Kalmahan niyo lang, my dear friends. ☺️😉
//
It was almost 6am when I got a call from Tatay.
"Rj, 'nak! Kamusta kagabi?" I could swear I was hearing my dad's voice but the caller ID says it was Tatay who was calling.
I slept at around 1am last night. Para kasing GIF na naka-loop sa utak ko yung nangyare sa condo ni Maine kagabi.
"Hello? Rj? Huy?" Si Dad talaga naririnig ko eh.
"Uh.. Hello? Dad?" I asked.
"Tulog ka pa ba? Nako, sorry 'nak. Naexcite kasi kami netong si balae eh."
"Rj! Pasensya ka na, nagising ka ata namin. Eh, excited kaming maki-balita eh." I heard tatay."Tay??? Dad??? Magkasama po kayo? Ano pong meron? Kasama niyo din po ba si nanay?" I asked.
"Oo. Magkasama kami 'nak. Halata ba? Wala si Mary Ann. Nagpaiwan at may trabaho pa daw siya." Sabi ni Dad.
"Sinundo ako netong daddy mo sa bahay. Tapos mag-roadtrip daw kami. Papunta kami ngayon sa Nuvali para mag-kape." Sabi naman ni Tatay.
Ano ba 'tong mga tatay namin. Ang layo ng kapehan. May pa-roadtrip pa.
"Oh, ano na nga nangyare kagabi?" Tanong ni Tatay.
"Ang layo naman po ng kapehan niyo! Wala 'tay eh. Fail uli. Nag OT kasi sila sa trabaho ng dalawang oras. Tapos syempre inantay ko po. Pag dating, uminom lang ng tubig, nagtanggal ng sapatos niya tapos pumasok ng kwarto. Akala ko nga po magbibihis lang eh. Nung sinilip ko, ayun. Plakda na sa kama niya, tulog. Pagod na pagod po."
Both dads were snickering while I was telling them about last night. Napapakamot na lang ako sa tag team nilang dalawa eh.
"Anak ng tinola. Ano ba yan, Jay." Dad said.
"May balat ba sa pwet tong anak mo, balae? Pangalawa na yan, Rj ah. Hahahaha!" Pang-aasar ni Tatay.
"Ewan ko, balae. Sa pagkakatanda ko, wala naman." Sagot naman ni Dad habang tumatawa.I didn't mind the teasing. Ang weird lang na di pa nga ako nakakapag-propose ng maayos kay Maine, 'balae' na ang tawagan nila.
"Pero Rj, tulad ng sinabi namin ng Nanay at netong si Richard. Relax ka lang. Wag kang mag-overthink. Makakapagpropose ka din." Tatay said.
"Tama si Teodoro, 'nak. Relak relak lang. Osige na at nandito na kami sa Starbucks."
Then they ended the call. Di man lang inantay na makapagpaalam ako.
Nakatulog ako ulit pagkatapos ko makausap yung mga tatay namin. Paggising ko ng bandang 9am, may text si Maine at Ate April.
From: Beb.
Beb! Bat may pa-bulaklak? Ano meron? Good morning! I love you. San tayo maya? Libre kita!To: Beb.
Bulaklak lang para sa pinaka maganda kong girlfriend. I love you too! Sunduin kita maya maya. Isip ka na saan tayo.From: Ate April.
Jay! Kamusta? Congratulations! Ano sabi ni Maine sa food? Patingin ng picture ng ring! Ay, good morning pala.To: Ate April.
Wala pa ate, wag ka muna mag-congratulate. Haha. Pagod na pagod si Maine from OT work kagabi, tulog agad pag uwi niya. Nagustuhan naman ni Dean yung food. 😂 Tawagan kita mamaya, kwento ko sayo.I took a bath after sending my reply to Ate April. Tapos pumunta na ako kay Maine. Pagdating ko dun, hindi pa siya nakakaligo, nagpapatugtog ulit ng album ng Ang Bandang Shirley at ayaw magpa-kiss at hug.
"Ang arte oh. Pa-kiss at hug na! Paamoy kung maasim. Hahaha." I wrapped my arms around her and sniffed her hair, down to her neck. Nung itataas ko braso niya para amuyin kili-kili niya, lumayo siya.
"Ano ba, beb! Ang kulit!!!!" Kurot sa ilong ko. Inalis ko yung kamay niya at ninakawan siya ng kiss bago ako dumiretso sa fridge. "Ang sarap ng cheesecake na yan! San mo binili?" She asked me.
"Ginawa namin ni Ate April." Sagot ko habang kumukuha ng slice ng cheesecake for myself.
"Ay woooow. Para sakin ba kaya gumawa ka?" She asked while settling on my lap and taking a spoonful of the cheesecake.
Oo, beb. Para sayo. Para sa proposal sana natin. I sighed.
"Huy! Ang lalim ha. Para sakin nga?" She asked me again.
"Para kanino pa ba?" I smiled at her.
"Cheesy! Ligo na ako. Kain ka lang jan." Kiss sa lips na hindi ko man lang nalasap kasi umalis na siya agad.
Habang inaantay ko siya na matapos maligo, nag-Facebook muna ako. (C.N.: Yes po, ladies and gents. Marunong siyang mag-FB dito. Hahaha.)
May nakita akong video na shinare ni Randall.
It was a video of Eco of Chicosci's proposal to Kai of Autotelic.
It was during one of Autotelic's gigs. Kai Honasan was playing her guitar with her head down. When she looked up, she saw letter ballons saying "MARRY ME" then the guy emerged from the audience and got down on one knee.
Kai was crying and was overwhelmed.
I could imagine Maine giving me that same reaction once I get to successfully propose to her.
That video gave me another idea...
I quickly sent a message to Randall, asking him if, by any chance, he has friends from Ang Bandang Shirley.
He has worked with bands before and he's friends with a lot of them. I just have to wait for his response.
I went back to watching the proposal video...
That's how Maine found me.
"Ano yan, beb?" She asked.
"Ah, wala beb. Ready ka na? Tara?"
"Yep. Mag shoes lang ako. Wait."I was about to put my phone inside my pocket when I got a message notification.
FB Messenger
Randall sent you a message.
Randall: Meron, brad. Bakit?"Tara na, beb!" Maine was walking towards me already.
Minessage ko si Randall na tatawagan ko siya mamaya. Tapos tinago ko na yung phone ko.
"Tara." I smiled at Maine.
C.N: Huy tuwang tuwa ako sa previous chapter! Ang saya makipag-kwentuhan sainyo! More pls? Salamat! Hehe. Ayan na. May pangatlong plano na si Rj. Ready na ba kayo? 😂
YOU ARE READING
She Said What?
FanfictionA series of unfortunate events, ruined surprises and frustrating mishaps. Wanna know what she said? // © EB page for photo