"Mama! Lalabas ko na ba ang mga meryenda natin sa garahe?" excited na tanong ko"Oo iha. Pakiingatan nalang at mainit init pa yan." nakangiting sambit nito sa akin.
Kinuha ko naman ang mga kayang kong bitbitin at dahan dahang naglakad papuntang garahe para hindi matapon ang aking mga dala.
Linggo kasi ngayon at tuwing linggo day off ng mama ko sa trabaho kaya naman it's family day!
Simple lang ang buhay namin. Masaya at kuntento nako dito. Hindi kami mayaman, pero hindi rin kami mahirap.
Wala na akong daddy kasi ang sabi ni mama, naaksidente siya nung bata palang ako. Pero wala manlang kaming binibisitang puntod ng daddy ko kasi daw may nangangalaga naman dito.
Sobrang swerte ko nga e, may kuya ako na sobrang protective sakin. Siya nadin ang tumatayo kong ama dahil napaka strict nito sa ibang bagay. Para nga akong prinsesa lagi pag siya ang kasama ko
"Plain, diba sabi ko sayo wag ka na mag pagod at umupo ka nalang duon? Kami na bahala ni mama jan." nakasimangot ito habang naglalakad papunta sakin at kinuha ang mga bit bit ko.
"E kasi kuya Prionne, hindi naman ako nahihirapan. Nag eenjoy pa nga ako e." sabi ko din at umupo.
Ginulo naman nito ang buhok ko na hilig niyang ginagawa at kiniss ako sa nuo. Sobrang sweet talaga ng kuya ko!
Minsan nga pag umaalis kaming dalawa napapag kamalan pa kaming magka sintahan. 2 years lang kasi ang agwat ng taon nito sa akin pero sobrang matured na siya mag isip.
"Kuya malapit na ang birthday ni mama ah. Ano ba ang reregalo natin? Madami na akong ipon." natutuwang kong bulong dito. Baka kasi marinig kami ni mama at masira pa ang plano
"Basta itabi mo muna ang pera mo. Tyaka nalang natin pag usa.." Hindi na niya naituloy ang sasabihin ng may bigla kaming narinig na malakas na sigaw at malakas na tunog na galing sa kusina
"AAAHH!!!"
"Shit! Si mama!" - kuya
"Hala si mama!" - akoSabay kaming tumungo sa kusina at isa lang ang nadatnan namin.
Naliligo si mama sa sarili niyang dugo. May tama ito ng bala sa kanang ng kaniyang dibdib at nakapikit, wala nang malay.
"Mama! Please wake up ma!" -kuya
"Kuya anong gagawin natin! Sino? *sobs* Sino ang walang puso na gumawa nito?"
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, wala na akong marinig kung hindi ang iyak ko at ng kapatid ko.
"Tulong! Tulungan niyo kami. *sobs* Ma!" sigaw ni Kuya Prionne habang yakap yakap si mama. Iyak lang din ako ng iyak sa isang tabi ni hindi ko alam ang sunod kong dapat gawin.
Nakarinig naman kami ng kaluskos galing sa labas na siyang pinuntahan ni kuya. Sumunod ako dito dahil narin sa takot at pangamba na baka kung ano din ang mangyari sa kanya
"Kuya wag! Please dalin muna natin sa hospital si mama." nag mamakaawa kong sabi dito. Ngunit tuloy tuloy lang ito sa pag takbo papunta sa labas
"Sino kayo at anong kailangan niyo sa amin!? Sino kayo at bakit niyo to ginagawa sa amin?" lakas na loob ni kuya sa mga naka itim na tatlong kalalakihan na nasa labas.
"Sumama ka sa amin kung ayaw mong pati kayo ng kapatid mo ay mamatay." tila kulog ang sinabi nito na lalo pang nag paiyak sa akin
"No! Hindi kuya. Hindi ka sasama sa kanila. Please kuya don't leave me here." nag mamakaawang sabi ko kay kuya habang nakahawak sa mga kamay nito.
Dahan dahan nitong tinanggal ang pag kakahawak ko sa kamay niya tyaka ako niyakap. "Ayokong pati ikaw madamay pa. Babalikan kita. Pangako." mahinang bulong nito sa akin na lalong nag pahina sa katawan ko
Hindi ko kaya! Hindi. *sobs* Hindi pwedeng mangyari to. Iling lang ako ng iling dito habang pinupunasan niya ang tumutulo kong luha. Napaupo na ako sa sobrang pang hihina. Kitang kita ko din sa mga mata niya na hirap na hirap din siya sa sitwasyon namin.
Hinalikan ako nito sa nuo bago sumama sa tatlong walang puso na pumatay sa nanay ko at kumuha sa kapatid ko.
May nilipad na isang papel. Na sigurado akong galing sa tatlong tao na yun. Papel na nakapag pabago at dahilan kung bakit ako nandito.
Note: napag utusan lang kami. Kung gusto mo malaman at masagot ang mga tanong mo kindly open this paper.
Binuklat ko ang papel at nagulat ako sa nakasulat dito. Isang paaralan na hindi ko inaasahan.
ASTRA ACADEMIA
school of missions & powerIf you want to enter this school:
First, you must pay P10million
it includes:
> 5 million of charge to your Astratix Card.
> A dormitory for two years.
> School uniform and stuffs.
> Other school feesSecond, you must follow the rules and regulation of school.
> it will be given to you on your first mission.And lastly, you have to face your fears
> you can't change your mind once you entered here. There's no turning back
> You can't go out of the school's premises unless you have ticket pass or unless stated by the school itself.[ 2019 : Now accepting enrollee's!
What are you waiting for? Enroll now]Contact 09110712292 for further questions.
-Head admin of Astra Academia.It turned my world upside down since that day. It happened 2 years ago and it still hurts me whenever I remember every bit of it.
I am here not to study, to find a love life, to learn how to be a criminal or to be powerful. Im here to know everything that I want to know. And to play the games they started.
Want to watch me play? Continue reading
BINABASA MO ANG
ASTRA ACADEMIA
ActionAng Astra Academia ay isang paaralan ng mga mayayaman na nag lalaban laban para sa kapangyarihan at sa sariling kapakanan. Paano kung nandito ang mga bagay na nais mong malaman? Paano kung nandito yung tao na kailangan mo para sa hustisyang nais m...