It has been a week since the proposal weekend na hindi natuloy. Shout out sayo, bagyo. Hay.
Ayun nga, Maine and I ended up spending the weekend at her home in Bulacan. We played with Matti, watched movies and syempre, lumamon.
The next day, umuwi sila Nanay dun. At kunyari nagulat na andun kami. Ang galing din talaga netong future parents ko eh.
So eto ako ngayon sa condo ko, inaantay na magpasundo si Maine at nagiisip ng way para makapagpropose na sakanya.
Napaisip ako dun sa sinabi ni Je the first time. Pero ayoko sana sa restaurant. Saka gusto ko ng effort, syempre.
Tipong ako yung magluluto, ako magseset up ng dinner. Syempre maganda kung may pa-candles, pa-flowers, pa-petals leading to the balcony where I plan to set up a table for us two.
As much as gusto ko pa din i-document yung proposal, parang this time, it should just be us and I should just let our hearts be the sole witness to it. Tama. No cameras.
From: Beb.
Beb, susunduin mo ba ako? Last break ko na po.To: Beb.
Okay. Punta na ko jan maya maya. See you.I changed into much more decent clothes. And drove off to Maine's office.
Pagdating ko dun, nasa labas sila ng Ates niya. Kumakain ng fishball.
Nag park ako at pumunta kung asan sila.
"Hi beb. Tusok ka, dali. Bagong luto oh. Sarap nung kwek kwek!" Maine said after bussing my cheek.
"Baka ang dami mo nang nakain. Magdidinner pa tayo ha?" I told her habang nagtutusok ng fishball, kikiam at kwek kwek. "Hi mga ates. Kamusta po?"
"Okay lang naman kami. Kayo? Kamusta ang weekend niyo?" Tanong ni Ate Ria.
"Onga. Kamusta weekend? San kayo pumunta?" Ate Mira asked.
Parang alam ko na saan papunta to. Nako nako nakooooo. Patay ako pag naungkat ang proposal...
"Onga. Anong mga activities ginawa niyo nung weekend, lovebirds?" Sabi naman ni Ate Magz with matching kilay movements.
"Onga, onga. Share naman kayong dalawa ng weekend niyo!" Si Ate Sacha naman.
Tinitignan ko si Maine na busy kumain ng kwek kwek. Halatang litong lito siya sa mga tanong nila Ate.
"Ha? Ba't ang interesado niyo sa weekend namin, mga ate? Hahaha." Sagot ni Maine.
"Wala naman. Baka lang kasi may nangyaring significant sa buhay niyo over the weekend, ganun. Life changing, ganyan!" Sabi ni Ate Sach.
"Nag enjoy ba kayo? For sure nag enjoy kayo!" Sabi naman ni Ate Magz.
"Hahaha! Wala naman life changing sa weekend namin, Ate. Eh pano, hindi kami natuloy dun sa resort para sa pre-nup shoot ng team nitong si Rj." Sagot ni Maine, tapos biglang lahat silang apat nakatingin na sakin na parang may pagbabanta and at the same time, may pagkalito.
Sasabat na sana ako ng biglang may tumawag kay Maine.
"Maiiiiine! Buti andito ka pa! Diba binigyan kita ng spare key ng padlock ko sa locker? Pahiram naman ako oh. Naiwan ko sa loob ng locker ko yung ID ko, eh nandun din yung susi. Hehe." Sabi nung babae. Kilala ko to eh. Nalimutan ko lang pangalan niya.
"Ano ka ba naman, Mel. Hahaha! Osige tara. Beb, wait lang ha? Wait lang, Ates ha." Paalam ni Maine sakin.
The moment na umalis si Maine, ayun na. It began.
"HOY RJ ANO NANGYARE?" Tanong ni Ate Ria.
"Eh kasi... ano ate. Handa naman na lahat. Kaso, nung papunta na kami, ang lakas bigla ng ulan. As in. Hanggang sa sabi sakin ng parents namin na wag na tumuloy kasi delikado sa daan dahil sa ulan. Ayun, nagpunta na lang kami sa bahay nila sa Bulacan. Dun na kami nag weekend kasama ni Matti." I explained.
"Ay hala! Tama din naman. Mahirap na, madulas ang daan tapos asa biyahe kayo eh." Sabi ni Ate Sacha.
"Eh pano na yan? Anong next plan mo?" Tanong ni Ate Mira.
"Onga. Siguro naman may plan B ka na na nakahanda db?" Sabi ni Ate Ria.
"Ay dapat lang may plan B!" Si Ate Magz.
Sa totoo lang, hindi ko pa kasi sure kung swak ba yung 'plan b' ko pero feeling ko kasi mas may chance yun. Not really grand but for sure, memorable.
"Meron na po, Ates. Pero ako na bahala muna. Sisimplehan ko lang pero sisiguraduhin kong memorable pa din." I smiled.
"Nakanaman! Osige. Goodluck. O bayaran mo na yung kinain natin. Alis na kami ha? Bye!" Tapos umalis na silang apat. Lagi na lang nila akong nilalayasan.
Wait wait, yung kanila din babayaran ko?
"Beb! Tara na? Ay wait bayaran ko lang. Magkano yung kina Ate Ria? Sabi ko kasi ililibre ko sila eh." Tanong ni Maine pagbalik niya.
Ahhhh. Kaya pala ako na daw magbayad. Libre pala kasi ni Maine.
"Okay na, beb. Nabayaran ko na. Diba, kuya?" Sabi ko.
"Ay yes, mam. Binayaran na ni ser. Sige po, salamat!" Umalis na si Kuya Fishball at naglakad na kami ni Maine papunta sa kotse.
Tama, tama...
Sisimplehan ko lang pero sisiguraduhin kong memorable. Ewan ko na lang kung di pa magwork to.
Ang tanong ngayon...
Paano ko ipupuslit sarili ko sa condo ni Maine to prepare everything nang 'di niya nalalaman? Hmmm...
C/N: Hello!!!! Grabe, I'm on a roll here! 3 updates na magkasunod sunod! I'm so proud of myself. Hahaha. Anyways!!! Ayan na. May plan b na daw si Rj. Abangan natin kung ano mangyayare. Sana matuloy na! Uy. Thank you sa mga nagbabasa dito. Comment naman kayo, usap tayo! Promise, mabait ako. Hahahaha!
YOU ARE READING
She Said What?
FanfictionA series of unfortunate events, ruined surprises and frustrating mishaps. Wanna know what she said? // © EB page for photo