Prep

1.2K 102 9
                                    

HALA??? 5k reads na tayiz! Kinikilig kez. Thank you! 😭😍

//

2 days before my 2nd proposal, nagdecide akong magpuntang Dangwa para magtingin at mamili ng bibilhin kong bulaklak para kay Maine.

Bilang favorite niya yung carnations at yellow, I got her a bouquet of yellow carnations. Tapos bumili din ako ng 2 plastic ng rose petals para sa paandar ko.

Pagbalik ko galing Dangwa, tinawagan ko naman si Ate April.

"Oh, Jay. Napatawag ka?"
"Ate April, busy ka ba today?"
"Hindi naman. Why?"
"Pwede mo ba ko samahan mamili ng ingredients para dun sa iluluto ko sa dinner namin ni Maine? Saka para din makapagpractice tayo sana."
"Oo naman. Kita na lang tayo sa grocery malapit jan sa condo mo?"
"No. Sunduin na kita. Text mo sakin saan. See you, Ate!"

I fetched Ate April and shopped for the stuff I needed for my surprise dinner proposal.

Dumiretso kami sa condo ko pagkatapos mamili para naman mag practice magluto. Ate April was helping me with my cooking kasi gusto ko masarap ang food, syempre.

"Ano, Jay? May naisip ka nang dessert na gagawin natin?" Ate April asked me.

"Wala pa nga ate eh. May masu-suggest ka ba?"
"Hm. Feeling ko pwede na yung Blueberry Cheesecake."
"Iniisip ko din yan ate. Madali lang ba gawin yun?"
"Oo naman. Gawin na natin today. Para i-fridge mo lang tas sa dinner proposal mo, serve na lang."
"Ay osige ate. Ang galing mo talaga! Buti na lang andito ka!"

Buong mag-hapon kaming nagluluto ni Ate April. Mostly, ako lang. Gusto ko talagang i-perfect lahat para sa gabing yun eh.

After ng mga apat na tries para sa perfect steak, sa wakas! Naka-tsamba ako!

"ANG SARAP, RJ! Kaya mo na ba yan ng ikaw lang?" Ate April asked me.

"Oo naman, Ate April. Kailangan kayanin ko. Hindi pwedeng pumalpak." I answered while munching on the steak I cooked.

"Okay. Pero kung sakaling kailanganin mo ng backup, tawagan mo lang ako."

"Thanks, Ate! Ano? Hatid na kita?"

"Okay lang ba? Di ako makapagbook ng Uber eh."

"Oo naman no! Thank you talaga ng marami, Ate ha!"

"AY! Tikman muna natin pala yung cheesecake na ginawa mo!" She suddenly remembered.

"Ay onga pala. Sige sige."

I took the cheesecake out of the fridge and sliced a piece for the two of us.

After tasting it, Ate April hugged me and I swear I heard her sniff.

"I'm so proud of you, Jay! Ang sarap! Pati yung steak, ang sarap talaga! Goodluck sa dinner proposal mo. Mapapa-yes si Maine dito sa mga pinrepare mo, sure na sure yan."

"Thank you, Ate. This is all because of you and your help. I couldn't have done it without you." I hugged her tighter.

"Basta, galingan mo ha. Pagka-yes na pagka-yes ni Maine sayo, tawagan mo kami lahat. Aabangan namin. At Facetime dapat ha! Patingin kami niyang pinakatayago mong singsing!"

"Yes, Ate. Promise yan. Thank you talaga, Ate."

"You're welcome! Goodluck! Pagp-pray ka namin tsaka si Maine."

After ng slight drama namin ni Ate April, umalis na kami para ihatid na siya.

Ready na talaga lahat.

Ready na din ako.

Unti na lang, Maine. Unting unti na lang.

C/N: Homaygaaaaahd. Umabot ako!!! 5th day ng sunod sunod na updaaaaate! Next month na ulit ha? Charot. Hahaha. Ayun nga! 5k reads na tayo, maraming maraming salamat po!! Tapos, ayun na nga uliiiii! Ready na daw si Rj! Kayo, ready na ba? Kapit lang!

She Said What?Where stories live. Discover now