Chapter two - physical strength
Bumangon agad ako at sinimulan na maligo wala pa akong uniform dahil ibibigay pa lamang daw ito pag nagawa ko na ang first mission ko. Nag suot ako ng Black shirt, gray plaided pants at white shoes.
Pagkatingin ko sa kama ni Incy ay nakabihis na rin ito ng kanyang uniform. Sabi niya ay Incy nalang ang itawag ko sa kanya at Gaux naman ang tawag niya sa akin.
Kinuha ko ang gamit na sa tingin ko ay kakailanganin ngayon. "Are you ready for your first day Gaux? Dont worry dahil mag kaklase naman tayo dito." she said with a big smile. Hinila niya ako papuntang cafeteria at pag pasok namin dun halos lahat ay nakatingin samin.
Kung bago man ako sa paningin nila ay mas bago sila paningin ko. Hindi pinansin ni Incy ang mga bulungan at ang mga pares ng mata na nakatingin samin.... or sa kanya lang? Tila ba sanay na sanay na itong pinag titinginan.
Agad akong nag tungo sa bilihan ng pizza at shake. Ako ang gagastos ngayon since si Incy ang gumastos kagabi. Nag hanap naman siya agad ng mauupuan sa malapit.
"Oops. I'm sorry bakit ka ba kasi panay harang?" sabi ni.. Summer. At natapon sa akin lahat ng shake na bitbit ko
Basang basa ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Ni hindi ako makagalaw
"Pwede ba Summer? Tigilan mo si Margaux!" nakalapit na pala si Incy sa amin at kinuha ang bitbit ko at pinusan yung basa na natapon sakin.
Hindi ko alam kung maiiyak ako o mahihiya sa lahat nang nakatingin or babalewalain nalang. Damn that Summer girl!
"Sorry Gaux. Hindi ko talaga alam kung bakit kabaligtaran ng ugali nun kapatid niya." sabi niya at sinimulan lantakan ang binili kong pizza.
Basa ang tshirt ko pero di masyadong halata na may natapon dito dahil kulay itim.
"Incy, Cr lang ako. Magpapalit akong damit" Sabi ko dito at tumango lang siya. Halatang nagugutom na ang loka
Inoccupy ko yung nasa dulong part ng comfort room. Habang nag bibihis may narinig akong pumasok sa banyo mga tatlo o apat sila.
"Nabalitaan niyo na ba agad yung bagong estudyante?" - girl 1
"Oo girl, si Summer pa talaga ang kinalaban" - girl 2
Napatigil ako sa pag bibihis nang narinig ko ang pangalan ni Summer. Sigurado akong ako yung pinag uusapan nila.
"At hindi lang yon girls ha, first time pumayag si Quincy magkaroom mate na hindi niya pinapaalis. Remember yung ginawa niya sa last kahit first day palang?" - girl 3
Huh? Ano kayang nangyare? Hindi kaya paalisin din ako ni Quincy?
"Oo naaalala ko yun. Grabe ang swerte naman nung bago." - girl 4
"Tara na nga guys baka malate pa tayo." Aya nung isa sa kanila at narinig kong sabay sabay silang umalis na sa Cr.
Nakahinga ako ng maluwag at tuluyan nang lumabas ng Cr. Hindi ako mapakali, usap usapan agad ako sa paaralan na to.
BINABASA MO ANG
ASTRA ACADEMIA
ActionAng Astra Academia ay isang paaralan ng mga mayayaman na nag lalaban laban para sa kapangyarihan at sa sariling kapakanan. Paano kung nandito ang mga bagay na nais mong malaman? Paano kung nandito yung tao na kailangan mo para sa hustisyang nais m...