"She deserves the best. Kailangan kong higitan lahat ng ginawa niya para sakin brad. Ito na yun eh. Sure ako. Siya na talaga brad, eh." Sabi ko kay Je na rinding rindi na sa pangungulit ko na tulungan ako sa plano ko.
"Jusko. Kailan ba naging contest ang pag-jojowa??? Hassle ha. Naiistress na ko." Sabi niya. Sabay kuskos sa dalawa niyang mata.
Pero kasi ito na yun eh. Siya na talaga. Di na kaya. Kailangan ko na ikandado sa tabi ko yung babaeng yun. May helmet na din akong nabili. Zeus helmet pa yon. Maganda gandang klase. May Yale lock na din ako para sa kadena. Wala na kong planong pakawalan siya.
"Brad. Ang dami mo pa kasing iniisip na pakana. Ganto. Bili kang singsing. Yayain mo mag-date. Sabihin mo yung nararamdaman mo. Tapos luhod ka na. Tapos tanungin mo na kung pwede ka ba niyang tabihan sa pagtulog hanggang sa pag gising! Ganun!" Sabi ni Je, taking me out of my thoughts.
"Hindi pwede yung ganyan. Kailangan unforgettable!" I told him.
"Para kang tanga. Gusto mo unforgettable??? Yung bilhin mong singsing, lakihan mo yung bato! Tignan ko lang kung malimutan pa niya yung proposal mo. Ang arte!" He told me, sabay kaltok sa ulo ko.
"Aray! Masakit ha. Sapakan tayo, gusto mo?? Wala akong mapapala sayo eh. Ako na lang nga mag-iisip. Stand-by ka na lang ha! Tulungan mo ko. Wag kang ano jan. Pipitikin ko itlog mo!"
"Wala naman akong choice eh. Galingan mo pagpa-plano ha." Je told me before gulping his beer.
YOU ARE READING
She Said What?
FanfictionA series of unfortunate events, ruined surprises and frustrating mishaps. Wanna know what she said? // © EB page for photo