Her POV
"Bangon na nga kasi diyan. Late ka na!"
Hindi ko pinansin ang bwisit na lalaking to. Araw-araw sa loob ng tatlong buwan, maaga niya kong ginigising. Ayoko nga sabing gumising e.
"Argh! Gising na!" Sabi ni Eros at hinila ang kumot ko. Nakaramdam naman ako kaagad ng lamig kaya nagising ang diwa ko. Argh! Ang aga pa!
"Bwisit! Bakit ba?!" Pagalit kong sabi sa kanya.
"May pasok ka pa sa school late ka na!" Sabi niya at hinila na ko papasok sa banyo. Kainis!
Napilitan naman akong maligo. Hays. May pasok na naman. Kainis!
Natapos na kong maligo at nagbihis. Wala na sa loob ng kwarto ko yung mokong. Buti naman.
~ Pag-ibig's ~
"Nakakainis ka! Akin na nga kasi yan!" Sigaw ko kay Eros. Kinuha ba naman kasi yung chocolate cake ko.
"Tataba ka dito. Eto na lang ang kainin mo oh." Sabi niya sabay bigay sa'kin ng veg. salad. Yuck! I hate veggies!
Sinimangutan ko na lang siya at hindi na kumain. I lost my appetite. Nakakainis kasi tong lalaking to.
"Aish!" Sabi niya at ginulo-gulo pa ang buhok niya.
Nagulat na lang ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako papuntang counter. Bumilis ang tibok ng puso. Teka, bakit ba?
"Pili ka na. Nakakainis tingnan ang mukha mong nakasimangot." Sabi niya.
Umiling na lang ako at umalis. I lost my appetite. My heart is still beating fast. Ninenerbyos ba ko? Ano ba to?
"What the hell?!" Sigaw ng babaeng nabangga ko.
"Sorry." Sabi ko sa kanya at iniwan siya. Narinig ko pang nagsisigaw ang babae pero hindi ko siya pinansin.
Ayoko pa rin dito. Ayoko pa rin labas. Hindi ko alam ang mga kakaibang feelings na nararamdaman ko simula ng makasalamuha ko sila. Di ko maintindihan.
~ Pag-ibig's ~
"Bakit ba bigla-bigla ka na lang umaalis ha?! Nag-alala ako sa'yo!" Panenermon sa'kin ni Eros.
Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang pagpipinta sa canvas. Hindi ko alam kung ano ang nais kong ipinta. Basta hinahayaan kong tangayin ako ng nararamdaman ko at maipinta ang laman ng puso ko.
Talak lang siya ng talak. I hate it before but in an instance, I love hearing his voice now. Mabilis ba kong magbago? After that incident sa school three months ago, I had this weird feeling.
"Why are you painting me?" Nagulat ako sa tanong niya.
Then it hit me. Perfect jaw line and deep blue orbs. It was him, indeed.
Mabilis kong pinatungan ng ibang kulay ang larawan. Nasira iyon. Hindi na maintindihan ang nakaguhit. I just hate it. I hate admitting that I've been painting him over a tons of times now. Simula ng makita ko ang sakit sa mga mata niya pagkatapos naming makita ang babaeng yun ng mag-enroll kami.
I don't know if I still hate him.. Maybe yes? But some unfamiliar feeling is eating all my hate up.
A/N:
Fast forward is real. Haha.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig's
Mystery / ThrillerIliana Pag-ibig Alvarez, just an ordinary antisocial girl. She doesn't even want to go outside their house. Her comfort zone. She doesn't know how to make friends or how to fall in love and stay in a relationship with a special someone. ...