Chapter 6

415 34 11
                                    

Sharlene POV

Pinauna na akong pumasok ni Nash sa loob ng Breakfast at Antonio's sa kadahilanang ipapark daw niya ulit ng maayos ang hiniram na sasakyan kay Kobi. Hindi ko naman siya masisisi dahil talagang maselan si Kobi pagdating sa kotse niya. Nagulat nga ako dahil ipinahiram niya kay Nash itong paborito niyang kotse.

Nakangiti akong binati ng nagbabantay na security guard sa may entrance. "Good morning po Ms. Sharlene!" Kitmas, kilala din ako ni kuya guard!

Ngunit agad na nawala ang ngiti sa labi ko nang makita ko si Donny kasama ang mga kapatid nito sa loob ng restaurant.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko at hindi ko alam kung bakit. Kinakabahan ba ako kasi kasama ko si Nash ngayon at nandito si Donny? O talagang dahil lang ni Donny kaya ako nagkakaganito? Gods, stop it Sharlene! I want to freakin' slap myself right now.

Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang maramdaman kong nasa likod ko na si Nash. Nabangga pa nga ako nito at pakiramdam ko ay alam na niya kung bakit ako napatigil dito sa entrance.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Let's go?" Nakangiti nitong sinabi sa'kin at naglakad na kami papunta doon sa may padulong bahagi ng restaurant. Hinigpitan ko ang hawak ko kay Nash at inalis ko narin ang tingin ko mula sa table nina Donny.

Ramdam na ramdam ko parin ang mga mata niyang nakasunod habang naglalakad kami ni Nash.

"Good morning Ma'am, Sir." Masaya kaming binati ng waiter na nagngangalang Ann. "Star studded kami sa araw na 'to ah. What can I get you po?"

Parehas kaming napangiti ni Nash sa sinabi nito. Si Nash na ang umorder para sa'ming dalawa. Isang Eggs Benedict para sa'kin at Smoked Salmon naman para sa kanya. "Okay Sir, thank you. Please wait for 5 minutes nalang po. Thank you." Muli kong nginitian ang waiter na si Ann hanggang sa ito'y makaalis.

"You look flushed. Are you okay?" May something sa boses ni Nash na hindi ko maintindihan kung nang-aasar ba siya o naiinis. Panigurado naman akong nakita niya si Donny.

"Sana nag McDonald's nalang tayo." Sagot ko nalang at saka ko kinuha sa purse ko ang aking cellphone. Nanlaki ang mga mata ko sa dami nang text messages at missed calls. Si beshie naka-41 missed calls na! Adik lang? Panay din ang dagsa ng notifications ko mula Twitter at Instagram. Marahil siguro sa Instagram post ni Nash.

"Why? Are you feeling uneasy because he's here?"

Nagulat ako sa biglaang tanong ni Nash. Itinago ko na ulit ang cellphone ko sa purse ko bago ko siya sinagot. "Hey it's not like that. It's just—"

"It's obviously like that, Shar. Why? I thought you said nothing special happened between the two of you? Why all of a sudden your face turned red the moment we got here?"

He's mad. He's really mad.

Kung titingnan niyo si Nash ngayon ay para itong sasabog sa magkahalong inis at... siguro ay selos? Gusto kong sabunutan ang sarili ko ngayon! Bakit nga ba? Bakit nga ba ako nagkakaganito? Pesteng mga pisngi 'to bakit ba namumula kayo?! Bad trip walang pakisama!

"Nash, can you chill? Nagulat lang ako na he's here. I can't believe you're starting to get mad just because we're all in the same place."

"That's not what I'm talking about Sharlene. You know what I'm talking about."

I sighed. I can never outsmart this guy. Nice try nalang, Shar.

I stared at him because I don't know what to answer anymore. Pwede bang kainin nalang ako ng lupa ngayon? At bakit ba dito pa ninais kumain ni Nash?? Bakit dito pa sa Breakfast at Antonio's... Wait, Antonio's? Eh lechugas nandito si Donato Antonio sa Breakfast at Antonio's! Wtf Sharlene stop thinking nonsense!

Lights, Camera & YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon