Chapter three

81 33 57
                                    

Chapter three - Mission

Someone's POV

"Did you heard about that Newbie named Plain Margaux?" I asked.

"Yes. And what about that?" he replied. Halatang bored ito at walang paki kung sino man yung babaeng yun.

"Gusto mo maging Astrax diba?" maayos na tanong kong sabi dito.

"Ano kinalaman non sa usapan nating to?"

"Mag volunteer ka as her mentor. At ako na ang gagawa nang paraan para maging Astrax ka. As easy as that." I said as I left him in the secret room.

Margaux' POV

3 days had passed. At sa tatlong araw na yun wala pa akong nagagawang hakbang o plano. Ni hindi ko nga alam kung paano ako mag sisimula kahit ang first mission ko dito ay hindi ko pa nagagawa.

Ang una ko munang gawin ay kunin ang loob ng ibang tao dito. Alam kong may maitutulong sila sa akin kahit papaano. Kaso ang problema, sa tatlong araw ko dito ako ang pinag uusapan. Na kesyo daw siguro may kakaiba sakin at pumayag si Quincy na may karoom mate.

Ewan ko ba pero parang yun lang big deal na agad sa kanila. Gaano ba kataas si Quincy at hinahangaan siya ng mga tao dito?

"Yuhoooo! Gaux get up." ang ingay talaga ni Incy. Pero mas okay na sakin yung ganto kesa sa seryoso siya at nakakatakot.

"May ano baaa?" nakakunot kong tanong dito.

"Mall tayo, please. Libre ko!" ngiting ngiti na sambit pa nito. Bat ang yaman yaman nang babae na to. Parang nung isang araw lang kung ano ano pinag bibili e.

"Okay Incy. Para namang may magagawa ako."

Niyakap ako nito at lumambitin pa. Loka loka talaga. Sa iilang araw ko palang dito sobrang dikit kami ni Incy. Kaya nga pinag uusapan nila ako marahil ay naiinggit sila

Naligo na kami at nag ayos. As usual simple lang suot ko. White crop top at maong short. Plus white shoes at denim jacket.

Si Incy naman ay naka fitted long sleeve top na naka tuck in sa korean palda short at may heels na sapatos.

Sumakay ulit kami sa itim na sasakyan na sinakyan namin nung una niyang libot sa akin dito sa Plaza. Napag alaman ko din na kay Ryuji to, yung nakalaban ko sa PE namin.

"Hindi ba nagagalit si Ryuji at ginagamit natin ang sasakyan niya?" nag aalala kong tanong. Mabait si Ryuji dahil madali lang din ito pakisamahan katukad ni Incy.

"Bakit naman siya magagalit e isa lang naman ang hinihiram ko. Apat kotse nun dito no. Gusto mo ba mang hiram?" natatawang sabi nito.

Napa 'ohhh' naman ako dahil hindi ko inaasahan na ganun siya kayaman. Natawa lang din siya dahil sa reaksyon ko.

MALL

Una naming ginawa ay nag hanap muna kami ng makakainan dito at as usual, Pizza at pasta lang ang inorder namin. Hindi pa kasi kami nag aalmusal.

"Wala ka bang ibang kaibigan dito bukod kay Ryuji?" tanong ko dito habang kumakain kami. Wala pa akong masyadong alam sa kaniya. At ayoko din naman basta basta mag tanong.

ASTRA ACADEMIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon