Chapter 8

619 36 26
                                    

S/N: Annyeong! Sinipag akong mag-update ngayong gabi dahil natuwa ako sa #AskSanPedro ni Sharlene kanina sa Twitter at pa-LIVE ni Nash sa Instagram. Anyway, I put one of Sponge Cola's songs up, try to listen to it while reading this update para mas damang-dama niyo hehe. Enjoy reading mga beshies!

***

A day before Sharlene's 21st birthday...

"Beshie ano na? Nakapag-decide ka na ba kung pupunta ka sa birthday party ni Kuya Sam?"

Napa-buntong hininga nalang si Sharlene sa tanong ng beshie niyang si Miles sa kanya. Magkasunod sila ng birthday ni Sam at inimbita siya nito bilang naging magkaibigan na sila ni Jack. Winelcome na nga ng mga ito si Sharlene sa clique nila dahil may gusto dito si Jack pero ni minsan ay hindi inentertain ni Sharlene ang binata kahit na ito'y ubod pa ng gwapo.

Tinabihan siya ni Miles at saka inakbayan, "Three weeks na ang nakalipas, beshie. Birthday mo na bukas pero nagkakaganyan ka parin."

Nangilid kaagad ang mga luha sa kanyang mga mata. Hindi niya lubos na makayanan ang nangyari sa kanila ni Nash three weeks ago. Inaamin niyang nagtapang-tapangan siya ng gabing iyon na magpaalam kay Nash pero heto ang katotohanan... hindi niya kaya. Kaya heto siya ngayon at parang pinagbagsakan hindi lamang ng langit at lupa kung hindi maging ng buong solar system.

"Beshie hindi ko kaya." Tuluyan nang tumulo ang kanyang mga luha at isinandal nalamang niya ang ulo niya sa balikat ni Miles. "Ang sakit. Ang sakit sakit!"

Agad naman siyang niyakap ni Miles at pinunasan ang mga luha nito. "Sabi ko naman sa'yo 'di ba mag-usap ulit kayo. Ayusin niyo ang relasyon niyo. Pero ni isa sa inyo hindi man lang nagkaroon ng lakas ng loob na puntahan ang isa't-isa."

Tahimik lang si Sharlene at pinipigilan ang sariling umiyak habang nakikinig kay Miles. Tatlong linggo na siyang iyak ng iyak at pagod na pagod narin siya. Ilang araw nga siyang hindi nakapag-taping dahil sa bigat ng nararamdaman niya. Gusto niyang magalit kay Nash pero hindi niya magawa, alam niya sa sarili niyang mas hindi niya kakayanin kapag ito ay nawala sa kanya.

"Tahan na beshie. Birthday mo bukas at hindi mo deserve umiyak ng one to sawa ngayong gabi! Marami pa tayong gagawin bukas sa birthday mo kaya dapat maging happy ka naman kahit 1/2 lang!"

Nagpahid na si Sharlene ng luha at pinilit ang sariling 'wag nang umiyak. Siguro ay talagang hanggang pagkakaibigan lang ang maibibigay ni Nash sa kanya. Nagkamali lang siguro ito noong umamin ito sa kanya. Masyado siyang naniwala na hindi siya nito kayang saktan. Masyado siyang nagtiwala.

"Hayaan mo beshie bukas okay na ako." Pilit na ngumiti si Sharlene kay Miles.

"Hmmp! Lokohin mo na lahat pero hindi mo ako maloloko! Alam kong hindi ka parin okay bukas pero please beshie kahit 2 hours lang mag-enjoy ka naman sa pa-party ko sa'yo! Sayang effort ko pag malungkot ka bukas! Kahit bukas lang kalimutan mo na muna si Nash."

Paano 'ko kakalimutan si Nash kung pagkatapos ng kaarawan ko ay aalis na ulit siya papuntang America?

Ngumiti nalang ulit si Sharlene at napatitig nalang sa mga paa niya. "Mag-eenjoy ako bukas beshie. Promise."

Mag-eenjoy ako kahit nasasaktan ako.

***

9:00 PM — Purple Café

"Happy birthday, Shar!"

Present lahat ng mga kaibigan ni Shar sa party kung saan si Miles ang nag-asikaso. From their Goin' Bulilit buddies, to her former co-VJs and some of her closest friends from showbiz were all present.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lights, Camera & YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon