni Jack ang lakas ng ulan papunta sa bahay ni Nash. Pansin kong namomroblema na kaagad siya dahil nadumihan na ng sobra ang pinakamamahal niyang si Bean, 'yan ang pangalan ng kotse niya.

Lights, Camera & YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon