Preparation II

1.8K 100 12
                                    

Buti na lang talaga hindi na nagtanong ulit si Maine about sa listahan na nakita niya. Never using paper for lists again.

Kinabukasan, I woke up early para maagang maka-tapos ng mga kailangan. Inuna ko na ang pag tawag sa team namin ni Randall to cover the proposal that's going to happen in a few days.

"Oh, Jay. Napatawag ka?" Randall said.

"Bro. Sabi ko sayo, I may need the team's help diba? Busy ba ang team this weekend?" I asked him.

"Hmm. Teka, teka. Weekend. Hmmm. Wala naman. Clear pa ang weekend. Ano bang meron? Ito na ba ang much awaited proposal?" He teased.

"Hahaha. Ito na, bro. Long overdue but, definitely worth the wait! Sa weekend, pero di ko pa nacoconfirm yung resort. Pero itetext ko sayo. Bro, agahan niyo ha. Gusto ko i-shoot niyo mula pagdating ng mga kasama sa proposal, yung prep ng set up. Tapos, kung kailangan mag hidden camera para sa pagdating namin ni Maine, go. Salamat ng marami, bro!"

"Walang anuman, bro! Para sa pag-ibig! Naks! 'Grats na agad agad!" Sabi niya.

"Hahaha! Wala pa. Pero hoping. Isama mo na din ako sa mga dasal mo ha. Eto na yun eh!" I told him.

"Oo naman. Good luck! See you!" Then we hung up.

Next, I had to book the resort. Pero itetext ko muna si Maine. Baka magtaka na di pa ako nagpaparamdam.

To: Beb.
Good morning, beb! Enjoy your rest day po. Any plans for the day? I love you!
*SENT*

From: Beb.
Good morning, beb. Wala po. Malamang bawi ng tulog. Dami kong pagod. Punta ka dito? Lunch? Magluluto ako. May pinanood akong video ni Gordon Ramsay. I love you too!

To: Beb.
Okay. Mga 11am jan na ko. Panoorin kita magluto ala Gordon. Haha. May gusto kang dessert?

From: Beb.
Ice Cream! Sige na. Tulog muna ako uli ng unti. I love you! See you later. 😘

Next, tumingin ako online ng resort. Inisip ko kung somewhere sa Bulacan ba or somewhere sa Laguna. Ang napili ko, sa Camayan Beach Resort sa Subic.

I booked rooms for everyone for 2d1n. Para sure na. Baka mapagod at tamarin nang umuwi eh. 1 for Maine's family. 1 for my family. Then 1 for the two of us.

I also told them about my plan of proposing there and they were nice enough to offer help.

A table for two will be set up malapit sa dagat. Nagrequest na din ako na maglagay ng tent to be prepared. I also told them na may mga guests na maaga pupunta to help prepare.

Okay, 1 down!

Kinuha ko sa ilalim ng couch yung mga binili ko. Yung illustration boards at paint at sinimulan ang dapat simulan.

"Maine, I know this is long overdue. And we've both been waiting for this for so long. Sorry to have kept you waiting, but eto na. We're finally here and–"

09153456789 calling...

"Hello?"

"Rj! Ate Sacha to. Sorry ah? Di ako makakasama sa pa-proposal mo. Pero good luck ha?"

"Hi Ate. Sayang naman po. Sige po, salamat ate! Papa-video ko na lang para sayo. Hehe."

"Dapat lang! Hahaha! Osige, goodluck uli. Bye na at umiiyak na si Kurdapya."

"Bye ate!"

Tinext ko na rin sila Ate Ria to ask kung makakapunta sila sa weekend.

To: Ate Ria, Ate Mira, Ate Magz.
Hello ates. Good morning po. Makakasama po ba kayo sa weekend? :) Salamat po! -Rj.

From: Ate Magz
Rj! Nako, sorry ha. May pa-SG si mayora eh. Kailangan ng chaperone. Pero good luck ha? Cheer kita from high up above!

From: Ate Ria
Rj, di ako pwede sa weekend pala. Uwi ako samin. 40th Wedding Anniv nga pala ng parents ko. Ipagdadasal ko na lang na magtagumpay ka para umabot din kayo ng 40 years! Good luck!

From: Ate Mira
Hay nako, wala akong nakuhang seat sale palabas ng Fairview, Jay. Di ako makakasama. Charot. Enrollment ng Kinder. Alam mo na. Good luck na lang ha? Pengeng link ng proposal video pag meron!

Anak ng tokwa. So family na lang namin ang bisita? Sayang naman oh.

To: Ate Ria, Ate Mira, Ate Magz.
Sayang naman po, wala kayong apat. Pero okay lang po. I like - 1 prayer na lang po para sakin mga ate ha. Salamat po!

Tinuloy ko na yung ginagawa ko para sa proposal dahil bibili pa ko ng ice cream at pupunta kay Maine. Dapat matapos ko na to agad para idaan ko na kay Je para siya na magtago since siya naman magdadala sa resort.

Tinawagan ko din ang parents ni Maine at sila Dad para i-inform sila na okay na at kung saan yung resort at kailangan andun na sila ng 12nn for check-in.

Pumunta na ko sa condo ni Je ng mga 10:30am at tulog pa ang mokong.

"Ang aga mo, pakeryouson." Sabi ni Je pagbukas niya ng pinto.

"Oh eto na. Yung ilaw, yung balloons, may pump na din jan. Tapos eto, yung placards. Alam mo na pano yan ha! Wag kang panira, Je. Nako sinasabi ko sayo. Osige bye salamat! Punta pa ko kay Maine." Nilagay ko na lahat sa couch niya tapos iniwan ko na siya dun.

"Hoy! Bwiset ka talaga. Mamaya ka sakin pag gising ko!" Sigaw niya paglabas ko ng pinto.

C/N: Hala. Grabe ako. Ngayon lang nagupdate. Grabeeeee. Pasencia biscuits. Nawala ako sa focus dito ng bahagya but I'm back! Hehehe. Pagdamutan ang sabaw! Hehehe. Also, may isa pa kong story na dahilan ng kawalan ko ng focus. dogeh ang title hehehe! Salamat uli! Hi hello! Walang beta beta, sorry na sa mga pagkakamali. Hehe. Baboosh!

She Said What?Where stories live. Discover now