Chapter six
"Ang ganda ng baril mo Margaux! Gusto ko din tuloy bumili." excited na sabi ni Incy.
Grabe anong maganda sa baril? Kahit umiilaw pa yan at nag lalabas ng pera basta't nakakapatay, hindi maganda.
"Hmp. Tara na nga, Gaux! Thank you ate balitaan moko pag may bagong labas na ulit na mas astig!" sabi ni Incy dun sa bantay sa isang shop na puro baril.
Grabe talaga tong babaeng 'to. Nandito kami ngayon sa Astra Vista Plaza. Naubusan na kasi kami ng mga ginagamit sa bahay at pinag pilitan nadin niya ibili ako ng baril na gagamitin sa first mission ko.
Nilagay muna namin ang mga binili namin sa baggage carrier kasi napaka bigat ng mga ito.
Naglibot lang kami sa plaza hanggang sa mag gagabi na. She told me na gusto niya sana mag night club kaso pagkatapos na daw yun ng first mission ko as celebration.
Who would do that? Papatay ka tapos pag napatay mo mag cecelebrate kayo. Wow just wow
"Hey Gaux, spacing out eh?" sabi nito at nakataas ang kilay sakin. *sigh* huminga lang akong malalim at hinila ko siya papunta sa club.
"Why dont we celebrate first before my mission? Hindi ko na kaya. Let's escape this world using alcohol" sabi ko dito at nagulat naman ako nang siya na ang humila sakin.
Pinapasok kami agad nung nag babantay since kakilala pala yun ni Incy. Pagka pasok namin sa club, we decided na maghanap ng mauupuan sa hindi mataong lugar. Ayoko sa maingay but I dont have any choice.
"Wait me there kuha lang ako ng drinks. Walang aayaw ha! Ikaw ang nag yaya." sabi nito at kinindatan pa ako. Nginitian ko lang ito at tumango.
Limang table lang ang nandito sa may bandang dulo ng club. Ang isa sa mga table may isang babae lang na parang lasing na. Sa isa naman isang mag kakabarkada. Sa dalawa, mag coupleshit. At samin ang huli.
Tama ba tong pinasok ko? Dati nakakapasok ako pero di ako iinom. Im not out of my mind to do that but this time.... i dont really know what to do
"Here's your drink ma'am" sabi ni Incy at inabot naman ito sa akin. Umupo ito sa tabi ko at humarap sakin
"Cheers?" sabi nito at pinag toss naman namin ang mga wine glass namin.
"Incy, dont drink too much. Ayoko umuwi sa dorm na may bitbit na lasing" sabi ko sa kanya at sinimulan inumin ang binigay niya sakin.
putapeteshetshocksyuck!!! Apaka gara ng lasa parang gumuguhit sa leeg ko para kong ginigilitan.
"Well lets see kung sino ang uuwing lasing" sabi nito at tumawa pa. Nagawa niya pang tumawa kahit napaka gara ng lasa? Hay
"Uy nandito din pala kayo? Hi Miyuki, Hi Margaux!" sabi ni.. Ryuji? And wait sino si Miyuki?
"Darn you Ryuji, wag moko tawagin sa second name ko. Psh" Naiinis na sabi ni Incy. So... Quincy Miyuki? Nice name huh. Tumawa lang si Ryuji at ginulo ang buhok ni Incy.
"Pwede ba kami jumoin? Sige na Miyuki, please Margaux? Bati na tayo diba? Hehe. Wala na kasi ibang table e." kami? So may iba pa? Whatever. Buti gumaling na sakit sa katawan ko. Naiintindihan ko din naman kung bakit sineryoso niya yung activity. Hay
"Here's your drink. Tsk" dumating si what? Yung masungit na englishero na nag tuturo sakin. Si Harper.
"Thanks dude. Ayos ka talaga." sabi ni Ryuji dito at sabay silang tumawa ni Incy. Umiwas lang siya ng tingin at parang nabubwisit sa dalawa.
BINABASA MO ANG
ASTRA ACADEMIA
ActionAng Astra Academia ay isang paaralan ng mga mayayaman na nag lalaban laban para sa kapangyarihan at sa sariling kapakanan. Paano kung nandito ang mga bagay na nais mong malaman? Paano kung nandito yung tao na kailangan mo para sa hustisyang nais m...