Her POV
"Come on, 10." Mahinang tawag sa'kin ni no. 8. "Bilisan mo."
Tumatakas kami mula sa facility na 'to. Hindi ko pa alam ang lahat-lahat pero ang alam ko, kailangan ko na naming makatakas bago pa makumpleto ang formula. Hindi iyon maaaring mangyari. Maraming mapapahamak.
Dumaan kami sa isang tagong pasilyo na purong puti. Mula sa mga kagamitan pati ang dingding. Nakapagtataka ang labis na katahimikan sa lugar na ito. Sabi ng mga kasama ko, abala daw ang mga doktor sa paggawa ng formula. Hindi pa nila alam na gising na ako.
Nakarating kami sa isang maliit na lagusan. Mukhang ito na nga ang daan palabas. Madilim ito at masikip.
"No. 10, mauna ka na. Ikaw ang pinaka-kailangang makatakas dito." Sabi ni no. 9.
Tumango ako at pumasok sa loob ng maliit na lagusan. Kinakailangan mong gumapang para makalabas. Napakadilim sa loob noon at hindi maganda ang amoy. It stinks.
Nagpatuloy ako sa paggapang at ramdam ko ang presensiya ng mga kasama ko na nakasunod lamang sa akin. Mahirap ang daan dahil may mga nakaharang na wires.
"Ano ba 'tong dinadaanan natin?" Tanong ko.
"Ito ang passageway ng mga kable ng kuryente sa buong pasilidad. Mag-ingat ka. Delikado kung may matatamaan kang isa sa mga wire na iyan." Paalala sa'kin ni no. 8.
Tumango ako na parang nakikita niya ko sa dilim. Patuloy lang ako sa paggapang ngunit tila walang katapusan ang lagusan na ito. Napapagod na ko sa pag-iwas sa mga wires ng kuryente.
"Bilisan mo no. 10. Mukhang natunugan na nila na may nakatakas." Natatarantang sabi ni no. 9.
Binilisan ko pa lalo ang paggapang hanggang sa may matanaw na 'kong liwanag. Malapit na. Konti na lang.
Tuluyan na kong nakalabas mula sa lagusan na iyon. Pinagmasdan ko ang paligid. Matataas ang mga bakod. Paano kami makakatakas?
"Paano tayo makakatakas?" Tanong ko ng makalabas na rin ang iba kong kasama mula sa lagusan.
"May daan palabas ng facility patungo sa talahiban sa likod ng mga bakod na yan." Sabi ni no. 6.
"Ikaw na ang mauna. Ikaw ang pinaka-kailangang makatakas dito."
Tumango ako at pinuntahan ang daang sinabi nila. Dire-diretso lang ako sa pagtakbo hanggang sa marinig ko ang maiingay na sigaw ng mga security ng facility.
Nakalabas ako mula sa daanan at tumakbo ng dire-diretso sa talahiban. Naririnig ko ang mga putok ng baril at ang pagsigaw sa sakit ng isa kong kasama.
Lumingon ako at nakita kong natamaan si no. 8. Lalapitan ko sana siya nang sumigaw si no. 9
"No. 10 takbo! Tumakas ka na!"
Mahirap man, tumalikod ako at muling tumakbo. Naririnig ko pa rin ang walang sawang putok ng baril.
May narinig akong tunog ng chopper. Napatingin ako sa itaas. Kahit malayo, kilala ko ang lalaking nakasakay roon at may hawak na baril. His blue orbs were looking directly at me.
Ngunit bigla akong nakaramdam ng sakit sa aking tagiliran. Isa pang muli sa aking braso.
Napaluhod ako. Hindi ko na kayang tumakbo. May dalawa na akong tama ng baril.
Nakita ko siyang bumaba ng chopper at tumakbo papunta sa'kin.
"Pag-ibig!" Sigaw niya.
"Eros."
Nakita ko ang papalapit niyang pigura sa'kin hanggang sa muli, linamon na ko ng dilim.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig's
Mystery / ThrillerIliana Pag-ibig Alvarez, just an ordinary antisocial girl. She doesn't even want to go outside their house. Her comfort zone. She doesn't know how to make friends or how to fall in love and stay in a relationship with a special someone. ...