Chapter seven

12 5 13
                                    

Chapter seven - Hunted List

2 days had passed and dalawang araw nalang din ay madudumihan na ang pangalan ko.

"Harper, do you have any idea kung sino ang ibibigay na pangalan sa akin?" tanong ko. Hanggang ngayon kasi napapaisip padin ako kung bakit siya ang ibinigay na pangalan at kung sino ba siya.

"Wala." walang kagana gana na sagot nito.

Ngayon ay nandito kami sa practice room dahil madami pa siyang ituturo sa akin. Self defense at mga tamang pag gamit at pag mamasa sa pag hawak ng baril.

"Tomorrow, ibibigay na sayo ang pangalan ni Miss Stella. May isang araw tayo para sundan at malaman ang kanyang mga galaw." tumango lang ako at sumimangot.

Totoo nga pala, seryoso nga pala na ang buhay ng mga tao ay tila laruan lang sa iba.

"If you are not informed, kasama ako sa first mission mo. I'll be the one to guide you. " Ani nito na kinalingon ko sa kaniya.

"I really need to do this but I think I can't do this alone. So thank you." punong puno ng sensiridad kong sabi dito. Malaking tulong sa akin kung totoo man ang sinasabi niya.

"Get up. Let's start."

Tumayo nadin ako at nag handa.  Kinuha naman niya ang mga dapat naming gamitin.

Nag simula na kami sa mga dapat na atake sa self defense. Incase lang naman daw to dahil kasama ko naman siya sa pag gawa ng aksyon.

Meron nalang kaming tatlong oras para mag practice dahil may kailangan pa daw siyang puntahan.

~

"Nakakapagod, grabe." ani ko habang inuunat ang kanan at kaliwang braso

"Wala pa yan sa mga dapat mong matutuhan." seryosong sabi niya habang inaayos niya ang kaniyang bag. Hindi ko na pinansin ang sinabi nito at inayos nalang din ang akin

"Margaux. Can we talk" sabi ni.. Lulu?

"Paano ka napunta dito?" nagtatakang tanong ko

"I bumped into your room mate and I asked kung binigay na niya sayo yung pinapabigay ko. She said yes but hindi mo parin ako kinokontak so tinanong ko sa kanya kung nasan ka so yeah." mahabang paliwanag nito na tila hinihingal pa

"Tss. I'm leaving." singit ni harper at dere deretso itong naglakad palabas ng practice room. Ni hindi manlang lumingon hays

"Are you serious about this Plain Margaux?"

Halata ang pag aalala sa mata ni Lulu. Iniwas ko lang ang tingin ko at binitbit ang bag ko. Higit sa mama at kuya ko, siya ang isa pang nakakakilala sa akin ng lubos.

"I really need this, Lu. Kailangan kong magtagal dito."

Tumango lang ito at parang may malamin na iniisip.  Wala narin naman siyang magagawa kahit pa ano sabihin nya.

"Let's eat. May sasabihin din ako sayo." agad nitong binitbit ang bag ko at hinila na ako palabas ng practice room.

Wala na akong magagawa kung hindi sumunod nalang din dahil hindi ko na kaya ang gutom at pagod na nararamdaman ko. Parang tinutusok ang mga laman ko. Napwersa siguro

As usual pag pasok namin sa isang restau dito sa Astra Vista Plaza ay panay ang tingin at bulungan ng mga estudyante.  Hays ano pa nga ba ang bago?

Umupo nalang ako sa pinaka malapit na pwesto at siya naman ang bumili ng order.

Pinag masdan ko si Lulu. Lumaki ang katawan niya marahil ay dahil ito sa mga misyon na ginagawa dito. Totoo kayang kabilang siya sa limang Astrax? Para kasing normal lang din siya katulad ng iba dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ASTRA ACADEMIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon