Preparation

2.1K 124 16
                                    

After meeting up and planning with Je, I called Maine's parents to tell them my plan. I told them that I plan to do it next weekend. So we still have about, 10 days or so to prepare everything.

" 'Nak, beach talaga ang gusto mong venue? Tag-ulan na, iho. Baka masira ang plano mo?" Nanay Mary Ann asked me.

"Oo nga, iho. Tama ang nanay. Baka ulanin tayo dun tapos masira yang plano mong dinner by the beach. Dapat may plan B ka." Pagkampi ni Tatay Teddy ke Nanay.

"Tingin ko po magiging okay naman po ang lahat, Tay. Pwede na lang ho ba na maaga kayong pumunta sa resort sa araw na yun? Para po ready na lahat, pati kayo, bago po yung proposal."

"Oo naman. Sasabihan ko na agad yung mga kapatid ni Maine para ma-free nila yung araw na yun." Sagot ni Nanay sakin.

"Pakisabi rin po sakanila na wag sila maingay kay Maine, Nay ha. Baka madulas si Coleen o kaya si Dean eh." I told her.

"Osige. Sasabihan ko sila." Nanay said.

"Goodluck, iho. Sana umayon sa plano mo ang universe." Tatay said.

//

After some more planning with Maine's parents over the phone, umuwi na ako at nag-plano pa.

Kailangan ko nga kaya ng plan B? Kung uulan nga, paano na? Eh paano naman kung hindi di ba? Paano kung maging perfect naman lahat? Okay. Dun tayo sa positive na paano.

Nililista ko kung anong mga kailangan ko para sa placards at sa iba pang kailangan para dun sa dinner nang tumunog ang phone ko.

*1 new text message*
From: Beb.
Psst. Busy ka po? Saan ka? Punta ako jan? :)

To: Beb.
Sige po. Wait mo ko. Sunduin po kita. I love you.
*Sent*

Iniwan ko na yung nililista ko at kinuha ang susi ng kotse para sunduin si Maine.

Pagdating ko sa office niya, wala pa siya sa labas. So nagpark na muna ako at bumaba ng kotse. Nakita ko na asa labas yung mga ate niya sa work.

"Hi mga ate."

"Oh, Rj. Umakyat saglit si Maine. May naiwan ata sa locker niya?" Sabi ni Ate Ria.

"Ah. Okay po. Ay pwede po kayo makausap?"

"Tungkol saan naman yang usap na yan?" Sagot ni Ate Magz.

"Onga, onga. Di ka namin tutulungan kung may kasalanan ka kay Maine. Harapin mo yan, aba." Sabi naman ni Ate Mira.

"Ay. Rj, sinasabi ko sayo. Wag si Maine ha!" Si Ate Sacha naman.

"Hala. Wala akong kasalanan. Pero may plano po kasi ako." Sabi ko naman.

"ANO?!?!?" Sabay sabay na sabi ng mga Ate.

"May plano kang gumawa ng kasalanan??? Kung kinukurot ka namin ngayon na ha???" Sabi ni Ate Magz habang yung ibang mga ate ang sama na ng tingin sakin. Medjo kinakabahan na ko lalo.

"Hindi po kasi. Grabe. Kalma lang po. Wag niyo pa sabihin kay Maine pero plano ko na po kasing mag-propose eh."

"Awwwww. Sabi na nga ba eh. I knew it." Sabi ni Ate Mira.

"Oh, how can we be of help naman?" Tanong ni Ate Ria.

"Ay ako, ako na bahala sa susuotin ni Maine sa honeymoon niyo." Sabi ni Ate Magz.

"Ay. Magppropose palang ako Ate Magz. Hehe."

"Oo nga. Eh ano ba pagkatapos magpropose? Kasal diba? Oh pagkatapos ng kasal, ano? Diba honeymoon? Para prepared." Sabi niya.

"Uhm.. Dun po muna tayo sa proposal. Pero salamat po sa offer. Next weekend po, free po ba kayo? Beach proposal po kasi plano ko. Libre po kaya kayo nun?"

"Ay nako... May date ako nun." Ate Mira said.

"Magla-Landers kami ng bestfriend ko nun, eh." Sabi ni Ate Ria.

"Di ko sure. Papaalam muna ako sa asawa ko. Biglaan ka naman kasi, Rj!" Sabi ni Ate Sacha.

"May labada ako sa weekend, eh!" Sagot naman ni Ate Magz.

Ano ba to. For sure gusto ni Maine na andun sila sa special moment na yun. Kaso syempre may mga kanya kanyang buhay nga naman sila.

"Rj, itext mo na lang kami. Ito number naming apat. Text mo samin plano mo saka ano gagawin namin ha. Bye na, andyan na din si Maine." Inabot ni Ate Ria sakin yung papel na may mga number nila tapos umalis na sila. Ha???

Nilagay ko na yung papel sa wallet ko at nakita kong nasa lobby na nga si Maine, palabas na ng building.

"Ate– Ay, hi beb! Nakita mo sila Ate Magz dito?" Sabi niya, tapos hinalikan ang pisngi ko.

"Hi beb. Yep, andito sila kanina. Tapos nagbye na sila eh. Bakit?" I asked her while we were walking to my car.

"Wala naman. Tara na. Gutom na ko. Kain tayo?" She asked me as I opened the car door for her.

"Take out tapos sa condo ko na lang?" Tanong ko sakanya nung nakaupo na ako.

"Okay."

Nag drive thru kami sa Mcdonald's at dumiretso na sa condo ko.

Inaayos ko yung pagkain namin sa dining table tapos siya nakaupo sa couch.

"Beb. Ano to? Book resort? Buy balloons? Illustration boards? Black paint?" She asked me.

Ay potah. Yung listahan ko!!!!!!

"Ha? San mo nakita beb?" Sa coffee table, for sure. Dun ko iniwan eh.

"Dito sa coffee table mo. May shoot ba kayo nila Randall?"

"Ay oo. May shoot kami nila Randall. Para sa pre-nup shoot yan beb. Wag mo na pansinin, wala lang yan. Halika na dito, kain na tayo."

Mula ngayon, sa notes na ng phone ko ako maglilista.

Muntik na ko dun ah.

C/N: Ang sabaw. Bow. Hahaha. 'Yoko na nga 😂

She Said What?Where stories live. Discover now